ANG BINUBONG GUYA
Ang larawang inanyuan na sa anyo ng guya na ipinagkasala ng bayang Israel laban sa Diyos ay masusumpungan sa mga pagsambang Katoliko.
ang lmahen ng Guya na kasama ang imahen daw ni Isedro Labrador na patron ng mga magsasaka .
“At ngayo’y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa MGA GUYA ang mga tao na nangaghahain.— (Hoseas 13:2)
——
"At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin. At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron. At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang ISANG GUYANG BINUBO, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon. At sila’y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.— ( Exodus 32:2- 6 )
"Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;-- ( Mga Awit 106:19-21 )
Comments
Post a Comment