SI MARIA DIYOS SA IGLESIA KATOLIKA
Ang sabi ng Tunay na Diyos walang ibang dios na kasama siya :
"Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang IBANG DIOS na kasama siya. -- ( Deuteronomio 32:12)
-------
⏩ Ang sabi ng Iglesia Katolika kung sino si Maria :
Si Maria naging diyos ng Awa na Makapangyarihan sa lahat:
"Ang aking Birhen Maria ang Tagapamagitan ,na inihanda ni B. Flores at R. Alejandro sa pahina ,57-60,63
“Palakasin mo Birhen ko ang aking katawan at kaluluwa sa ikakikilala sa kapangyarihan mong walang hanggan, paglingkuran ka ng tapat at sundin ang iyong mga utos,luwalhatiin ang iyong pangalan at biyaya, ibigin ka nang boong ningas sa aking puso, sambahin ka at tuwinay alalahanin. Sapagkat IKAW ANG DIYOS NG AWA , ang aking pag asa, ang aking tungkod, ang aking lakas at ang buhay.”…."Ang aking mga kapatid at ang kapwa ko tao na iyong mga nilikha. Mahabag ka, Ina ko, dito sa inyo, na nagnanasang ikaw ay sambahin,igalang at purihin nang boong pag-ibig sa lahat ng bagay, sapagka’t Diyos kang maawain at Makapangyarihan sa lahat.”
-----
⏩ Nag anyong - diyos si Maria na kahit ang Diyos nagpapasa ilalim sa kapangyarihan ni Maria ayon sa santong Katoliko:
“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin , they mean that the authority which God was pleased to give her is so great that she seems to have the same power as God..."
--- (True Devotion to the Blesed Virgin Mary p.17)
-----
⏩ Ano ang sabi ng Panginoon sa pagkakaroon ng ibang diyos gaya ni Maria:
" Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin Huwag kang magkakaroon ng IBANG MGA DIOS sa harap ko.-- ( Exudo 20:2- 3)
-----
"Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa IBANG MGA DIOS, at sumamba sa kanila; --- ( Deuteronomio 11:16 )
------
"Sapagka't hindi ka sasamba sa IBANG DIOS : sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios: -- ( Exodus 34:14 )
-------
"Sila'y nagsipili ng MGA BAGONG DIOS; Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan: May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?-- ( Mga Hukom 5:8 )



Comments
Post a Comment