PAGPIPINETINSIYA SA MAHAL NA ARAW
Pagpipinetinsya sa tinatawag na Mahal na araw kalooban ba ng Diyos ?
Tuwing mahal na araw ang mga kababayan nating mga Katoliko nagsasagawa ng pagpipinetinsya kung saan sinasaktan nila ang kanilang katawan mayroon pinapalo nila ang kanilang mga katawan at ang iba ay nagpapako sa krus sa paniniwala sa pagsasagawa nila nito ay nagagawa nila ang kabanalan at napapatawad ang kanilang mga kasalanan.
Ngayon ang ganito bang paniniwala ay may batayan sa Biblia.
Ano ang sabi ng Apostol Pablo ukol dito:
⏩"Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa ,at sa pagpakababa ,at sa PAGPAPAKAHIRAP SA KATAWAN ;ngunit walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.-- (Colosas 2:23)
Ang ganitong uri ng pagsamba na kung saan nagpapakahirap sila ng katawan ngunit walang kabuluhan sa ikalalayaw ng laman kaya ang paggawa nito ay walang kabuluhan.
Diba ito ang ginagawa ng mga Katoliko tuwing mahal na araw sa paniniwala na namatay si Cristo kinukudlitan ang kanilang mga laman sa pamamagitan ng pagpalo ng mga bagay na nakakasugat ng laman:
⏩ "Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda; ako ang Panginoon. -- ( Levitico 19:28 )
--------
Nuon pa man ang pagpipinetinsiya sa pamamagitan ng pagkudlit ng katawan ay ginagawa na ng mga pagano ng mga propeta ni Baal sa kanilang mga pagsamba:
⏩ "At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa. At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.--- ( 1 Mga Hari 18:26-28 )
----------
⏩ "Lahat ng kamay ay nanghihina at bawat tuhod ay nangangatog. Bawat isa'y nakabalot ng sako, pinaghaharian ng matinding takot. Ang kanilang mga ulo'y naahitan, nakatungo dahil sa laki ng kahihiyan.--- (Ezekiel 7:17-18)
----------
⏩"Watch out for those who do evil things,those DOGS ,those who insist on CUTTING THE BODY.--- (Philippians 3:2 Good news)
-----------
Ang pagsusugat ng katawan sa pamamagitan pagpalo ay tanda ng isang inalihan ng masamang espiritu :
⏩ "At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato--- ( Markus 5:5 )
------------
Ano ang sabi ng Apostol Pablo:
⏩"Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios na inyong nilalagyan ng PAMATOK ang batok ng mga alagad na kahit ang ating magulang ni tayo man ay hindi maaring makadala.-- (Mga Gawa 15:10 )
⏩ "Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat. -- ( Mga Gawa 16:28 )
----------
Pag iingat ng Katawan :
⏩ "Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; --- ( Efeso 5:29)
⏩ "Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. --- ( Mga Gawa 20:28 )
⏩ "Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili;..." -- ( Deuteronomio 4:15 )
----------
Ang maling pag-aayuno sa mahal na araw :
⏩ "Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao.--- ( Isaias 58:3- 7 )
----------
Prosesyon at Station of the cross sa mga lansangan:
⏩ "At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. -- ( Mateo 6:5 )
---------
Bisita Iglesia sa patay na dios:
⏩"Then at Peor, God's people joined in the worship of Baal and ate sacrifices offered to dead gods. --- ( Psalms 106:28 GNT )






Comments
Post a Comment