ANG TANDA NG KRUS
Ano ang Tanda ng Krus o ( Sign of the Cross) at Bakit nag aantanda ng krus ang isang taong Katoliko?
Ang unang tanong natin inutos ba ito ng ating Panginoong Jesu Kristo at ng kanyang mga Apostol at isinagawa ba ito ng mga unang Kristiyano.Kung hindi ito inutos ng ating Panginoon bakit ito ginagawa ng mga Katoliko na tuwing sila ay mananalangin ay nag aantanda sila ng krus ,at sa tuwing sila ay dadaan ,at papasok sa loob ng simbahan ay nag aantanda sila, at maging sa harap ng kanilang mga yumaon ay ginagawa nila ang nag aantada ng krus .
Na nagpapakita ng malalim na panampalataya ng isang nomanampalatayang Katoliko ?
π Ano nga ba ang Tanda ng krus?
Sa isang Aklat Katoliko na isinulat ng isang pari na si Enrique Demond na ang pamagat :
π "Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko" by: Enrique Demond, p.11
"Ang TANDA ng SANTA CRUZ ay siyang TANDA ng TAONG KATOLIKO.Ang paraang ginagawa sa paggamit ng santa cruz ay dalawa: ang mag antanda at ang magkrus.Ang ang pag aantanda ay ang paggawa ng tatlong krus nang hinlalaki ng kanyang kamay;ang unay sa noo,...mabuti at pinakikinabangan lubha ang magkrus na malimit...”
Dito makikita natin na ang tanda ng krus ay tanda ng taong Katoliko?
----
Ngayon Paano ba nagsimula ng tanda ng Krus at Bakit ito naging tanda ng taong Katoliko?
Noong October 27, 312 A.D ay nakakita ng Pangitain sa langit ang Paganong Emperor ng Roma na Emperor Constantino at sa pangitain na ito nakakita si Constantino sa kalangitan ng isang liwanag na nasa anyo ng krus
According to this version:
"Constantine with his army was marching somewhere when he looked up to the sun and saw a cross of light above it, and with it the Greek words αΌΞ½ ΀οΟΟαΏ³ ΞΞ―ΞΊΞ±. The traditionally employed Latin translation of the Greek is in hoc signo vinces— literally "In this sign, you will conquer."
--- ( Eusebius, Life of Constantine, trans. Averil Cameron and S. G. Hall (Oxford, 1999, p.183 )
Kaya ang TANDA NG KRUS ay nagmula ito sa isang pangitain ng paganong Emperor na nakita ng maliwanag na krus sa langit .
Ito ang sabi ng Panginoon:
π "Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga TANDA NG LANGIT ; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.-- ( Jeremias 10:2 )
-------
Bakit hindi tayo marapat magtiwala sa mga TANDA ( sign) ?
π "Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng ISANG TANDA o kababalaghan-- ( Deuteronomio 13:1 )
------
π Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga DAKILANG TANDA at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. -- ( Mateo 24:24 )
-----
π Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga TANDA at mga kahangahangang kasinungalingan, -- ( 2 Tesalonica 2:9 )
-----
π Na sumisira ng mga TANDA NG MGA SINUNGALING, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman; -- ( Isaias 44:25 )
-----
Ngayon Ano ang TANDA na ito na ayon sa paggawa ni Satanas:
Ayon sa isang aklat Katoliko na ang pamagat "Passion Candaba" na isinulat ng isang pari na Aniceto Dela Merced, pp.207
Ay ganito ang ating mababasa:
π " Ipag- uutos magquintal sa noo o canang camay sucat pagcacaquilanlan na sila nga ,i campong tunay nitong anti cristong hunghang"
TANDA pala ito ng anti cristong hunghang ang pagquintal sa noo o sa kanang kamay .
Ngayon ano pag amin ng Iglesia Katolika sa pagquintal ng krus sa noo o sa kanang kamay:
Ito ang Kanilang pag amin :
π "...kinukrusan namin ang aming mga noo ,ang gawang ito'y tunay ngang di inuutos nang tahasan ng kasulatan ,datapuwat inuutos ng tradisyon ..."
---- ( Ang Pananampalataya ng ating mga ninuno " na isinulat ni James Cardinal Gibbons pp.10 )
Hindi pala ito iniutos sa loob ng Banal na Kasulatan hindi rin ito ginawa ng mga Apostol dahil hindi ito inutos ng ating Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad dahil hango lamang ito sa tradisyon na pawang utos ng tao at hindi utos ng Diyos :
Na mahigpit na ipinagbawal ng ating Panginoon:
π "Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong TRADISYON.Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.-- ( Mateo 15:6- 9 )
----
Ang TANDA ng Hayop na itatak sa noo at sa kanang kamay :
π "At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay. At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;-- ( Apocalipsis 13:11-16 )
-----
π "At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. -- ( Apocalipsis 14:9-11 )
-----
Ang TANDA NG KRUS ay tanda ng mga isinumpa sapagkat ibinitin at ipinako sa krus ang mga isinusumpa ng kautusan -- ( Galacia 3:13 ) ang TANDA NG KRUS tanda rin ito ng mga taong pusakal na kanilang ginamit ang krus para puksain ang Panginoon.-- ( Mateo 27:20-23 )
------
Ang Payo ng Diyos!
π " Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman NG ANOMANG TANDA; ako ang Panginoon. -- ( Leviticu 19:28 )
Comments
Post a Comment