DEBOSYON SA MIRACULOUS MEDAL


 Ano ang tinatawag na Miraculous Medal?

Ito ang pag amin ng Iglesia Katolika ukol sa pagsusuot ng tinatawag nilang Miraculous Medal:

"Almost 200 years ago Our Blessed Mother instructed Saint Catherine Laboure to “have a medal struck upon this model. Those who wear it will receive great graces, especially if they wear it around their neck.”

---- ( "Miraculous Medal." The Catholic Encyclopedia. Vol. 10. New York: Robert Appleton Company, 1911. 15 Aug. 2019 by Joseph Glass )

Itong pagsusuot ng Miraculous Medal ito ay wala sa Biblia hindi ito ginawa ng mga Apostol o alagad ni Kristo kinatha lamang ito ni Catherine Laboure nuong 1830

Ang pagsusuot ng medalyon o debosyon sa medalyon ay hindi ito kaugalian ng mga Apostol kundi ito ay kaugalian ng mga pagano ito ay makikita sa natin sa isang Apocriphal Book ng Iglesia Katolika na ang mga pagano ay nagsusuot nito.



Sa aklat ng Macabeo ito ang ating mababasa:

" Samantalang tinitipon nila ang mga bangkay, napuna nila na sa ilalim ng panloob na kasuotan ng bawat bangkay ay may nakasabit na MGA MEDALYANG LARAWAN NG MGA DIYUS-DIYOSAN SA JAMNIA. Sa batas ng mga Judio, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot nito. Napag-isip-isip nilang ito ang dahilan kung bakit namatay ang mga taong ito. -- ( 2 Macabeo 12:40 )

Kaya mga pagano ang nagsusuot ng MEDALYON na KINOPYA ng mga Katoliko.

Ang pagsusuot ng MEDALYON sa paniniwalang Katoliko ito ay may TAGLAY na KAPANGYARIHAN NA NAGHIHIMALA na ang sino man ang nagsusuot nito ay makakatanggap ng mga DAKILANG BIYAYA at pag iingat ni Maria.

Kaya nahuhulog ito sa tinatawag na ANTING - ANTING o AMULET?


" On that day of judgment the Lord will strip away everything that makes her beautiful: ornaments, headbands, crescent necklaces,..."The headdresses, the armlets, the sashes, the perfume boxes, and THE AMULETS;-- (Isaiah 3:18,20)

Na isang PILAK na kuwintas na may LARAWANG INANYUAN.

" Ang LARAWANG INANYUAN NA BINUBO ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng MGA PILAK NA KUWINTAS. -- ( Isaias 40:19 )

Kung NAGHIHIMALA man ito MAG INGAT tayo sapagkat pinagpauna ng Apostol PABLO na si SATANAS gumagawa ng MGA TANDA at MGA KAHANGAHANGANG KASINUNGALINGAN.

" Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga TANDA at mga kahangahangang kasinungalingan, -- ( 2 Tesalonica 2:9 )

Ganito ang sabi ng Panginoon:

"At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan ?..."Kayat nga magsialis kayo sa kanila ,at magsihiwalay kayo sabi ng Panginoon ,at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,at kayo'y aking tatanggapin.-- (2 Corinto 6:16-17)



Ang MEDALYON ay isang bagay na marumi na dapat ITAKWIL sapagkat ito ay hango sa pagsamba ng mga pagano sa diyos- diyusan:--Si Maria ay ginawa ng diyos-diyusan ng mga Katoliko:

Ito paliwanag ng kanilang aklat na isinulat ng isang pari na si Louis de Montfort :

“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin” --- (True Devotion to the Blesed Virgin Mary p.17)

Comments

Popular Posts