ANG PAG ROROSARYO INUTOS BA NG DIYOS


Saan nag mula ang pagrorosaryo ito ba ay inutos ng Diyos sa mga Kristiyano? 


Ang Doctrina ukol sa pagrorosaryo ay hindi po inutos ng Diyos at hindi ito itinuro ng ating Panginoong Hesu Kristo at ng kanyang mga Apostol hindi rin ito ginawa ng mga unang Kristiyano 


samadaling salita ang aral ukol sa pagrorosaryo ay hindi matatapuan sa loob ng mga Banal na Kasulatan? 


Kung hindi ito matatagpuan sa loob ng mga Banal na Kasulatan saan ito nagpasimula? 


Ang debosyon ukol sa pagrorosaryo ay inimbento lamang ng isang Mongheng Katoliko na si Domingo Felix De Guzman ang tagapagtatag ng orden ng mga Dominicano na nabuhay sa pagitan ng 1382 - 1460 A.D at siya ipinanganak sa Caleruega bahagi ngayon ng Bansang Espanya. 


Ang pagrorosaryo ay isang debosyon ukol kay Maria na inimbento ni Domingo Felix De Guzman na nung kalaunan ay naging bahagi na rin ng panampalatayang Katoliko. 


At kung uugatin natin kung saan ito nagmula ay makikita natin na ito ay kinopya lamang ni Domingo mula sa mga pagano . 


At mga Hindu at Budhista ay may ganito rin uri ng pananalangin na sa anyo ng chanting o paulit ulit na dasal na tinatawag nilang "mantra" " sa relihiyon Budhiesmo ginamitan nila ito ng prayer beads na tinatawag nilang "malas " sa mga Hindu tinatawag nila itong "Japamala" at sa Islam tinatawag nila itong " misbaḥah" 






Ano ba ang Rosaryo? 


"The word rosary comes from Latin and means a garland of roses, the rose being one of the flowers used to symbolize the Virgin Mary. 


"Then the priest of Jupiter, being before their city, brought oxen and GARLANDS OF FLOWERS unto the gates, and would have done sacrifice with the people.- ( Acts 14:13 ) 






Kaya itong pagrorosaryo hindi ito bago dahil kinopya lamang ito ni Domingo sa kaugalian at paniniwala mga paganong Hindu na sumasamba sa maraming diyos. 


At itong pangongopya o panggagaya sa kaugalian ng mga bansa o ng mga pagano ay mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos sa kanyang Bayan. 


"Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.-- 
( Deuteronomio 18:9 ) 


Bakit ipinababawal ito ng Diyos? 


"Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: -- ( Jeremias 10:2-3 ) 


Dahil ang kaugalian ng mga bansa ay walang kabuluhan. 


---- 


Kaya ang tagubilin ng Apostol Pablo sa mga unang Kristiyano ay ganito : 


" At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; -- 
( Efeso 5:11 ) 


Bakit bawal makibahagi ang mga Kristiyano sa mga kaugalian ng mga pagano? 


Ito ang dahilan: 


"Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.-- ( 2 Corinto 6:14-18 ) 


---- 


Ngayon ano ang patunay na ang paulit ulit na dasal na sa anyo ng chanting ay kaugalian ng mga pagano? 


Ginawa ito ng mga propeta ni Baal na sila ay nagdasal ng paulit ulit kay baal mula kinaumagahan hanggang sa kinatanghalian : 


"At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.-- ( 1 Mga Hari 18:26 ) 


----- 


Ngayon pumapayag ba ang Diyos na kung manalangin ang kanyang lingkod ay manalangin ng walang kabuluhang paulit ulit ? 


Ito sabi ng Banal na Kasulatan: 


"Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.-- ( Ecclesiastes 5:2 ) 


Kaya hindi paulit ulit kasi pakauntiin mo ang iyong mga salita ,ang pag rorosaryo ay isang mahaba na paulit ulit na panalangin na kinabisado. 


Ang pananalangin ng mahaba ay tanda ng isang taong mapagpaimbabaw? 


"Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan; Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.-- ( Lucas 20:46-47 ) 


-- 


Bakit hindi paulit ulit kasi hindi naman bingi ang Diyos para ulit ulit natin sa kanya. 


"Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. -- ( Isaias 59:1 ) 


-- 


Kasi bago pa natin hingin sa Diyos ang ating mga panalangin alam niya na ito kaya walang sense na ulit ulitin mo ito sa kanya? 


"Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya. -- ( Mateo 6:8 ) 


--- 


Dahil kung inuulit ulit natin ito matutulad tayo sa mga taong mangmang na inuulit ang kanyang kamangmangan? 


"Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka,gayon ang MANGMANG na UMUULIT ng kaniyang KAMANGMANGAN.--(Kawikaan .26:11) 


--- 


Ngayon ano sabi ng ating panginoong Hesu Kristo ukol sa pananalangin na walang kabuluhang paulitulit? 


"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. -- 
( Mateo 6:7 ) 


Ang patunay ang pananalangin ng walang kabuluhang paulit ulit ay kaugalian ng mga pagano sa salin na NIV : 


Ito ang nakasulat : 


" And when you pray, do not keep on babbling like pagans, for they think they will be heard because of their many words. ( NIV ) 


"But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking. ( KJV ) 


--- 


Ngayon sa tinatawag na pagrorosaryo mayroon tinatawag na "rosary beads " ito yong parang kuwentas na ang bawat buto ay binubuo ng mga paulit ulit na panalangin na may larawan ni Maria at ng larawan ng naka pako sa krus na Hesus. 


At itong Rosary beads ikinikwentas ito ng mga katoliko sa kanilang mga leeg sa paniniwala na ito ay sagrado at may taglay na kapangyarihan sa sinoman nagsusuot nito kaya itong rosary beads maituturing ito na amulet o anting -anting. 


" Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan..."ang panaginip sa pagkagising sa gayon Oh Panginoon Paggumising ka iyong hamakin ang kanilang LARAWAN. -- ( Mga Awit 73:6 )


------ 


"At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik..." ( Nehemias 9:17 ) 


----- 


Ano ba ang tinatawag na " Amulet" 


An amulet is an object that is typically worn on one's person, and is alleged to have the magical power to protect its holder– either to protect them in general or to protect them from some specific thing. a charm (such as an ornament) often inscribed with a magic incantation or symbol to aid the wearer or protect against evil (such as disease or witchcraft). 


Ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusuot ng ano man uri ng amulet o anting anting: 


" On that day of judgment the Lord will strip away everything that makes her beautiful: ornaments, headbands, crescent necklaces,..."The headdresses, the armlets, the sashes, the perfume boxes, and THE AMULETS;-- (Isaiah 3:18,20) 


Ano ang patunay na nahuhulog sa pagiging Amulet o anting anting ang pagtataglay ng rosaryo. 


Ayon kay Domingo pinangakuan siya ni Maria na ang sinoman ang magtataglay nito ay makakasumpong ng pagiingat ni Maria sapagkat ang rosaryo ay magiging makapangyarihang sandata laban sa impyerno at magwawasak sa bisyo ,magpapagaan ng kasalanan at magpapatagumpay laban sa hidwang panampalataya : 


"I promise my special protection and the greatest graces to all those who shall recite the Rosary.The Rosary shall be a powerful armor against hell, it will destroy vice, decrease sin, and defeat heresies..." I have obtained from my Divine Son that all the advocates of the Rosary shall have for intercessors the entire celestial court during their life and at the hour of death. 


--- ( The Fifteen Promises of Mary Granted to those who Recite the Rosary:The Glory of St Dominic:1633 A.D ) 


Kaya ang "Rosaryo" ay anting -anting o agimat yan ng isang Katoliko. 


At pinagbabawal ng Panginoon ang paggamit ng agimat sa katawan?


Deuteronomio 18:14 MBB " Ang mga bansang inyong sasakupin ay sumusunod sa mga manghuhula at mga naniniwala sa mga agimat. Subalit ang mga ito ay ipinagbabawal sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.


---- 

Ang aral ukol sa rosaryo ay aral na kinatha ng Iglesia Katolika ito ay hindi mababasa sa mga Banal  na kasulatam 


Gaya ng sabi ng Apostol Pablo


Mga Taga Roma 10:3

 " Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios."

At ang katuwiran ng Diyos ay ang kanyang mga utos na nakasulat sa mga Banal na Kasulatan:

Mga Awit 119:172

" Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran."





Ang Rosary beads Ikinikwentas ito ng mga Katoliko sa kanilang mga leeg? 


" Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas. -- ( Isaias 40:19 ) 


Mga bagay na walang kabuluhan na hindi mapapakinabangan na pinaglagakan ng tao ng kanyang tiwala at pag-asa: 


" At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan. --- ( 1 Samuel 12:21 ) 


------ 


"Kayong NANGAGALAK sa ISANG BAGAY NA WALANG KABULUHAN na nangagsasabi di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan.--- (Amos 6:13)


---- 


"Walang dumadaing ng katuwiran at WALANG nanananggalang ng katotohanan SILAY NAGSISITIWALA sa WALANG KABULUHAN.--- (Isaias 59:4 ) 


Ang natitiwala rito ay nagtitiwala sa Kabulaanan: 


"Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan. -- ( Jeremias 13:25 )


---- 


Ito ang sabi ng Panginoon? 


" Umupo ka sa iyong luklukan Oh Jerusalem MAGKALAG ka ng MGA TALI NG IYONG LEEG Oh bihag na anak na babae ng Sion.--- 
(Isaias 52:2)


----- 


"...Gaano katagal iibigin ninyo ang WALANG KABULUHAN AT HAHANAP NG KABULAANAN--- (Mga Awit 4:2) 


Ang pagrorosaryo at pagtitiwala sa rosaryo ay mga bagay na walang kabuluhan at hindi mapapakinabangan kundi isang Kabulaanan ng Diablo ! 


Comments

Popular Posts