ANG MGA TUNAY NA BANAL HINDI NAGHAHANGAD NG PAGPAPARANGAL AT PAGSAMBA
Ang mga tunay na banal ng naghangad ba ng pagpaparangal o pagsamba?
Ito ang sabi ng Apostol Pablo :
"Na ayon sa nasusulat, ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon. -- (1 Corinto 1:31)
Kaya sa Dios ang lahat ng kapurihan upang ang sinomang tao ay huwag magmapuri.
"Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.--- (Efeso 2:9)
Ngayon pinalitan ito ng Iglesia Katolika sapagkat kanilang ibinigay ang kapurihan sa tao na ginawa nilang mga santo at sinamba !
----
"What is SAINT?"A saint ...is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful.
--- ( A Catchism of Christian Doctrine:Number 3, p. 86-87 ,Q.10 )
"The WORSHIP paid to the saints and angels ,to the Mother of God ,and to christ himself ,finally rebounds to the honor of the Blessed Trinity."
--- ( Divinum Illud Munos (Encyclical of Pope Leo XIII on the Holy Spirit)on st. Peter In Rome ,on the 9th ,May 1897 ,20th year of pontificate)
------
At ito ay matagal ng Binabala ng Apostol Pablo na pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng larawan ng tao na nasisira at nangaglingkod sila sa nilalang kay sa Lumalang na siyang pinupuri magpakailanman.
"Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng LARAWAN NG TAO na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang..."Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.-- ( Roma 1:22-23,25 )
-----
Ang mga tunay na mga santo ay mga alipin lamang na gumaganap ng kanilang katungkulan sa Dios.
" Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin. -- ( Lukas 17:10 )
At ang alipin ay hindi dakila sa kanyang Panginoon ---(Juan 13:16) Kung paano ang tao ay hindi ganap kay sa Dios na lumikha sa kanya ?
"Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. -- ( Job 25:4 )
-----
"Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? -- ( Job 4:17 )
---
Ang tao hindi marapat sinasamba sapagkat wala naman ito sa kalagayan ng Diyos:
Kaya ang sabi ng Lingkod ng Diyos na si Jose -
"At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios? --- ( Genesis 50:19 )
Ngayon kaninong diwa itong pagpaparangal sa tao!
"Sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan. --- (Lucas 11:43)
Ito pala ay diwa ng mga fariseo !!
Bakit ?
"Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios. -- ( Juan 12:43 )
-----
Naghangad ba ang mga tunay na mga banal ng pagpaparangal sa mga tao :
Ito ang sabi nila :
""Huwag sa AMIN,oh Panginoon ,huwag sa AMIN ,kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan ,dahil sa iyong kagandahang -loob at dahil sa iyong katotohanan.--- (Mga Awit 115:1)
Ang mga Banal o mga santo ang pinupuri ay ang Diyos hindi sila ang nagpapapuri sa mga sarili nila!
" Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal. -- ( Mga Awit 145:10 )
Hindi hinangad ng mga tunay na mga Banal ang pagpuri sa kanila ng mga tao:
Ito ang sabi ng Apostol Pablo:
"Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba, ng mga sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo? -- ( 2 Corinto 3:1 )
-----
" Iyo ,Oh Panginoon ang KADAKILAAN ,at ang KAPANGYARIHAN ,at ang KALUWALHATIAN ,at ang PAGTATAGUMPAY ,at ang KARANGALAN :sapagkat lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo :iyo ang kaharian ,Oh panginoon ,ikaw ay nataas na pangulo ng lahat--- (1Cronica .29:11)
-------
" Ngayon pumapayag ba ang mga Apostol ng ating Panginoong Hesu Kristo na sila ay luhuran at sambahin:
"At nangyari ,na pagpasok ni Pedro ,ay sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa sa kanyang paanan ,at siya 'y SINAMBA .datapuwat itinindig siya ni pedro ,na sinabi ,magtindig ka,ako man ay tao rin.--- ( Mga Gawa 10:25-26 )
Hindi nagpaluhod o nag pasamba ang mga banal na Apostol ni Hesus.
Si Apostol Pedro ay itinindig si Cornelio ng ito ay magpatirapa sa harap niya at siya ay sinamba .
------
Maging si Apostol Pablo at si Bernabe ay hindi pumayag na sila ay sambahin:
"At tinawag nilang Jupiter ,si Bernabe ;at Mercurio si Pablo sapagkat siya ang Pangulong tagapagsalita.At ang saserdote ni jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan ,ay nagdala ng mga baka 't mga putong na bulaklak sa mga pintuang -daan ,at ibig maghaing kasama ng mga karamihan .Datapuwat nang marinig ito ng mga apostol ,na si Bernabe at si Pablo ,ay hinapak nila ang kanilang mga damit ,at nagsipagtakbo sa gitna ng karamihan ,na nagsisigaw At nagsisipagsabi,Mga ginoo,bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito?kami 'y mga tao ring may karamdaman gaya ninyo ,at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo ,upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat ,at ng lahat ng nasa mga yaon.-- ( Mga Gawa 14:12-15 )
--------
Ang mga Banal na anghel ng Diyos hindi rin pumapayag na sila ay sambahin :
"At akoy si Juan ,ako ang nakarinig ngmga bagay na ito .At ng aking marinig at makita ay nagpatirapa ako upang sumamba sa anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.At sinabi niya sa akin Ingatan mong huwag gawin iyan:ako 'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta ,at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito sumamba ka sa Dios.---- (Apocalipsis 22:8-9 )
" At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan (Anghel ) upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula. -- ( Apocalipsis 19:10 )
------
Hindi pumapayag ang Diyos na parangalan mo ang tao higit kay sa kanya?
"Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan? -- ( 1 Samuel 2:29 )
------
"Sa halaga kayoy binili;HUWAG kayong maging ALIPIN ng mga tao.---(1 Corinto 7:23 )
-------
"Huwag ninyong ILAGAK ang inyong tiwala sa mga pangulo ,ni sa anak man ng tao ,na walang pagsaklolo.--- (Mga Awit 146:3)
------
"Ganito ang sabi ng Panginoon SUMPAIN ang tao na tumitiwala sa Tao ,ginagawang laman ang kanilang bisig ,at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.--- (Jeremias 17:5)
-------
"Huwag ninyong parangalan ang pagkatao ng makapangyarihan.--- (Leviticu 19:15)
------
"Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya? ---- ( Isaias 2:22 )
--------
"...Huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios..."--
( Deuteronomio 1:17 )
-------
Ang pagsamba sa lmahen ng tao ay gawain ng mga pagano :
"Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari. Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. 4Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari;At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari.-- ( Daniel 3:1-7 )
At pagluhod sa imahen ng tao ay hindi ginagawa ng mga lingkod ng Diyos:
"Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.-- ( Daniel 3:8-12)
Comments
Post a Comment