PANGUNGUMPISAL SA PARI
Ang Pangungumpisal sa pari ng kasalanan utos ba ng Diyos:
Ang pangungumpisal sa pari ang naging sandata ng Iglesia Katolika para tiktikan ang kanyang mga mananampalataya kaya natuklasan ang Katipunan na binuo ni Andres Bonifacio dahil sa nangumpisal sa pari ang isang kasapi nito
Ayon sa aral Katoliko:
" Confession to a priest is an essential part of the sacrament of Penance: "All mortal sins of which penitents after a diligent self-examination are conscious must be recounted by them in confession, even if they are most secret and have been committed against the last two precepts of the Decalogue; for these sins sometimes wound the soul more grievously and are more dangerous than those which are committed openly."
---- ( Catechism of the Catholic Church : Number 1456 ,Article 4 )
-------
Ito sabi ang sabi ng salita ng Diyos:
" Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.--
( Mikas 7:5 )
-----
" Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya? -- ( Isaias 2:22 )
-----
Ayon sa Biblia Kanino tayo mangungumpisal ng ating mga kasalanan ?
"Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.-- ( Mga Awit 32:5 )
Kanino tayo dapat mangumpisal ng ating mga kasalanan sa PANGINOON hindi sa pari
Ngayon Bakit sa Panginoon tayo mangungumpisa?
" At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang? -- ( Lukas 5:21 )
Bakit sa Diyos tayo mangungumpisal ng ating mga kasalanan kasi ang Diyos ang may kapangyarihan na makapagpatawad ng kasalanan.
" Sa Panginoon naming Dios ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya; -- ( Daniel 9:9 )
------
"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan ,ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan ,at tayoy lilinisin sa lahat ng ating kalikuan.--- (1 Juan 1:9 )
-----
" At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa. -- ( Hebreo 10:17 )
Kaya ang PANGUNGUMPISAL ay sa DIOS hindi sa mga pari sapagkat ukol sa Diyos ang kaawaan at pagpapatawad.
Itong pangungumpisal sa pari binuo lamang ito ng Iglesia Katolika nuong ika limang siglo A.D at pinagtibay ito ng simbahan na isang tuntunin o batas nuong 1215 A.D sa tinatawag na Lateran Council.
Kaya hindi ito aral na itinuro ng ating Panginoon Jesu Kristo o ng kanyang mga Apostol.
Comments
Post a Comment