ANO ANG BAUTISMO KAILANGAN BA BAUTISMUHAN ANG SANGGOL


 Ano ang Bautismo at sino ang karapat dapat sa Bautismo ayon sa Biblia

Ano nga ba ang Bautismo ito ba ginagawa sa pamamagitan ng WISIK, o sa pamamagitan PAGBUHOS o sa pamamagita ng PAGLULUBOG SA TUBIG ?

The word “Baptize” is a Greek word which has been adopted into the English language as part of our Christian vocabulary. The root word baptō means “to dip” or “dip into dye.” Baptizō is an intensive form of baptō and means “to dip” or “to immerse.” 

Kaya ito ay mula mismo sa salitang BAPTO na kahulugan ay paglulubog sa tubig kaya ang binabautismuhan ay nilulubog sa tubig :

Ano ang patunay na ang binabautismuhan ay nilulubog sa tubig ito ang halimbawa na ibinigay ng ating Panginoon ng siya ay nagpa bautismo kay Juan Bautista sa Ilog ng Jordan.

"At nang MABAUTISMUHAN si Jesus, pagdaka'y UMAHON SA TUBIG : at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; -- ( Mateo 3:16 ) 

Nang Bautismuhan si Hesus pagkadaka'y UMAHON SA TUBIG kaya inilubog siya sa tubig kasi paano ka umahon sa tubig kung hindi ka INILUBOG.

Kaya nga sa tuwing nagbabautismo si Juan Bautista isinasagawa niya ang Bautismo sa lugar ng ILOG NG JORDAN o duon sa lugar na may maraming tubig kasi nilulubog ang binabautismuhan kaya nangangailangan ng maraming tubig para mailubog ito:

"At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan. -- ( Juan 3:23 )

At ang Bautismo itinulad ito sa PAGLILIBING sa isang patay:

"O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga'y NANGALIBING na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.-- ( Roma 6:3-4 ) 

Ang inililibig sa kaugalian ng mga Hudyo inilalagay sa isang hukay at pagkatapus ay tinatambakan ng lupa sa gayon anyo ang binabautismuhan ay inililibig sa tubig kaya inilulubog ang binabautismuhan.

Samantala sa Iglesia Katolika ang binabautismuhan ay winiwisikan ng tubig o di kaya binubuhusan ng tubig kaya sa kanila ang salitang bautismo ay BINYAG na para bang halaman na binibinyagan sa paraan ng wisik at pagbuhos ng tubig.

Ang ganitong uri ng Bautismo ay hindi ginawa ni Juan Bautista o ng mga Apostol ng ating Panginoong Hesu Kristo.

-----

At ang serbisyo sa Bautismo ay hindi dapat binabayaran ito ay libre sapagkat ang kaligtasan ay libre.-- (Mateo 10:8 ) 

♉"Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio. -- ( 1 Mga Corinto 9:18)

------

Ngayon sa tanong SINO ang marapat Bautismuhan kasama ba ang sanggol sa dapat Bautismuhan na gaya ng pagbibinyag na isinasagawa sa Iglesia Katolika ng mga sanggol?

Una alamin natin:

Bakit Binabautismuhan ang isang tao?

" At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. --- ( Mga Gawa 1:38 )

Bakit kailangan mabautismuhan ang tao para matanggap ng tao ang pagpapatawad ng kanyang kasalanan .

Kaya itong Binabautismuhan ay may kasalanan na dapat matanggap niya ang pagpapatawad ng Diyos, na ang sanggol sa katotohanan ay wala namang kasalanan dahil wala pa itong muwang sa paggawa ng kasalanan at hindi nagagawa ng isang sanggol ang pagsisisi ng kasalanan.

"Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, ..." -- ( Roma 9:11 )

At ang isang sanggol wala pa itong muwang sa utos ng Diyos ?

" Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. - ( Hebreo 5:13 )

------

At isa pa sa katangian ng Binabautismuhan ito ay sumasampalataya:

"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.-- ( Marcus 16:16 ) 

Ito ay hindi nagagawa ng sanggol ang sumampalataya :

At hindi rin nagagawa ng sanggol ang sumunod sa mga utos na itinuro ng ating Panginoing Jesus:

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong BAUTISMUHAN sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:Na ituro ninyo sa kanila NA KANILANG GANAPIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA INYO: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.--- ( Mateo 28:19-20 )

Sapagkat ang isang binabautismuhan ay hinuhugasan sa pamamagitan ng tubig na may SALITA.-- ( Efeso 5:26 ) na ibig sabihin INAARALAN ito ng salita ng Diyos.

Kaya mali ang aral sa ukol sa pagbibinyag sa sanggol dahil walang sanggol na binautismuhan si Juan Bautista at hindi rin nagbautismo ang mga Apostol ng sanggol dahil sa paniniwala nila ang mga sanggol ay taga langit o mga LIGTAS .

"Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit. --- ( Mateo 19:14 )

------

Ang papababautismo ng sanggol nagsimula lamang ito nuong 400 A.D sa pamamagitan ng isang santong Katoliko na si Augustino na ayon sa kanyang kailangan Bautismuhan ang sanggol para mapatawad ito sa minanang kasalanan kay Adam ibig sabihin nangamatay na ang mga Apostol ni Kristo bago ito isinagawa ng Iglesia Katolika Romana para maging tuntunin sa loob ng simbahan.

" At itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, upang sunugin ang kanilang mga anak ( o sanggol) sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip: --- ( Jeremias 19:5 )

Comments

Popular Posts