HINDI TOTOO NA FOREVER VIRGIN SI MARIA


Si Maria nanatili ba na Birhen pagkatapus maipanganak sa laman si Hesus

Ito ang paniniwala ng Iglesia Katolika na si Maria ay walang hanggang Birhen ( Forever virgin) Ito ang nakasulat sa kanilang Katesismo

The deepening of faith in the virginal motherhood led the Church to confess Mary's real and perpetual virginity even in the act of giving birth to the Son of God made man. In fact, Christ's birth "did not diminish his mother's virginal integrity but sanctified it." And so the liturgy of the Church celebrates Mary as Aeiparthenos, the "Ever-virgin."

----- ( Catechism of the Catholic Church: Number 499 )

------

Kaya ang paniniwala na  si Maria ay walang hanggang Birhen ito ay aral na pinaniniwalaan sa Iglesia Katolika.

At ayon pa sa kanilang katesismo ang pagka birhen ni Maria ay tanda ng kanyang panampalataya:

 " Mary is a virgin because her virginity is the sign of her faith ..."

----- ( Catechism of the Catholic Church,Number 506 )

Bakit pag hindi ba birhen ay wala ng panampalataya? anong pangangatuwiran ito maraming lingkod ng Diyos ang hindi birhen pero may malalim na panampalataya sa Diyos.

--------

Una hindi tayo tutol na Birhen talaga si Maria ng ipagbuntis niya ang ating Panginoong Hesus at ito ay hinulaan na ni propeta Isaias na isang Birhen ay maglilihi at manganganak :

" Therefore the Lord himself will give you a sign: The  VIRGIN  will conceive and give birth to a son, and will call him Immanuel.-- ( Isaiah 7:14 )

Ang tinutulan natin sa aral ng Iglesia Katolika ay  ang paniniwala na si Maria ay walang hanggan Birhen at nanatiling birhen pagkatapus maipanganak si Hesus:

Dahil hindi ito totoo dahil bukod kay Hesus nagkaroon ng mga anak si Maria kay Jose:

Ayon sa tala ni Apostol Mateo:

 "At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa; AT HINDI NAKILALA SIYA HANGGANG SA MAIPANGANAK ANG ISANG LALAKE: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.-- ( Mateo 1:24-25 )

Ano ba ang Ibig sabihin nito na hindi nakilala ni Joss si Maria hanggang sa maipanganak si Hesus:

Ito ang ibig sabihin :

"At  NAKILALA  ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon. -- ( Genesis 4:1 )

Ibig sabihin nito pagkatapus maipanganak ni Maria si Hesus nakilala na Ni  JOSE ang kanyang ASAWANG si Maria at nagkaroon na sila ng mga anak .

Kahit sa hula sinasabi na si Hesus ay naging taga ibang lupa sa kanyang mga kapatid na mga  anak ng kanyang INA.

 "Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.-- ( Mga Awit 69:8-9)

Ang patunay na may mga kapatid si Hesus na mga anak ng kanyang ina kay JOSE :Tinawag siya na "PANGANAY NA ANAK"kung panganay na anak si Hesus ibig sabihin siya ang panganay sa kanyang mga kapatid na anak ng kanyang ina.

"At kaniyang ipinanganak ang PANGANAY NIYANG ANAK NA LALAKE; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan. -- ( Lukas 2:7 )

Hindi ka naman tatawaging panganay na anak kung ikaw lang mag-isa kaya ka panganay dahil bukod sayo may mga iba pang mga anak na mga kapatid mo.

Ito ang patunay na may mga kapatid si Hesus na mga anak ng kanyang INA.

"Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid? At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?-- ( Mateo 13:55-56 )

-------

Markus 3:31-32 " Pagkatapos nito ay dumating ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus. Sila ay nakatayo sa labas ng bahay at nagsugo na tawagin siya. Nakaupo ang napakaraming tao sa palibot niya. Sinabi ng mga sinugo sa kaniya: Narito, nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka


Ang Ginamit sa Greek na salita ay "ADELPHOI " na ibig sabihin kapatid sa bahay bata o KAPATID SA INA:

"The word used in the Greek New Testament for "brothers" is adelphoi, which means "from the womb" and literally means brothers who are born from the same mother.

------

 Greek: ἀδελφοί adelphoi, NOM pl. of ἀδελφός adelphos "brother" < α + δελφύς delphys "womb", literally "from, of the same womb") "brothers or siblings"

------

"Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang MGA KAPATID , Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. -- ( Juan 7:3 )

-------

"Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya. -- ( Mga Gawa 1:14 )

-------

" Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.-- ( Mateo 12:46 )

--------

Si Santiago na isa sa mga apostol ni Jesus ay kapatid ni Jesus sa laman, anak ni Maria kay Jose.


Galacia 1:19 " Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.


-----

Ang patunay na hindi lang si Hesus ang naging anak ni Maria sa isang kapistahan ng  paskua nagsiahon ang boung sambahayan ni Jose gaya ng nakaugalian ng kapistahan  ang batang si JESUS ay hindi napansin na naiwan sa pag akala ng kanyang mga magulang na kasama ito sa karamihan ng kanilang mga anak na umuwi?

 "At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua. At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan; At nang kanilang maganap na ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang; Nguni't sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala; -- (Lukas 2:41-44)

Kung totoo na "unico hijo " o "ONLY CHILD" lang si Kristo Eh bakit hindi napansin  ng kanyang mga magulang na naiwan pala ito lalabas nito nakapaka iresponsabli ng mag asawa na only child nakalimutan pa! Diba ganun...

-------

Isa sa mga palusot ng mga Defensor Katoliko hindi daw ginamit ang salitang "pinsan " kaya ang pinsan daw sa griego ay ginamit na pantawag sa kapatid.

Totoo kaya ito na hindi ginamit ang salitang pinsan:


Colosas 4:10 " Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin), 

si Marcos ay pinsan ni Bernabe sa griego ay "anepsios " (ἀνεψιὸς)

Noun. ᾰ̓νεψῐός • (anepsiós) m (genitive ᾰ̓νεψῐοῦ); second declension. (male) first cousin, cousin.

----------

Kaya may mga kapatid si Hesus sa INA na mga anak ni Maria kay JOSE at hindi naman katakataka ito dahil ASAWA NI JOSE SI MARIA ano ba ang ginagawa ng mag asawa kung nagsasama MAGTITINGINAN  kaya may dahilan kung bakit may mga kapatid si Hesus dahil may asawa ang kanyang ina kaya hindi totoo na FOREVER VIRGIN si Maria dahil nabuntis ito kay Jose at nagkaroon sila  ng mg anak na mga kapatid ni Jesus na mga lalake at mga babae na anak ng kanyang ina.


Purihin ang Diyos!

Comments

Popular Posts