ANG DUGO NI CRISTO ANG PURGATORYO
Ang Dugo ni Cristo ang purgatoryo?
Bakit natin nasabi ang dugo ni Cristo ang purgatoryo!
Ito ang ating mababasa :
♉"Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; -- ( Hebreo 1:3 )
-----
Sa LATIN VULGATE :
"qui cum sit splendor gloriae et figura substantiae eius portansque omnia verbo virtutis suae PURGATIONEM peccatorum faciens sedit ad dexteram Maiestatis in excelsis."
Ang salitang "paglilinis " sa latin ito ay "purgationem" si Cristo ang gumawa ng paglilinis ng kasalanan at ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagkabuhos ng kanyang dugo.
♉"Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.-- ( 1 Juan 1:7)
Kaya ang Purgatoryo ay dugo ni Cristo hindi ito pook o lugar tulad ng paniniwala ng Iglesia Katolika .
Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo nalilinis tayo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng ating mga kasalanan:
♉"Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal: Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya, -- ( Efeso 1:6-7)
--------
♉ "At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; -- ( Apocalipsis 1:5 )
---------
Dahil dito ipapangaral sa pangalan ni JESUS ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan.
♉ "At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.-- ( Lucas 24:46-47)
----------
Ano ba ang purgatoryo sa Iglesia Katolika !Ito ang sabi ng isang Aklat Katoliko na isinulat ni Fr. Enrique Demond:
♉“Ang purgatorio ay isang pook na sangagan na kinalalagyan ng mga kaluluwa ng nangamatay sa mahal na grasia ng Dios, datapwa’t hindi pa naka-pagbayad dito sa lupa ng boong pagbabayad sa tapat na katarungan ng Dios dahil sa mga kasalanang munti o dahil sa parusang may hanggan hindi pa ipinatatawad. Ang dinadalita ng mga kaawaawang kaluluwa sa purgatoryo ay ang hindi pagkakita sa Dios at maraming sari-saring hirap at sakit. Wala silang magagawa sa sarili nila upang makaalis sa kanilang kapahamakan. Nguni’t tayong nabubuhay pa dito sa lupa ang makatutulong at makapagbabayad ng kanilang utang sa Dios. Tayo ay makatutulong sa kanila sa paraan ng mga pananalangin, ng mga indulgensiang ipinatutungkol sa kanila, ng mga paglilimos at ng ibang gawang kabanalan, lalong lalo na sa paraan ng sakrifisio ng Santa Misa. Ang mga kaluluwa ay magluluwat sa purgatorio hanggang sa masangag at maging malinis.”
--- ( Siya Ang Inyong Pakinggan, Ang Aral na Katoliko, by Rev. Fr. Enrique Demond, pp. 71-73)
Sa Iglesia Katolika ang purgatoryo ay isang pook o lugar na sanggan ng mga kasalanan ito ay lugar na kung saan nililinis ang mga kaluluwa ng mga namatay na may bahid pa ng kasalanan at hindi nakapagsisi bago ito namatay ayon sa Iglesia Katolika dito napupunta ang mga kaluluwa na namatay sa ganun estado at ang lugar na ito ay hindi itinuturo ng Biblia .
Comments
Post a Comment