ANG EUKARISTIYA ANO NGA BA ITO
Ano nga ba Eukaristiya sa Iglesia Katolika:
Ayon sa aral Katoliko ito ang kanilang pag amin sa kanilang aklat na ang pamagat My Catholic Faith sa pahina ,42
Ay ganito ang ating mababasa:
"THe priest place a Host on tongue.The Host seems to be a LITTLE FLAT PIECE of WHITE BREAD ,but it is not.It is JESUS LIVING true..."
At ito naman ang paliwanag ng kanilang Aklat Katisismo :Catechism of the Catholic church :Number 1324 ,Article 3 "The Sacrament of the Eucharist
"....For in the blessed Eucharist is contained the whole spiritual good of the Church, namely Christ himself, our Pasch."
Kaya sa panampalatayang Katoliko ang Eukaristiya ay literal na si KRISTO mismo sa anyo ng tinapay at Alak.Kaya sa Misa ang "Ostiya" na tinataas ng pari ay isang Kristo at ang alak na iniinum nito ay ang dugo ni Kristo dito pumapasuk ang doktrina ng Iglesia Katolika ukol sa TRANSUBSTANIATION na kung saan naniniwala ang mga Katoliko na ang tinapay at alak sa Eukatistiya ay nagbabago at nagiging literal na katawan at dugo ni Kristo samakatuwid nagiging katauhan mismo ni Kristo.
"....and this holy Council now declares again, that by the consecration of the bread and wine there takes place a change of the whole substance of the bread into the substance of the body of Christ our Lord and of the whole substance of the wine into the substance of his blood. This change the holy Catholic Church has fittingly and properly called transubstantiation."
---- (Catechism of the Catholic Church ,Number 1376)
-------
Ngayon Totoo ba ito na ang tinatanggap sa Eukaristiya sa anyo ng "Ostiya " o TINAPAY ay si Kristo mismo:
Ano ba ang sabi ng ating Panginoong Hesu Kristo ukol dito:
"At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. -- ( Mateo 26:26-28 )
" At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN. --- ( Lukas 22:19 )
Sa talatang ito nagsasalita si Kristo sa anyo ng figurative na kung saan ANG TINAPAY at ALAK ay ginawa niyang SIMBOLO sa kanyang katawan at Dugo na iaalay sa IBABAW NG KRUS kaya ang sabi niya GAWIN ninyo ito sa pagaalala sa akin.
Kasi nagsasalita dito si Kristo ng bagay na espiritwal :
" Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay. -- ( Juan 6:63 )
Dahil dito ginamit ni Kristo ang TINAPAY para maging simbolo ng kanyang katawan at ginamit niya ang ALAK para maging simbolo ng kanyang DUGO kung paano ginamit ni Kristo ang TEMPLO sa Jerusalem para ipakita ng GIBA ng kanyang katawan sa kanyang pagkamatay.-- ( Juan 2:15-21) kaya hindi ito literal tulad ng literal na unawa ng Iglesia Katolika .
Kasi kung ililiteral natin ito pangit ang kalalabasan ni Kristo ang isusubo sa bibig lumalabas sa TUMBONG! TAE ang labas ni Kristo nito:
"At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? -- ( Mateo 15:16-17)
-------
Kaya ang "Ostiya " sinasamba sa Iglesia Katolika sa paniniwala na ito ay si Kristo nawalan na ng BAIT ang mga Katoliko sumasamba na sa TINAPAY na gawa sa harina.
"Ang mga anak ay namumulot ng kahoy at ang mga AMA nangagpapaningas ng apoy at ang mga babae ay nangagmamasang masa upang igawa ng mga TINAPAY ang reina ng Langit at upang magbuhos ng mga handog na ALAK sa ibang mga dios upang kanilang mungkahiin ako sa galit.--- (Jeremias 7:18)
------
Kung literal na laman at dugo ni Kristo ang "Ostiya" at " Alak " sa Eukaristiya ito nga labas ng mga Katoliko:
Mga Cannibal !!!
" Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. --- ( Mga Awit 27:2 )
Sila ay naghandog sa ibang diyos ng inuming handog na dugo:
"Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi.-- ( Mga Awit 16:4 )
------
"Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain? --- ( Ezekiel 33:35 )
-------
At alam natin bawal ng Diyos na kainin ang dugo kung literal na dugo ang alak sa Eukaristiya ito ay maliwanag na laban sa utos ng Diyos.
"At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.-- ( Leviticu 17:10)
------
Ano ang babala ng ating Panginoong Hesu Kristo?
" Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. -- ( Mateo 24:5 )
Kaya INGAT tayo sa Kristo na TINAPAY na gawa sa Harina.
-------
Kaya ang sabi ng Apostol Pablo :
May mangangaral ng IBANG JESUS na hindi nila ipinangaral lapat na lapat sa Hesus ng Iglesia Katolika na ipinangaral na nasa ANYONG TINAPAY :
"Sapagkat kung yaong paparito ay mangaral ng ibang Jesus ,na hindi namin ipinangaral ,o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap ,o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap ,ay mabuting pagtiisan ninyo.--- (2 Corinto 11:4)
--------
"Silay gumagala dahil sa TINAPAY ,na nagsasabi Nasaan?kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay.---- (Job 15:23)
------
"Kung ang kanyang mga anak ay dumami ,ay para sa tabak at ang kanyang LAHI ay hindi mabubusog ng TINAPAY.--- (Job 27:14)
-------
" Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.-- ( Kawikaan 20:17 )
------
"Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti: ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay.-- ( Kawikaan 28:21 )
------
Ang " Ostiya" sa Iglesia Katolika :
"Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: --- ( Kawikaan 23:6 )
------
" Magbuntong-hininga ka, nguni't huwag malakas; huwag mong tangisan ang patay; itali mo ang pugong mo sa ulo, at isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa, at huwag mong takpan ang iyong mga labi, at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao. -- ( Ezekiel 24:17 )
--------
Ano ang GAGAWIN NG DIOS sa "Ostiya" at "Alak " ng mga Katoliko :
"At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain ;kanyang binali ang boung TUNGKOD na TINAPAY .--- ( Mga Awit 105:16)
------
" At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit ,at nilango ko sila sa aking kapusukan at ibinubo sa lupa ang kanilang DUGONG BUHAY.--- (Isaias 63:6)
------
" Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.-- ( Oseas 9:4 )
----------
"Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.--- (Deuteronomio 29:6)
-----
Kung Totoo na ang "Ostiya" at Alak na tinatanggap sa Eukaristiya ay si Kristo mismo bakit pari lang ang umiinom ng alak lalabas nito isang Kristo na walang dugo lang ang natatangap ng mga ordinaryong membro at ng isagawa ito ng Panginoon bago ang kanyang kamatayan sa krus nagpakain siya ng tinapay at nagpainum siya ng alak-- ( Mateo 26:26-28) sa Iglesia Katolika tinapay lang ang ibinigay sa mga mananampalataya at pari lang ang uminom ng alak na paglabas sa utos ng Diyos na kung ano ang iniutos ito ang isasagawa:
" Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan. --- ( Deuteronomio 12:32 )
Comments
Post a Comment