CLOWN SHOW NG MGA BORN AGAIN
Dapat ba natin paniwalaan ang mga palabas ginagawa ng ng mga pastor ng Born again na ayon sa kanila ay gawa ng HOLY SPIRIT :
Una naniniwala tayo may mga Kaloob ibinibigay ang Diyos sa Iglesia at isa nga sa kaloob na ito ay ang pagsasalita ng ibat-ibang wika.
"Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu:Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.-- ( 1 Corinto 12:4-11 )
Kaya hindi natin itinatanggi na isa nga sa kaloob ng ibinibigay sa Iglesia ay kaloob ng espiritu na makapag salita ibat - ibang wika tinatawag ito ng iba " speaking in tongue "
Ano ba ang tanda na ang isang tao ay pinagkalooban ng makapagsalita ng ibat-ibang wika basta lang ba ito dumadating na walang tanda na makikita :
Ang Bibliya maliwanag na nagbibigay discription ng TANDA pag ang HOLY SPIRIT ay gumagalaw sa mga mananampalataya ng ibuhos ng Diyos ang Holy Spirit sa mga mananampalataya .
"At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.At biglang dumating mula sa langit ang ISANG UGONG NA GAYA NG ISANG HUMAHAGIBIS NA HANGING MALAKAS, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.-- ( Mga Gawa 2:1-2 )
At Kaalinsabay ng UGONG ng isang humahagibis na hangin na malakas ay dumapo sa ulo ng mga mananampalataya ang MGA DILANG APOY :
"At sa kanila'y may napakitang MGA DILANG KAWANGIS NG APOY, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.--- ( Mga Gawa 2:3-4 )
kung makikita natin ang mga TANDA na ito sa isang taong nag -speaking in Tongue AUTHENTIC ang kaloob na pumuspos sa kanya :pero kung hindi naman nakitaan na may DILANG KAWANGIS NG APOY na dumapo sa kanya ang gayong mga speaking in tongue ay PALABAS lamang.
At isang nag pinagkalooban na makapagsalita ng ibat -ibang wika ang kanyang sinasalita ay WIKA na umiiral na sinasalita ng mga Tao sa isang partikular na lugar o Bansa at hindi INGAY lamang na hindi hindi naman wika.
"At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito? At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan? Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia, Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga naging Judio, Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?-- (Mga Gawa 2:6-12 )
Hindi tulad ng mga speaking in tongue sa pagkakatipun ng mga Born again at PENTICOSTAL o groupo ng mga Charismatic na ang nag speaking in tongue ay gumagawa lang ng INGAY na hindi naman wika kundi mga kinabisado lamang na BLAH BLAH BLAH
Kaya ang sabi ng Apostol Pablo:
"Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay. Kung nagsasalita ang sinoman ng wika, maging dalawa, o huwag higit sa tatlo, at sunodsunod; at ang isa'y magpaliwanag: Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili, at sa Dios.-- ( 1 Corinto 14:26-28 )
Kung walang may magpapaliwanag ng nagsasalita ng ibat -ibang wika ay tumamik siya sa Iglesia at magsalita sa kaniyang sarili sa Diyos.
Bakit?
"Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangin sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag, o ng kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral? Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa?Sapagka't kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan, sino ang hahanda sa pakikibaka? Gayon din naman kayo, kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan, paanong matatalos ang inyong sinasalita? sapagka't sa hangin kayo magsisipagsalita. Halimbawa, mayroon ngang iba't ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan.Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig, magiging barbaro ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin. Gayon din naman kayo, na yamang kayo'y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo'y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia.--- ( 1 Corinto 14:6-12 )
----------
Ano ang sabi ng Apostol Pablo sa mga taong nagpapakunwari na nagsasalita ng ibat-ibang wika ngunit hindi natatalos o hindi naiintindihan ang kanyang mga sinasabi o boung tiwalang pinatutunayan:

"Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.--- (1Timoteo 1:6-7)
Na kanilang Tinuruan ang kanilang mga DILA magsalita ng Kabulaanan:
"At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan.-- ( Jeremias 9:5 )
Anopa't ?
"Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.--- (Isaias 59:10-11)
------

Ngayon Totoo ba na pagpinuspos ka ng Espiritu Santo ay HINIHIMATAY ka at NATUTUMBA at Nangingisay ang boung katawan:
Hindi po!
manapa ang ganito ay sa mga taong inalihan ng masamang espiritu :
"At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking bugtong na anak;At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan..."At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.-- (Lucas 9:38-39,42)
Ang mga inaalihan ng masamang espiritu ay nabubuwal at hinihimatay diba ito rin ang nangyayari sa mga healing service ng mga Born again at mga penticostal.
-------
"At pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.--- (Mateo 17:14-15)
At ang iba naman ay TUMATAWA na parang mga ULOL:

" Aking sinabi tungkol sa TAWA , Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito? -- (Eclesiastes 2:2)
Kaya ingat tayo sa mga ganito dahil minsan ang MASAMANG ESPIRITU ay mapanlinlang baka mapaniwala tayo na ito ay gawa ng HOLY SPIRIT ang mga HINIHIMATAY AT NATUTUMBA at NANGINGISAY ay hindi pagkapuspos ng ESPIRITU SANTO kundi ng masamang espiritu.
Comments
Post a Comment