PANINIWALANG KATOLIKO ANG DIYOS AY NAMATAY
Ang Diyos namatay ayon sa aral Katoliko?
Ito pinatotohanan ng mga aklat Katoliko na ang Iglesia Katolika naniniwala na ang Diyos ay namatay.
Ayon sa Aklat Katoliko na isinulat ng isang paring Katoliko na si Fr. Fran D. Villegas nuong 1902 na ang pamagat ay "Varios Acto Piadosos para La Semana Santa:
Ito ay isang uri ng prayer book na isinulat sa wikang Cebuano
"DEVOCIÓN CEBUANA: VARIOS ACTOS PIADOSOS PARA LA SEMANA SANTA:page 4
⚜️Mga Pamalandong sa mga Kasakitan ug sa Kamatayon sa Atong Dios ug Manluwas ang Ginoong Jesucristo nga Gilansang ug Nagtinga sa Krus sa Calvario.
----
Translation:
Pagninilay sa Pagpapakasakit at Kamatayan ng ating Dios at Tagapagligtas ang Panginoong Jesucristo na Ipinako sa Krus ng Kabaryo.--
----
Dito itinuro ng Iglesia Katolika na ang Diyos ay namatay at ipinako sa krus ng Kalbaryo!
".... ang pagkawala gayod ninyo kalooy ang pagbati sa kamatayon nianang Diyos.."
Translation:
"...Ang kawalan ninyo ng Awa at pakiramdam sa kamatayan nitong Diyos ..."
---- ( Devocion Cebuana : Varios Actos Piadosos para La Semana Santa p.70 )
------
"... patay na ang manunubus , patay na ang Diyos..."
Translation:
"...Namatay na ang Manunubos ,namatay na ang Diyos..."
---- ( Varios Actos Piadosos para La Semana Santa p.78 )
----
Ang paniniwala na ang Diyos ay namatay at inilibing ay ipinagtibay ng Iglesia Katolika sa Konselyo ng Trento.
"... According to the rule of Catholic Faith we also say with the striches truth that God died and that God was born of a virgin.For as the Divinity was never seperated from his body which was laid the sepulchre ,we truly confess that God was buried "
---- ( Catechism of the Council of Trent ,Art.IV ,No. 8, Part. 2 )
-----
Ngayon sa paniniwala na ang Diyos ay namatay na ipinaku sa krus ito ba ay literal o figurative ito ang sagot ng Obispo ng Iglesia Katolika na si Bishop Teodoro Bacani:
"Bishop Bacani's statement about the expression of faith :
'GOD DIED'
He clearly clarified that the Second Person of BLESSED TRINITY truly died in his humanity and this is not figurative.
Did Bishop Bacani clearly answer the question whether the expression of faith 'God died' to be understood literally or figuratively?
Yes! He answered it clearly that it's not figurative. Therefore, literal.
CTO: Veritas Dipolog youtube channel
-----
Kaya sa panampalatayang Katoliko ito ay literal na namatay ang Diyos .Kaya maliwanag na ang mga Katoliko naniniwala na may panahon na namatay ang Diyos ang ikalawang persona ng Trinidad.
At dito nag ugat ang paniniwalang katoliko na tuwing sumasapit ang semana santa naniniwala sila na ang Diyos ay namatay.
At ang ganitong paniniwala ay isang hidwang panampalataya dahil ito ay salungat sa Banal na Kasulatan.
Sinasalungat nito ang katotohanan na ang Diyos ay Immortal o walang kamatayan at Haring walang hanggan ?
" Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. -- ( 1 Timoteo 1:17 )
----
" Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal?..." -- ( Habacuc 1:12 )
Kaya ang paniniwala na ang Diyos ay namatay ito ay labag sa katangian ng tunay na Diyos sapagkat ang tunay na Diyos ay hindi namamatay .
Ngayon Alin ang namatay at ipinako sa krus ang pagka- Diyos ba ng ating Panginoong Hesu Kristo .
Hindi po!
Sapagkat ang pagka Diyos ng ating panginoon Hesu Kristo ito ay nasa kalagayang espiritu sapagkat ang Diyos ay espiritu.- ( Juan 4:24 )
At ang Anak ng Diyos na nasa kalagayang espiritu ay Diyos?
"No one has ever seen God, but the one and only Son, who is himself God and is in closest relationship with the Father, has made him known.-- ( John 1:18 NIV )
---
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.-- ( 1 Juan 5:20 )
---
"Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi (ng Ama ), Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. -- ( Hebreo 1:8 )
Ngayon itong Anak ng Diyos na nasa kalagayang espiritu ay nagkatawang tao.
"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios..."At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.-- ( Juan 1:1,14 )
At ng magkatawang tao siya ay nahayag sa laman.
" At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong Diyos nahayag sa laman,.."----
( 1 Timoteo 3:16 KJV )
Ano nangyari nung mahayag sa laman?
" Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios (Ama) ,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan ( ng kanyang laman) sa krus.--
( Filipos 2:6-8 )
Ngayon alin ang namatay na ipinako sa krus?
"Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman,..." --
( 1 Pedro 3:18 )
Alin ang pinatay o namatay sa ibabaw ng krus ang katawang laman ng ating Panginoong Hesu Kristo.
Itong Katawan na laman ito ang inihanda ng Diyos Ama ng magkatawang tao ang kanyang Anak?
"Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;..." Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman; "-- ( Hebreo 10:5, 20 )
At ito rin ang namatay na ipinako sa krus ?
"Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.-- ( Juan 2:19-21 )
Pwedi ba patayin ang pagka Diyos ng Anak?
Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:
"Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon; Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.--
( 1 Timoteo 6:14- 16 )
------
Ang Tunay na Diyos ay walang kamatayan ito ay Immortal :
I Kay Timoteo 1:17 TLAB
" Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa"
Siya ang buhay na Diyos ang walang hanggang Hari:
-------
Siya ang Buhay na Diyos ang walang hangang Hari:
Jeremias 10:10
" Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit."
----
At siya ay Diyos ng mga buhay hindi ng mga patay:
Mateo 22:32
" Ako ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Siya ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.”
-----
Itong mga Katoliko na naniniwala ng ang pagka Diyos ng ating Panginoon Jesus Cristo ay namatay ang kanilang magiging pastor ay kamatayan at Sheol ang kanilang kawan o Iglesia :
Mga Awit 49:14
" Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: ..."
-----
Totoo ba kasama inilibing sa libingan ang pagka Diyos ng ating Panginoon Jesu Kristo ng ito ay mamatay sa laman?
" Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: -- ( 1 Pedro 3:19-20 )
Nang mamatay sa laman ang ating Panginoon Jesu Kristo ang Anak ng Diyos na nasa kalagayang espiritu ay yumaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan ito ang mga espiritu ng mga taong suwail noong mga araw ni Noe na namatay at ang kanilang mga espiritu ay ikinulong ng Diyos.
-----
Kaya tuwirang mali ang paniniwala ng mga Katoliko na ang Diyos ay namatay sapagkat itinulad nila ang Diyos sa anyo ng tao na nasisira at namamatay.
"At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. ---- ( Roma 1:23 )
Comments
Post a Comment