ANG TAMANG PAGSAMBA NA HINAHANAP NG DIYOS
Una alamin natin na ang Dios ay espiritu at .hinahahanap ng Dios na ang mga tunay na Mananamba sa kanya ay mananamba sa espiritu at sa katotohanan sapagkat ang Dios ay espiritu.
“Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. — (Juan 4:23-24 )
A t ayon sa ating Panginoong Jesu cristo ang espiritu ay walang laman at mga buto.(Lukas 24:38-39) At hindi natin siya pwedi itulad o Igapay sa isang larawang inanyuan na gawa sa mga pilak o ginto.
“Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios NA IAAGAPAY SA AKIN ; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo. — ( Exodus 20:23 )
At hindi marapat isipin na ang pagka Diyod ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao
“Yamang tayo ngsa’y lahi ng Dios ,ay hindi marapat nating isipin na ang PAGKA DIOS ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.( Mga Gawa 17:29)
Dito makikita natin hindi talaga pumapayag ang Diyos na na iagapay siya sa isang larawang inanyuan o isipin man lang natin na siya ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao at ay mahigpit na pinagbawal ng Panginoon nating Dios.sapagkat siya walang katulad o kagaya.
“Kaya’t ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka’t walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. — ( 2 Samuel 7:22)
At hindi niya ibibigay ang kanyang Kaluwalhatian at ang kanyang kapurihan sa isang larawang Inanyuan:
“Ako ang Panginoon ;na siya kung aking pangalan ;at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba,o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.— (Isaias 42:8 )
“Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka’t, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba. — ( Isaias 48:11 )
——–
Kaya walang bahagi ang larawang inanyuan sa kaluwalhatian at kapurihan ng Dios kasi ayon mismo sa Dios hindi nya ibibigay ang kanyang Kaluwalhatian at kapurihan sa isang larawang inanyuan.
Ngayon pumapayag ba ang Dios na purihin siya at dakilain ng mga tao sa pamamagitan ng pag-gawa ng larawang inayuan?
“At inalis ng boung bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga at dinala kay Aaron .at kaniyang tinangggap sa kanilang kamay ,at niyari sa pamamagitan ng isang buril ,at ginawang isang guya binubo ,at kanilang sinabi,at ang mga ito ang maging inyong mga dios ,Oh Israel ,na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng egipto.at nang makita ito ni Aaron ,ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon:itinanyag ni Aaron at sinabi ,Bukas ay PISTA SA PANGINOON (Yhwh).at silay bumangong maaga nang kinabukasan ,at nangaghandog ng mga handog na susunugin ,at nangagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan ;at mga bayan ay umupong kumain at uminom at tumindig upang magkatuwa.— (Exudos 32:3-6)
Ang Bayang Israel ay gumawa ng larawang inanyuan sa anyo ng isang guya na binubo ginawa nila ito upang naging represintasyon ng Panginoon itong larawang guya at kanilang ipinag pista ang Panginoon.
Pero natuwa ba ang Diyos sa ginawa nilang larawang guya na represintasyon ng Diyos?
Hindi po ?
Bagkus ang Panginoong Diyos ay napoot sa ginawa nila:
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; Ngayo’y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.— ( Exodus 32:9 -10)
Hindi natuwa ang Panginon na ginawan siya ng larawan inanyuan at ipinag pista ng Bayang Israel.
—–
Sapagkat mahigpit ito na ipinagbabawal ng Panginoon na gawan siya ng larawan:
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; — ( Exodus 20:4- 5 )
Kaya ang pagkakaroon ng mga larawang inanyuan katulad ng mga imahen at mga rebulto ay hindi katanggaptanggap sa Panginoon at mga ganitong mga gawa ay karumaldumal sa kanya sapagkat hindi mo siya pwedi gawan ng represintasyon na iaagapay mo sa kanyang pagka Diyos sapagkat siya ay Diyos na mapanibughuin at hindi niya ibibigay ang kanyang kaluwalhatian at kanyang kapurihan sa larawang inanyuan.
Kaya ito ang sabi ng Panginoon sa mga tao na gumagawa ng mga imahen o mga rebulto na yari sa pilak at ginto?
“Ang kanilang mga dios ay pilak at ginto yari ng mga kamay ng mga tao .silay may mga bibig ,ngunit sila’y hindi nangagsasalita ;mga mata ‘y mayroon sila ,ngunit hindi nangakakakita ;silay may mga tainga ,ngunit hindi sila nangakakarinig ;mga ilong ay mayroon sila ngunit hindi sila nangakaamy ;mayroon silang mga kamay ngunit hindi sila nangakakatangan ;mga paa ay mayroon silangunit hindi sila nangakakalakad ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.ang nagsigawa sa kanila ay magiging gaya nila ;oo bawat tumitiwala sa kanila.— ( Mga Awit 115:4-7)
—–
Ang mga katulad nila ay mga nangagmamarunong ngunit naging mga mangmang dahil kanilang pinalitan ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng isang katulad ng larawan ng tao na nangasisira at ng mga larawan ng ibon ,at ng mga hayop na may apat na paa at ng mga larawan ng mga nagsisigapang sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan ng diablo at sila ay nagsisisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang .
“Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang ,At pinalitan nilaang kaluwalhatian ng Dios ,na hindi nasisira ,ng isang tulad ng larawang ng tao na nangasisira ,at ng mga ibon ,at ng mga hayop na may apat na paa, ng mga nagsisigapang ….sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan ,at silay nagsisisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa lumalang ,na siyang pinupuri magpakailan man siya nawa..— (Roma 1:22-25)
Saan ito natupad?
Ang kinatuparan nito ay ang Iglesia Katolika na gumawa ng mga larawang inanyuan na katulad ng sa wangis ng larawan ng tao na nasisira at inaagapay sa mga larawang ito ay ang larawan ng wangis ng mga ibon ang imahen ng our lady of Peace ang inagapay ay larawan ng kalapati ,ang imahen ni San Pedro larawan naman ng manok ang inaagapay ,ang imahen ni santa Ana larawan naman ng buwaya anv inagapay ,ang imahen ni San Joaquin ang inagapay naman na larawan ay aso ,ang imahen ni Santiago ang inagapay naman ay nakasakay siya sa Kabayo at ang imahen ni San Isidro labrador ang inagapay naman ay kalabaw, at ang larawan ng Immaculada Conception larawan naman ng ahas ang inagapay.
——-
Ngayon paano ba sinasamba ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan:
Una ano ba ang katangian ng espiritu?
Ang katangian ng espiritu wala itong laman at mga buto:
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.— ( Lukas 24:39)
Ibig sabihin ang espiritu ay walang physical na kaanyuan at itinulad ito sa hangin :
“At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:…”Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod…” — ( Hebreo 1:7,14 )
Alin naman ang Katotohanan?
” At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, …” — ( 2 Samuel 7:28 )
Alin ang Katotohanan ang mga salita ng Diyos? Ngayon ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos:
Ito ang Salita ng Diyos:
“Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka’t wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:– ( Deuteronomio 4:15-18 )
———
“Kanino ninyo ako itutulad ,at ipaparis ,at iwawangis ako,upang kami ay magkagaya?silay dumudukot ng maraming ginto sa supot at tumitimbang ng pilak sa timbangan ,silay nagsisiupa ng panday ginto ,at kaniyang ginagawang dios,silay nangagpapatirapa,oo silay nagsisisamba.pinapasan nila siya sa balikat dinadala nila siya ,at inilalagay siya sa kaniyang dako,at siya’y nakatayo ,mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos ,oo may dadaing sa kaniya gayon may hindi siya makakasagot ,o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kahibangan.—(Isaias 46:5-7)
——-
“Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.–
( Habacuc 2:18-19 )
---
Gumagamit ba ang mga tunay na Lingkod ng Diyos ng mga visual edge katulad ng mga imahen at mga rebulto sa kanilang pagsamba sa Diyos?
Hindi po!
Ganito ang sabi ng mga Apostol ni Kristo?
" Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. -- ( 2 Corinto 4:18 )
Hindi sila nagsisitingin sa mga bagay na nakikita ng mata sapagkat ang mga bagay na ito ay may katapusan bagkus gaya ng mga alipin ni Kristo na ginagawa mula sa puso ang paglilingkod sa Diyos ayon sa Kalooban ng Diyos.-- ( Efeso 6:6 )
—–
Ngayon paano ba pinag uukulan ng mga Katoliko ng debosyon ang kanilang mga imahen at mga rebulto?
“At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios. —
( Isaias 44:17 )
Dinadadalanginan ito ng mga Katoliko at pinagpapatirapaan at sinasamba.
Anopa’t kanilang sinabi :
“Na nangagsasabi sa kahoy Ikaw ay aking AMA;at sa bato ,iyong ipinanganak ako;sapagkat kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin ,at hindi ang kanilang mukha ,ngunit sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila Ikaw ay bumangon ,at iligtas mo kami.— (Jeremias 2:27 )
Ano ang tawag ng mga Katoliko sa kahoy nilang mga imahen tinatawag nila itong PAPA JESUS at sa mga bato nilang mga rebulto na nanganganak sa kanila tinatawag nila itong MAMA MARY ! Ipinaglihi kasi at pinanganak ng bato ang mga Katoliko sa kasalanan at inanyuan sa kasamaan ni MAMA MARY NA BATO!
Ang INANG BATO na mama Mary ng mga Katoliko!
⏩“Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking INA, — ( Mga Awit 51: 5 )
-----
⏩ "Sapagka't ang kanilang INA ay nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa mga mangingibig sa akin, na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng langis ko at ng inumin ko.-- ( Hosea 2:5 )
Comments
Post a Comment