ANG ARAL NG DEMONIO


Ang aral ng Demonyo?

Ano ba ang aral ng Demonyo at Alin pangkatin pang relihiyon sumusunod sa aral na ito:

Ito ang Sabi ng Apostol Pablo:

" Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga; Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan. Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat: Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.-- ( 1 Timoteo 4:1- 5)

Ang sabi ng Apostol Pablo sinasabi ng Espiritu Santo na sa huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panampalataya at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga Aral ng Demonio sa pamamagitan ng mga tao na nagsasita ng mga kasinungalingan na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga na IPINAGBABAWAL ANG PAG AASAWA AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA PAGKAIN NG MGA LAMANGKATI:

Sa Alin pangkatin pang relihiyon ba ito natupad na ipagbabawal niya ang pag aasawa ito ang patotoo ng Aklat Katoliko na isinulat na isinulat ni archbishop James Gibbons :

" Ang disiplina ng Iglesia (katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote (pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." 

----- (Ang pananampalataya ng ating mga ninuno p.396 inakda ni Arcbishop James Gibbons )

Ang pagbabawal sa pag aasawa ng mga pari ay tinatawag ito sa Iglesia Katolika na "Law of Celibacy " kung saan sa batas na ito hindi pinapahintulotan ang isang pari na mag-asawa matapus siya maordena at ayon sa pahayag ng Espiritu Santo ito ay aral ng demonio.

"Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa. -- ( Mga Awit 78:63 )

Dahil ang pagbabawal sa pag aasawa ng mga pari sa Iglesia Katolika ay hindi ito utos ng Diyos manapa sa matandang tipan ang mga pari ng Diyos ay nag aasawa at pinapanhintulotan na mag asawa:

"At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pang-pahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot;..."At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis. Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.-- ( Leviticus 21:10,13-14 )

------

Ang mga Obispo ni Kristo may isa lamang asawa samantala itong mga obispo sa Iglesia Katolika ay hindi pinapahintulotan na mag- asawa:

"Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; :Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan; -- ( 1 Timoteo 3:2-4 )

-------

Ang mga Apostol ng ating Panginoon Hesu Kristo ang ilan sa kanila ay may mga asawa:

"Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas? -- ( 1 Corinto 9:5 )

Kaya si Cefas o Apostol Pedro ay may may biyanang babae dahil may asawa .-- ( Mateo 8:14 )

Kaya nga taliwas itong katuroan ng Iglesia Katolika sa Iglesia na nasa Bibliya dahil ang sinusunod ng Iglesia Katolika ay aral ng demonio.

--------




Ngayon ang isa pa sa pagkakilanlan sa aral ng demonio ituturo nito ang paglayo sa pagkain ng karne sa mga panahon ng tinatawag nilang mga banal na araw:

Tuwing sasapit ang “Biyernes Santo” ng ating mga kababayang Katoliko ay nakaugalian na nila na huwag kumain ng kahit anumang uri ng karne sa araw na iyon. Ang tradisyong ito na kinasanayan na ng ating mga kababayan at mga kaibigan ay walang basihan sa Biblia, sa halip ito ay hindi aral ng Diyos kundi ng demonyo.

Ito ang patotoo ng kanilang aklat:

"What do we mean by Abstinence?
- By Abstinence we mean that we may not eat FLESH MEAT and anything containing meat.

- Who must abstain from MEAT on the days of Abstinence?- All catcholic from age of fourteen must abstain from meat on the days of abstinence..."

----- ( The Commandments p.173 st paul publiation )

-----

1 Timothy 4:3: “Forbidding to marry, and COMMANDING TO ABSTAIN FROM MEATS, which God hath created to be received with thanksgiving of them which believe and know the truth.”

Ayon kay Apostol Pablo, ang pagbabawal sa pagkain ng karne ay isa sa mga aral ng demonyo. Kaya, madali nating makikilala kung sino ang mga tumalikod sa tunay na pananampalataya. Kung gayon, alamin natin kung sinong iglesia ang may katuruang nahahalintulad sa binabanggit ni Apostol Pablo na “pagbabawal sa pagkain ng karne”. Ito ang ating mababasa na pag-amin ng Iglesia Katolika:

“SA IKALAWANG UTOS AY IPINAG-UUTOS NG SANTA IGLESIA (KATOLIKA) sa atin na mag-ayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE SA MGA ARAW NA IPINAGBABAWAL NIYA.”

---- (Siya Ang Inyong Pakinggan: Ang Aral Katoliko, p. 139)

Hindi ang Panginoong Hesu Kristo o ang mga apostol ang nagbawal sa mga kababayan nating Katoliko na kumain ng anomang lamangkati o karne, kundi ang mga awtoridad ng Iglesia Katolika.

Dahil dito, kaagad nating malalaman na ang paniniwalang ito ay hindi nakasalig sa Kasulatan (Bibliya).

Maliwanag na ang kaugaliang ito ay utos lamang ng tao at hindi utos ng Diyos kaya marapat lamang na mabatid natin na ito ay walang kabuluhan sa harap ng Panginoong Hesu Kristo:

“WALANG KABULUHAN ANG PAGSAMBA NILA SA AKIN, ANG MGA ITINUTURO NILA AY MGA UTOS LANG NG TAO.’ ” --- (Mateo 15:9, ASND)

------

Ang mga Katoliko pinalalayo kumain ng karne sa panahon na tinatawag nilang HOLY WEEK samantala ang ating Panginoong Hesu Kristo kasama ang kanyang mga alagad ay NAGHANDA NG KARNE ng tupa na siyang KORDERONG PANG PASKUA sa araw na tinatawag ng mga katoliko na HOLY WEEK :

"Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.--- ( Mateo 26:17-19 )

Comments

  1. Kung sinusunod ng mga MCGI ang pagbabawal mag asawa Tulad ng katoliko, parehong kampon ng DEMONYO sila.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts