MARIA ESPOSA DAW NG ESPIRITU SANTO
Esposa nga ba si Maria ng Espiritu Santo :
Ayon sa aral Katoliko si Maria ay esposa ng espiritu santo ito ang pag amin ng kanilang aklat :
'"Mary is referred to as the faithful Spouse of the Holy Spirit"
----- ( The Secret of the Rosary, pp.132 St.Louis de Montfort )
Saan kaya napulot na basurahan ng Iglesia Katolika na si Maria ay esposa ng Espiritu Santo dahil kung babasahin natin ang Biblia si Maria ay asawa ni JOSE at hindi asawa ng Espiritu Santo !
" At naging anak ni Jacob SI JOSE ASAWA NI MARIA, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.-- ( Mateo 1:16 )
Lalabas nito na dalawa ang asawa ni Maria si Jose at ang Espiritu Santo malaking kalapastanganan ito sa BANAL NA ESPIRITU na hindi mapapatawad :
Ito ang sabi ng Panginoon.:
"At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating. -- ( Mateo 12:32 )
Kailanman hindi binanggit sa loob ng Biblia na si Maria ay esposa ng Espiritu Santo:
Ito pa paglapastangan na ginawa ng Iglesia Katolika kay Maria :
"Mary Daughter of God the Father, Mother of God the Son,and Wife of God the Holy Spirit”
---- (Compendio Historico de la Religion, p. 501)
Si Maria anak na babae ng Diyos na esposa ng espiritu Santo na Diyos nabuang na???
Pwedi ba maging esposa ng Espiritu Santo si Maria ?
" At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman..:-- (Genesis 6:3 )
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit. - ( Hosea 11:9 )
Comments
Post a Comment