ITIM NA NAZARENO


Larawang inanyuan na inanyo sa wangis ng tao sa kagandahan ng tao:



"Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at INAANYUAN NG AYON SA ANYO NG TAO ,AYON SA KAGANDAHAN NG TAO,, upang tumahan sa bahay. --- ( Isaias 44:13 ) 

---------



⏩ Pinapasan para ipagprusisyon:



"Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; SILA'Y NANGAGPAPATIRAPA ,OO, SILA'Y NAGSISISAMBA.PINAPASAN NILA SIYA SA BALIKAT ,DINADALA NILA SIYA ,AT INILALAGAY SIYA SA KANIYANG DAKO, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.--- ( Isaias 46:6-7 ) 

----------- 



⏩ Larawang inanyuan na tagapagturo ng kasinungalingan isang piping diosdiosan na nililok sa kahoy na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya:



"Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.-- ( Habacuc 2:18-19) 

-----------



⏩ Kanilang pinagpapatirapaan at dinadalanginan ang itim na kahoy:



"At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. --- (Isaias 44:17) 

-------------

⏩ Ang mga sumasamba sa kanya ay pawang tampalasan at hangal na nagpapatirapa at dumadalangin sa kahoy lamang na gawa ng manggagawa ng kamay ng panday na binibihisan ng damit na kulay azul at kulay ube.



"Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang.May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.-- ( Jeremias 10:8 ) 

-------------




Ang sabi ng Panginoon sa gumagawa ng larawang inanyuan ng itim na kahoy :



"Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.--- ( Isaias 42:8 ) 
----------


Ipinagpapatayo nila ng mga Grotto ang kanilang mga IMAHEN sa mga matataas na dako at sa mga burol at sa mga lansangan at sa ilalim ng bawat sariwang punong kahoy :



⏩"Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak, na aking ibinigay sa iyo, at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao, at iyong ipinagpatutot sa kanila;..."At nangyari, pagkatapos ng iyong buong kasamaan (sa aba, sa aba mo! sabi ng Panginoong Dios),Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako, at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa't lansangan.Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa't bukana ng daan, at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan, at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa't nagdaraan, at pinarami mo ang iyong pakikiapid.--- (Ezekiel 16:17,23-25) 


⏩ "At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.--- (1Mga Hari 14:22-24) 


Comments

Popular Posts