MGA LARAWANG INANYUAN SA IGLESIA NI CRISTO 1914
Nilabag ba ng Iglesia ni Cristo 1914 ang utos ng Diyos na huwag gumawa ng larawan inanyuan.
Opo!
Nilabag ito ng Iglesia ni Cristo 1914 sa pamamagitan ng pagpagawa ng imahen at rebulto ni Felix Manalo.
At bukod dito makikita din sa LOGO ng Iglesia ni Cristo 1914 na nakaukit sa itaas ng kanilang mga Kapelya ang LARAWANG INUKIT na larawan ng IBON at ang larawan ng hayop na may apat na paa na kawangis ng TUPA.
Ano sabi ng Bibliya ukol dito:
"Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng LALAKE O BABAE, Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang IBONG MAY PAKPAK na lumilipad sa himpapawid, Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:--- ( Deuteronomio 4:16-18 )
-------
"At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng LARAWAN NG TAO na nasisira, at ng MGA IBON , at ng MGA HAYOP NA MAY APAT NA PAA , at ng mga nagsisigapang.-- ( Roma 1:23 )
Exodo 20:4
ReplyDelete"Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:"
Exodo 20:5
"Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;"
Ayan sir ang kumpletong paliwanag.
"Huwag yuyukuran at paglilingkuran"
Nakita mo bang sinamba namin ang mga larawan at statwa na yan? May nakita kabang rebulto ni ka Felix sa kapilya namin? Wala! Hindi namin sila simasamba gaya ng paratang mong walang basihan
Yang mga larawan at statue ay pag ala ala lamang sa aming mga Kapatid sa Iglesia katulad ng pag alala mo sa nanay/tatay/pamilya mo na naka picture frame sa bahay nyo. May mga pictures ka sa bahay dba? Ibig sabihin ba nun sinasamba mo na? Niluluhuran mo? No! Out of context kasi paliwanag mo eh.
Fan pa naman ako ng mga blogspot mo kasi madaming tamang info about other topics pero stop spreading fake news like this one!