ANG TAGAPAMAGITAN NG LAHAT NG BIYAYA AT ANG ATING SAKLOLO


 Mediatrix nga ba si Maria 

Bakit hindi tayo naniniwala na pwedi maging tagapamagitan si Maria ?

Ito sabi sa aklat Katoliko:

 "And she is truly a mediatress of peace between sinners and God. Sinners receive pardon by...Mary alone”

-----  (The Glories of Mary, pp. 82-83)

-------


”…Mary whom He has made sovereign of heaven and earth, general of His armies..."restorer of the human race, Mediatrix of men, the Exterminator of the enemies of God, and the faithful companion of His grandeurs and triumphs” --- (True Devotion to the Blesed Virgin Mary, pp.18-19)

Una patay na si Maria ang patay hindi niya na nalalaman ang anomang bagay wala na silang anomang bahagi pa sa nagawa sa ilalim ng araw.

"Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.-- ( Eclesiastes 9:5-6 )

Bakit wala ng bahagi ang isang patay sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw?

 "Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.-- ( Job 7:9-10) 

Ang isang patay ay wala ng kakayahang mamagitan si Maria ay matagal ng patay kaya hindi pwedi mamagitan si Maria  para sa atin:

Ang inilagay ng Diyos na maging tagapamagitan natin ay ang ating Panginoong Hesu Kristo hindi si Maria:

 "Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, -- ( 1 Timoteo 2:5 )

Ano ang patunay!

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. -- ( Juan 14:6 )

----

 "Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: -- ( 1 Juan 2:1 )

Ang ating Panginoong Hesu Kristo ating tagapamagitan hindi si Maria :

 "Datapuwat siy sapagkat namamalagi magpakailanman ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan .Dahil dito naman siya 'y nakapagliligtas na luboos sa mga nagsisilapit sa Dios sa PAMAMAGITAN niya palibhasa'y laging nabubuhay siya upang MAMAGITAN sa kanila.--- (Hebreo .7:24-25)

-------

Ganito ang sabi ng Kasulatan:

"Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba ,ay hahatulan siya ng Dios ngunit kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon ,sino ang MAMAGITAN sa kanya ? gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama sapagkat inakalang patayin sila ng Panginoon.--- (1 Samuel 2:25)

Mayroon ba?

"Kahit na ngayon narito ang aking saksi ay nasa langit at siyay nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.---(Job 16:19)

Sino ito?

Ang ating Panginoon Hesus na nangasa itaas na nakaupo sa kanan ng Diyos:

"Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. -- ( Colosas 3:1 )

-----

Bakit natin gawin Mediatrix si Maria patay na ito bawal ng Diyos na ang kanyang lingkod ay makipag sanggunian sa isang  patay:

 Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.-- ( Deuteronomio 18:10-12)

------



Kaya Ganito ang sabi ng Panginoon:

Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. --- ( Mga Awit 146:3 )

Ang sabi ng Panginoon huwag mo ilagak ang iyong tiwala sa anak man  ng tao na walang pagsaklolo kaya hindi magmumula sa INA NA LAGING SAKLOLO ang ating saklolo kundi sa Panginoon:

 "Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. -- (Mga Awit 121:2 )

-----

Hindi si Maria ang tagapamagitan ng lahat ng biyaya kundi ang ating Panginoong Hesus siya ang luklukan ng biyaya:

"Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.-- ( Hebreo 4:14-16 )

Ang ating Panginoong Hesu Kristo ang luklukan ng biyaya kaya si Kristo ang tagapamagitan ng lahat ng biyaya hindi si Maria.

At sa pangalan ng ating Panginoon Jesus matatanggap ang biyaya hindi sa pangalan ni Maria:

 "Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin. --- ( Juan 14:14 )

Comments

Popular Posts