1 CORINTO 3:13-15 TUNGKOL NGA BA SA PURGATORYO


Tungkol nga ba ito sa purgatoryo itong nasa 1 Mga Corinto 3:13-15

Basahin natin ang nasabing talata:

⏩"Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan. Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy.-- ( 1 Mga Corinto 3:13-15)

Ang sabi ng Apostol Pablo ang gawa ng bawat isa ay mahahayag sapagkat ang araw ay magsasaysay sa pamamagitan ng apoy ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon.

Ang tanong anong gawa ito na susubukin sa pamamagitan ng apoy?

⏩ "Dahil dito magsiyaon nga kayo,AT GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: -- ( Mateo 28:19)

Alin ang gawa na susubukin sa apoy ito ang mga Alagad ang sabi ng ating Panginoon Jesus gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa:

Kaya ang pagiging "ALAGAD NG PANGINOON " ay gawa ng isang mangangaral ng Dios 

Ano ang patunay ito ang sabi ng Apostol Pablo sa kanyang mga naakay na mga alagad ...hindi baga kayo'y GAWA KO sa Panginoon:

⏩ "Hindi baga ako'y malaya? hindi baga ako'y apostol? hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon? -- ( 1Mga Corinto 9:1 )

Ngayon ang sabi itong gawa o alagad susubukin sa pamamagitan sa apoy kung ang gawa ng sinoman ay mananatili na itinayo sa ibabaw niyaon siya at tatanggap ng kagantihan.Kaya ang ALAGAD na mananatili na itinayo sa ibabaw ng pinagsasaligan na walang iba kundi si Cristo ay tatanggap ng kagantihan.

⏩"Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus.-- ( 1 Mga Corinto 3:11 )

Ang alagad na mananatili!

⏩"Datapuwa't ang mananatili hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.-- ( Mateo 24:13)

Ngunit kung ang gawa o ALAGAD ay masusunog ay malulugi siya :Ano ang kahulugan nito?

⏩ " At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa: At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay NASUNOG..."At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.-- ( Marcus 4:5-6,16-17) 

Bakit nasunog ng dumating ang mga pagsubok o mga kapighatian at mga paguusig pagdakay'y Nangatisod sila.

Ngayon Alin itong Apoy na susubok sa Gawa o ALAGAD?

⏩ "Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:-- ( 1 Pedro 1:6-7 ) 

Alin ang apoy ito ang mga sari saring pagsubok sa buhay itinulad ito sa apoy ang mga alagad na mananatili sa kabila ng mga sari saring mga pagsusubok ay tatanggap ng kagantihan.

May patunay ba tayo na ang apoy ay mga pagsubok at hindi isang lugar ng purgatoryo!

⏩ "Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto.Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.-- ( Job 23:10-11 )

------

⏩ "At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.-- ( Zacarias 13:9 )

--------

Kung ang gawa o ALAGAD ay masusunog ay malulugi siya NGUNIT SIYA SA KANYANG SARILI ( Tumutukoy sa isang mangangaral na gumagawa ng Alagad ) ay maliligtas!

Dahil hindi naman pananagutan ng isang mangangaral kung kanyang ginawang alagad pagkatapus dumanas ng maraming pagsubok sa buhay ay tumalikod at natisod kaya siya sa kanyang sarili maliligtas siya!

Kaya mali ang unawa ng mga Katoliko sa talata na ito sapagkat hindi ito tungkol sa purgatoryo kundi ito ay tungkol sa ALAGAD at sa mga pagsubok na kanyang mararanasan na itinulad sa apoy na dadalisay sa isang alagad.

Paano ba tayo malilinis sa kasalanan kailangan ba pumunta tayo sa purgatoryo:

⏩"Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan..."Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. -- ( 1 Juan 1:7,9)

Comments

Popular Posts