ALL SOUL DAY DAPAT BA IPAGDIWANG
Marapat ba alalahanin ang patay sa tinatawag na Fiesta ng mga patay o Undas?
Tuwing November 1 pinagdirawang ng mga Katoliko ang tinatawag nilang ALL- SOUL DAY at ALL - SAINTS DAY ito ba ay BIBLICAL !
Ginawa ba ito ng mga Apostol o ng mga unang alagad ng ating Panginong Jesus.
Paano ba inaalala ng mga mapagpaimbabaw ang tinatawag na ALL SAINTS DAY !
⏩ "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, -- ( Mateo 23:29 )
Ang sabi ng ating Panginoon ang mga mapagpaimbabaa itinatayo nila ang mga libingan ng mga propeta at ginagayakan ang mga libingan ng mga matuwid:
Diba ito ang nangyayari sa undas ginakayakan o pinapaganda nila ang mga libingan sa pamamagitan pag pintura at pagpapaganda ng mga nitso at sa duon ipinagpipista nila sa pamamagitan pagkain ng salosalo.
⏩ Na nauupo sa GITNA NG MGA LIBINGAN ,at tumitigil sa mga lihim na daku na kumakain ng laman ng baboy ,at ang sabaw ng kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan.--- (Isaias 65:4)
Ano ang patunay ?
⏩"Silay nangakikilakip naman sa DIOSDIOSANG BAAL PEOR at nagsisikain ng mga HAIN sa mga patay.-- (Mga awit 106:28)
Sila ay nagsisikain ng mga HAIN SA MGA PATAY.
Bakit sila nagsisikain ng mga hain sa mga patay:
⏩ "Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.-- ( Mateo 24:28 )
Dahil mga uwak ang mga ito ang sabi ng Panginoon kung saan naroon ang bangkay ay doon nangagkakatipon ang mga uwak
Ito rin ang kapisanan ng mga patay ng mga tao gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan:
⏩Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay. -- ( Kawikaan 21:6 )
------
⏩"Silay nangatakda sa SHEOL na parang kawan KAMATAYAN magiging PASTOR sa kanila..--.(Mga Awit 49:14)
Ngayon marapat ba na makipag DIWANG ang lingkod ng Diyos sa pagdiriwang na ito:
Ito ang sabi ng ating Panginoon:
⏩ "Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.-- ( Mateo 8:22 )
------
⏩ "At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? -- ( Lukas 24:5 )
Wala ng bahagi ang mga buhay sa gitna ng mga patay bakit pa tayo makipagdiwang sa kapistahan ng mga patay:
Ano ang kasamaan ang naidudulot sa pakikibahagi sa kapistahan ng mga patay:
⏩ "At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, at sabihin mo sa kanila, Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay, sa gitna ng kaniyang bayan, "(Leviticus 21:1)
⏩ "Ang makahipo ng bangkay ng sinomang tao ay magiging marumi na pitong araw ..."at sinomang humipo ng luwal na parang ,ng alin mang pinatay ng tabak ,o ng bangkay ,o ng BUTO ng tao ,o ng LIBINGAN ay magiging marumi pitong araw.-- (Mga Bilang 29:11,16 )
--------
Ang Kapistahan ng mga patay ay isang patibong ,isang katitisuran at parusa sa kanila:
⏩"At sinabi rin ni David,“Maging bitag at patibong nawa ang kanilang pagpipista,isang katitisuran at parusa sa kanila.Lumabo nawa ang kanilang mata nang hindi sila makakita,at sila'y makuba sa hirap habang buhay.”-- ( Roma 11:9-10 MBB)
---------
Pwedi ba lkumain ang mga lingkod ng Diyos ng pagkain na hinain sa patay :
⏩ "Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain. -- ( Mga Awit 141:4 )
⏩ "Hindi ko kinain sa aking pagluluksa ,na inilabas ko nang akoy marumi ,ni ibinigay ko upang gamitin sa PATAY ,aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios aking ginawa ayon sa boung iniutos mo sa akin.-- (Deuteronomio .26:14)
----
Ang ibat - ibang paniniwala sa araw ng mga patay:
Ano ang nangyayari sa isang patay may kamalayan ba ang patay sa mga nangyayari sa ilalim ng araw:
⏩ "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.-- ( Eclesiastes 9:5-6 )
--------
Ano ang patunay na wala ng kamalayan sa isang patay :
⏩ "Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? -- ( Mga Awit 6:5 )
--------
Pwedi ba umuwi sa bahay ang isang patay para makikipag fiesta kasama ng mg buhay:
⏩ "Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.-- ( Job 7:9-10)
--------
Hindi na bumabalik ang patay !
⏩ "Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan. -- ( Job 16:22 )
⏩ "Huwag ninyong iyakan ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan.-- ( Jeremias 22:10)
-------
Hindi na ito bumabangon sa libingan hanggang sa araw ng pagkabuhay ng mga patay ay maganap:
⏩Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.-- ( Job 14:12 )
-------
Kahit ang pagpuri sa Diyos ay hindi na ito nagagawa ng isang patay!
⏩ "Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;-- ( Mga Awit 115:17 )
Kaya sa tanong na pwedi ba na ipamagitan ng isang patay ang mga buhay sa Panginoon:
Maliwanag na hindi na nila tayo pwedi ipamagitan dahil kahit ang pagpuri sa Panginoon ay hindi na ito nagagawa ng isang patay!
⏩"Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan..."Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.-- ( Isaias 38:10-11,18-19 )
Kaya hindi totoo na pwedi tayo ipamagitan ng mga patay na santo o santa sa Diyos!
-------
Kung hindi ang yumao ang nagpaparamdam dahil hindi na ito bumabalik sino ang nagpaparamdam sa mga buhay?
Ang demonio o ang masamang espiritu
⏩ "At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon. -- ( Mateo 8:28)
-------
Ngayon ayon sa paniniwalang Katoliko ang kaluluwa ay hindi namamatay ito daw ang nasa purgatoryo!
Totoo ba na ang kaluluwa ay hindi namamatay:
⏩ "Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. --- ( Ezekiel 18:4 )
Ayon sa Biblia ang kaluluwa ay namamatay ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay hindi immortal ang kaluluwa taliwas ito sa paniniwalang katoliko na ang kaluluwa ay immortal o hindi namamatay.
Sa Aklat Katesismo ng Iglesia Katolika ay ito ang ating mababasa:
"The Church teaches that every spiritual soul is created immediately by God - it is not "produced" by the parents - and also that it is immortal: it does not perish when it separates from the body at death, and it will be reunited with the body at the final Resurrection."
----- ( Catechism of the catholic church :Number 366 ,Paragraph 6 )
----------
Ngayon ano ba ang kaluluwa na tinatawag ayon sa Biblia :
⏩At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging KALULUWANG MAY BUHAY. -- ( Genesis 2:7 )
Kaya ang KALULUWA ito ang kabohuan ng ating pagkatao na binubuo ng katawan ,kaluluwa at espiritu.( 1 Tesalonica 5:23 ) itong buhay na katauhan natin ito ang tinatawag na kaluluwa o kaluluwang buhay :
Ang patunay itong walong katao kasama si Noe na nakigtas sa bahang gunaw ay tinawag na kaluluwa:
⏩ "Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay WALONG KALULUWA, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: -- ( 1 Pedro 3:20)
--------
Sa paniniwalang Katoliko ang kaluluwa hindi namamatay o isang immortal ngayon sino ang nagturo nito na ang kaluluwa ay hindi namamatay?
⏩"Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:--- ( Genesis 5:3-4 )
Sulsul pala ito ng diablo na kaluluwa ay isang immortal o hindi namamatay.
---------
Ang paghahain sa patay ng pagkain ay isang uri ng pakikipagsanggunian sa patay!
⏩ "Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon:--- ( Deuteronomio 18:10-12)
---------
Ang padasal at pamisa sa pari nakapag patawad ba ng kasalanan ng isang patay:
⏩ "At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: -- ( Hebreo 10:11 )
Pwedi ba ang mga buhay ang magbayad sa kasalanan ng isang namatay para ito mapatawad sa kanyang mga kasalanan:
"Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan.-- ( Job 21:30-32 )
---------
Holy water na may bayad na binabasbas sa patay ay hindi nakapagpapatawad ng kasalanan !
⏩ "Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi;..." -- ( Panaghoy 5:4 )
Nagsusunog sila ng mga insenso sa misa tulad ng ginagawa ng mga pagano na kinapopootan ng Panginoon !
⏩ "And there they burnt incense in all the high places, as did the pagans whom the LORD carried away before them; and wrought wicked things to provoke the LORD to anger:-- ( 2 Kings 17:11 )
Comments
Post a Comment