ANG PISTA NG MGA PATRON
Kapistahan para sa mga patron!
Ang kapistahan sa mga patron ay isang kapistahan pinagdidiwang ng mga katoliko na kung saan sa araw ng kapistahan kanilang pinararangalan ang mga tinatawag nilang mga patron nandyan ang pagpaparangal sa mga santo at santa ,ang pagpaparangal maging kay Maria tampuk din sa kapistahan ng mga patron ang pagpaparangal sa kanilang mga Imahen ,nariyan din ang paghahain ng mga handog sa kapistahan na kung saan ang bawat sambahayang katoliko ay naghahanda ng pagkain bilang handog sa kanilang mga patron .
Halimbawa sa Kapistahan ng mga Patron:
Nariyan ang kapistahan ni San Isidro labrador ,ang kapistahan ng black Nazarine sa Quiapo ,ang kapistahan ng Immaculada Conception,at ang kapistahan ng Ina na laging Saklolo sa Baclaran at kapistahan ng mga santo at santa sa Loob ng Iglesia Katolika .
Itong kapistahan sa mga Patron ay isang maliwanag na anyo ng pagsamba sa diosdiosan.
Sobrang nakakalungkot na makita ang mga Katoliko sa kanilang pista, at pagsamba sa kanilang mga patron. Wala na ngang kabuluhan ang gawaing iyon, hindi na makatarungan ang gastos, binabastos pa nila ang Diyos kaya sila tuloy ay nagkakasala.
Kaya nga hindi umuunlad ang maraming Bansang katoliko dahil sa mga pista na ipinagdiwang na siyang pista ng mga patron na mga santo at santa na pawang mga patay na o pista sa karangalan ni Maria o ng santo Nino.
Ito ang ating mabasa sa isang dyaryo na isinulat ng yumaong senador na si Dr.Juan M.Flavier:
⏩ "Taun-taon ay idinaraos ang fiesta rito. Nakasalalay sa parangal at pagsamba sa ating Patron. Pero kasabay nito ay pasasalamat sa mabuting ani. Kaya ang pagbawal ng fiesta ay hindi maaaring mangyari. Hindi maiiwasan ang magpasalamat ang mga taga-nayon. Puwedeng bawasan ang karangyaan at gastos pero ang pasasalamat at pagsamba ay kailangang ipagpatuloy. Maalala ko nga pala, hindi lang tayo nagpapasalamat sa magandang ani.
-- ( DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier Philstar, June 01, 2002)
Ang ganitong mga pagdiriwang ay magastos dahil kailangan mo maghanda at magpakain sa mga nakikipista kaya tampok sa pagdiriwang na ito ang kainan at inuman :
⏩ "Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.(Mga Bilang 25:2)
------------
Ang hindi maiiwasan sa pista ng mga patron ang magulo na pagdiriwang :
⏩ "Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.--- (Kawikaan .17:1)
Tupad -na tupad ito tuwing may mga fiesta o pistahan dinadaos ang mga mga katoliko laganap ang GULO o kaalitan na humahantong sa kaguluhan.kaya nagaganap sa kanilang pagdaraos ang patayan at kaguluhan na sa pagdaraos na ito may mga nasusugatan at may mga buhay na nawawala .
Pumapayag ba ang na ipagpista mo siya sa pamamagitan ng pagpaparangal sa larawang inanyuan :
Nag ipagpista ni Aaron ang Panginoon ang sabi niya bukas ay pista sa Panginoon pero ang ginawa niya gumawa siya ng isang larawang binubo na kawangis ng guya na maging reprisintasyon ng Diyos na naglabas sa kanila sa Egipto :
At sila ay nagbangon at naghandog ng ng mga handog na susunugin sa Panginoon at kanilang ipinagpista at sila'y umupong kumain at uminom.
Ito ang ating mababasa:
⏩ "At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.---(Exodu .32:4-6)
Natuwa ba ang Panginoon Dios sa ginawa nila na siya ipinagpista sa pamamagitan ng larawang binubo na ginawang represintasyon sa kanya:
Ito ang sabi ng Panginoon sa ginawa ng Israel:
⏩ "At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama: Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.-- ( Exodu 32:7-10)
Nag - Alab ang galit ng Dios sa ginawa nila sapagkat sila ay nangagsisama at humilay sa Daan ng Panginoon sa ginawa nila PISTA sa Panginoon ngunit ang pinarangalan ay ang binubong guya na IMAHEN .
----------
At sa isang Bansa na Katoliko kung ano ang dami ng bayan ganun din kadami ang mga patron na kanilang ipinagpipista:
⏩Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda. --- ( Jeremias 2:28 )
----------
Pagsamba sa patron, Ano ang turo ng bibliya?
Alam nating lahat na ang pagsamba sa mga rebulto at imahen ay kasuklam suklam sa Diyos. Eto ang sinasabi ng bibliya ukol dito:
⏩ "Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.May bibig sila, nguni’t hindi nagsasalita; may mga mata, nguni’t hindi nakakakita;May mga tainga sila, nguni’t hindi nakaririnig; may ilong sila, nguni’t hindi nakaaamoy;May mga kamay sila, nguni’t hindi nangakakaramdam; may mga paa, nguni’t hindi nakalalakad; ni bulong man ay walang makalabas sa kanilang lalamunan.Ang nagsigawa sa mga iyon ay matutulad sa kanila; lahat ng nananalig sa kanila."-- ( Mga Awit 115: 4-8 )
-------
Jeremias 3:9 " At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy.
-------
Anong ginagawa nila sa kanilang mga rebulto?
⏩"Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok."-- ( Isaiah 4:7)
Yan saktong sakto pag may prosisyon, pag pista nga ng Nazareno yung iba nagigitgitan pa at ang ibat namamatay para lang don. Naniniwala kasi silang may himala ang mga rebultong yon, pero kahit pa dalanginan yon sabi ng bibliya, HINDI ITO MAKAKASAGOT AT HINDI MAKAKATULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK!
Ito ang sabi ni Apostol Pablo:
⏩"Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao."-- ( Mga Gawa 17:29 )
Yung mga tunay na lahi ng Diyos hindi iniisip na ang PAGKA DIYOS ay katulad ng ginto, pilak o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
Ano ang sasapitin sa hanggang sa ngayoy sumasamba pa rin sa mga rebulto na kanilang mga diyos-diyosan?
⏩"Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan." -- ( Pahayag 21:8 )
Pagpapasalamat sa patron sa halip na sa Diyos:
Ito ang bagay na pinaka di katanggap tanggap, yung mga biyayang natatanggap nila mula sa Diyos tulad ng maraming huli ng isda, magandang ani at iba eh sa kanilang mga patron sila nagpapasalamat sa halip na sa Diyos!
Tanong: Katanggap tanggap ba ito sa Diyos? Ito ang sabi ng Diyos:
⏩Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan" -- ( Isaiah 42:8 )
Ang dapat palang papurihan ay ang DIYOS at hindi ang mga dino-diyos ng mga tao. Diyos ang nagbigay sa kanila ng biyaya at hindi mga SANTO nila. Kaya tupad na tupad talaga ang nakasulat sa bibliya:
⏩"Kahit na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang. Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen." -- ( Roma 1: 21, 23, 25 )
Alam nilang may DIYOS pero sa halip na siya ang PASALAMATAN eh mga PATRON nila ang kanilang pinasalamatan, pinuri at sinamba.
Anong sinasabi ng bibliya tungkol sa mga pista?Eto po ang sagot:
⏩"Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga." -- ( Colosas 2:16 )
Sabi ng bibliya, HUWAG NA KAYONG MAGPAPASAKOP PA SA ANUMANG ALITUNTUNIN tungkol sa pagkain o inumin, TUNGKOL SA MGA KAPISTAHAN NA PINATUTUNGKOL SA MGA PATRON.
Yan maliwanag na maliwanag:
Eto pa sabi ng bibliya:
⏩ "Ngayong kilala na ninyo ang Diyos-- o kaya, ngayong kilala na kayo ng Diyos-- ano't ibig naman ninyong magpaalipin sa mga alituntuning iyon walang saysay? Marami kayong ipinagpipista-- sari-saring araw, buwan, panahon, at taon. Nangangamba ako na baka masayanag lamang ang pagod ko sa inyo."-- ( Galacia 4:9-11 SNB )
--------------
Ano ang sabi ng Panginoon sa kanilang mga pista na ipinagdiriwang sa kanilang mga patron:
⏩ "Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso.Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang ilalabas na kasama niyaon.--- (Malakias 2:2-3)
-----------
⏩ "Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan..."At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon.--- ( Hosea 2:11,13)
--------------
⏩ "Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.--- ( Mga Awit 69:22-27)
-------------
Ang Payo ng Biblia ukol sa mga pista na ito:
⏩ "Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso. .."Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan--- ( Eclesiastes 7:2,4)
----------
Mga sa Katutubo ay hindi mga dios:
⏩ "Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios:-- ( Galacia 4:7-8 )
--------
Huwag makibahagi sa kanilang mga pista ni kumain ng mga handa na inihain sa karangalan ng kanilang mga patron:
⏩" Huwag kayong makibahagi sa kanila; -- ( Efeso 5:7 )
⏩"Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo. --- ( Mga Gawa 15:29)
Comments
Post a Comment