ANG PANANALANGIN BA SA MGA SANTO AT KAY MARIA UTOS BA NG DIYOS


 Ang pananalangin ba sa mga Banal at kay Maria ay utos ba ng Diyos :

Ayon sa Banal na Kasulatan kanino ba dapat tayo manalangin:

“Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. — ( Filipos 4:6 )

Maliwanag ang sagot ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ating ipakilala ang ating mga kahilingan sa Diyos.

Kaya sa Diyos nauukol ang ating mga panalangin at hindi ito nauukol sa mga taong banal na matagal ng namatay o kay Maria.

Bakit sa Diyos tayo marapat manalangin?

“Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. — ( Mga Awit 34:15 )

Ang Diyos lang kasi ang may kakayahang makinig at makarinig ng lahat ng mga daing ng mga tao .

“Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. — (Isaias 59:1 )

Kaya walang dahilan na manalangin kapa sa mga banal o kay Maria dahil hindi naman mahina ang pakinig ng Diyos na hindi marinig ang lahat ng mga panalangin.

 Ang tanong si Maria o ang mga banal may kakayahan na makarinig ng lahat ng mga panalangin?

Tiyak “Hindi ”

 Pangalawa si Maria ba at ang mga banal may kakayahan ba na ibigay o tugunan ang mga kahilingan o daing ng mga nanalangin?

Tiyak hindi rin!

Kasi may limitasyon o hangganan ang kanilang mga kakayahan wala silang kakayahang makarinig o makinig ng lahat ng mga daing o panalangin  ng mga tao sa boung mundo.

Tanging ang Diyos lang ang makakagawa nito?

At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. — ( Hebreo 4:13 )

Si Maria at ang mga Banal hindi ito makakarinig ng mga pananalangin at daing dahil matagal na silang mga patay?

At ang mga patay ay wala na silang anomang bahagi pa magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.–--
( Ecclesiastes 9:5-6 )

Kaya anomang panalangin na gawin mo hindi kana nila maririnig sapagkat sila ay mga patay na.

---------

Nasa langit naba si Maria at ang mga banal na namatay?

 "Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.-- ( Mga Awit 16:3 )

-------

Nasa lupa pa sila at nasa libingan!
Ang Halimbawa nito ay Banal na si David :

" Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,...,Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.-- ( Mga Gawa 2:34,29)

--------


Banal ba ang patriarkang si David ito ang sabi ni David?

 "Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. -- ( Mga Awit 86:2)

———

 Dahil patay na ang mga banal o maging si Maria mahigpit na ipinagbawal ng Diyos na sumangguni ka sa mga patay sapagkat ito ay karumaldumal sa paningin niya?

Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.— ( Deuteronomio 18:10-12 )

——

” At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? — ( Isaias 8:19 )

——

 Ang tanong ang mga banal ba makapagliligtas?

Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios. — (Ezekiel 14:14 )

——-

Ang Diyos ba may Kasangguni at pwedi ba diktahan ang Diyos?

Sa katotohanan ang Diyos ay walang kasangguni na kaya dumikta o magsulsol sa kanya walang palakasan system sa Diyos kaya hindi mo kailangan ng padreno para marinig ng Diyos ang mga panalangin mo

 “Sapagka’t sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni? — ( Roma 11:34 )

-----

Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya?Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?— ( Job 36-22-23 )

------

"May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas. — (Job 21:22 )

------

"Ano man ang kalooban ng Diyos walang tao na pwedi dumikta sa kanya para ito pigilin?
 Kung siya’y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya? — ( Job 11:10 )

------

"Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako’y gagawa, at sinong pipigil? — ( Isaias 43:13 )

------

 "Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa.-- ( Job 23:13 )

-------

 “At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka’t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t saling lahi;At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?— (Daniel 4:34 -35 )

——

Kaya wala sa kapangyarihan ng tao na diktahan ang Diyos kaya hindi totoo na susunod sa dikta ni Maria o sa dikta ng mga santo na ginawang padreno ang Diyos?

 "Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya?Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama?Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.-- ( Job 34:17-19 )

Ganito ang sabi ng Banal na Kasulatan:

” Nguni’t, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa’y sa ikahihiya.— ( Roma 9:20-21 )

———

Ano ang tagubilin ng Diyos sa mga taong nag lalagak ng kaniyang tiwala sa mga pangulo o sa mga anak man ng tao.

” Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. — ( Mga Awit 146:3 )

Kaya ang lingkod ng Diyos hindi sumasangguni sa tao o nag dadasal sa tao?

Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y HINDI AKO SUMANGUNI SA LAMAN AT SA DUGO.-- (Galacia 1:16 )

-----

Marapat ba umasa sa tulong nila?

walang maasahan sa tulong ni Maria at ng mga santo!

" Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.-- ( Mga Awit 60:11 )

-----

“Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. —
( Jeremias 17:5 )

———

Ang pananalangin sa harap ng mga imahen ng mga santo at santa o ni Maria :

“Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng AYON SA ANYO NG TAO, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay…”At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang PINAGPAPATIRAPAAN at SINASAMBA, at DINADALANGINAN, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios. — ( Isaias 44:13,17 )

-------

Sa Tanong marapat ba tayo manalangin kay Maria 

Hindi??

Dahil mismo si Maria  nanalangin din  sa Diyos 

Mga Gawa 1:13-14 

" At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago. Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.


Comments

Popular Posts