IMAHEN NG KATOLIKO AY IDOLATRIYA


Ngayon pag aralan natin kung totoo nga ba na “idolatriya “ang ginagawa ng mga Katoliko na pagsamba sa mga imahen at mga rebulto .


Ano ba ang kahulugan ng salitang “idolatria”Idolatria ,shortened from L.l..Idolatria (Tertullian)from Greek “eidololatria “means “Worship” of Idol from “eidolon ” means “image” + latreia” means “Worship ,service.


Kaya ang tamang kahulugan ng “Idolatriya ay “Worship of Image.

“samadaling sabi ang “Idolatriya ” ito ay pagsamba sa Imahen”


Ngayon sa Iglesia katolika ba ay Sinasamba ang mga Imahen ?

Ito ang patotoo ng aklat Katoliko! 


“.Is the worship of the saints confined to their persons?”No ;it extends also to thier relics and IMAGES.”…””Ought we to worship holy images?””We should have ,partcularly in our churches ,images of Our lord,as also of the Blessed Virgin and saints..”
— (A Catechisn of Christian Doctrine: #3 p.87, Q.13,15 )




Ito naman ang nasa isa pang Aklat Katoliko na ang pamagat ay “The Commandments” sa pahina ,91



“Why do we Worship the Images of the Heart of Jesus ?”We worship the image of the Heart of Jesus because his heart is the symbol of His Love for us.— ( The Commandment p.91,by St .Paul Publication ) 


--- 

👉 "Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin:Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo"


-- (Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 )

---- 


Ito naman ang sabi ng isang santong Katoliko na si Thomas Aquinas sa kanyang libro na may pamagat na “Summa Theolica ” 


“When one turn to an image ,He say in so far as it a thing-either a painting or a statue -it deserves the same reverence as Christ himself ,”since Christ is worshipped with humble veneration ,it follow that his image ,too, must be worshipped with (relatively) humble veneration.”— (Summa Theolica ,III, Q. 25, a. 3) 


Dito maliwanag na aral mismo sa iglesia katolika ang Pagsamba sa mga imahen.ayon sa kanilang mga aklat ay may inuukol.silang pagsamba sa kanilang mga santo at ang pag samba na ito ay tumatagos maging sa kanilang mga relikya at mga larawang inanyuan samakatuwid sa kanilang mga imahen at mga rebulto . 


Kaya sa mga ganyang mga gawain ay ating naiintindihan kung bakit ganon nalang ang maningas na pagpapahalaga ng mga Katoliko sa kanilang mga imahen sapagpagkat may pagsamba silang inuukol dito kung saan sa harap ng imahen ay naninikluhod sila at nanalangin at nag-aalay ng mga bulaklak at pinagtitirikan ng mga kandela ,at hinahalikan at ipinagproprosisyon sa paniwala na ang pagsamba sa kanilang mga kinikilang mga santo ay tumatagos maging sa mga rebulto at imahin nito. 


Kaya ang sabi ng Propeta Jeremias: 
“At nangyari sa walang kabuluhang niyang pagsamba sa larawang inanyuan na ang lupain ay nadumihan ,at silay sumasamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy.—(Jeremias 3:9)


“At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal ,at ang kanilang mga IDOLO ,na kahoy at bato ,pilak at ginto na nasa gitna nila.(Deuteronomio 29:17)


Ngayon mayroon dinadahilan o palusot ang mga Defensor Katoliko na ang sabi nila paano daw nahulog sa idolatriya ang kanilang pagsamba sa mga santo kung hindi naman nila kinikilala na diyos ang mga ito? 


Ang ganitong Pangatuwiran ay isang malabo at isang palusot na pangangatuwiran lamang sapagkat hindi kailangan na kilalanin mo na diyos ang isang bagay para ito ay mahulog sa idolatriya. 


Ang pagwasak na inutos ng Dios sa tansong ahas na ipinagawa niya kay Propeta Moses ay hindi nangangahulugan na sinamba ng mga anak ni Israel ang tansong ahas bilang diyos .( 2 Mga Hari 18:4 ) ,ang pagpatirapa ni Apostol Juan sa isang Anghel ng Panginoon ay hindi nangangahulugan na kinikilala ni Apostol Juan na ang Anghel ng Panginoon ay isang diyos bagkus ginawa niya ito bilang paggalang sa anghel pero sa tagpong siya’y nagpatirapa sa harap ng Anghel siya ay sinaway ng anghel kasi alam ng anghel na ito ay pagsamba at ang pagsamba ay inuukol lamang sa Dios.(Apocalipsis 19:10)


Pangalawa ang katigasan ng ulo ay anyo ng pagsamba sa diosdiosan.(1Samuel 15:23) pero walang tao na matigas ang ulo ang magsasabi na matigas niyang ulo ay ang kanyang diyos na sinasamba. 


Kaya hindi kailangan kilalanin mong dios ang isang bagay para ito matawag na idolatriya ang pag sunod sa masamang nasa gaya ng pakikiapid ,masasamang pita ng kasakiman ,at karumihan ay isang anyo ng Idolatriya.(Colosas 3:5) 


Kaya hindi lahat ng anyo ng idolatriya ay kikilala ka na diyos ang isang bagay kasi ang katigasan ng ulo ang pagsunod sa masamang nasa gaya ng pakikiapid ,masasamang pita ng kasakimaan at karumihan ay isang anyo ng pagsamba sa diosdiosan. 


“Datapuwat walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.(Markus 7:7) 


Sa ganito nahulog sa walang kabuluhang pagsamba ang Iglesia katolika na ang kanilang sinusunod at itinuturo ay pawang mga utos ng mga tao. 
At ang pagsamba sa larawang inanyuan ay pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan sapagkat ito ay mga gawang walang kabuluhan na kanilang mga larawang inanyuan ay hangin at kalituhan. 


“Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila’y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan? 


…”Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni’t ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.— ( Jeremias 2:5,11) 


“Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan. — ( Isaias 41:29 ) 


—— 


Pawang utos ng mga tao na sambahin si Maria at ang mga santo: 


“Mary is glorified more than Christ. “The Holy Church commands a worship peculiar to Mary” 

—- ( The Glories of Mary”Book by.St. Alphonsus Liguori : pp.130) 


—– 



Utos ng mga tao na sambahin ang mga Imahen at ang mga rebulto: 


“Ought we to worship holy images?”
“We should have ,partcularly in our churches ,images of Our lord,as also of the Blessed Virgin and saints..”— ( A Catechisn of Christian Doctrine: #3 p.87 ,Q. 15 ) 


—— 



Utos ng mga tao na sambahin ang mga relikia ng mga santo: 


“Is the worship of the saints confined to their persons?”No ;it extends also to thier relics and IMAGES.”

— (A Catechism of Christian Doctrine :#3,p.87,Q. 13 ) 


—— 

 
Ngayon ano ang babala ng Panginoon sa mga gumagawa ng mga imahen at mga rebulto para ito ay sambahin ? 


Ganito ang nakasulat : 


“Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila’y mangapahiya. — ( Isaias 44:9 ) 

------
 
May pakinabang ba ang pagsamba sa mga imahen at mga rebulto : 

“Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.— ( Habacuc 2:18- 19) 


Kaya wala pakinabang ang pagsamba sa mga imahen at mga rebulto sila ay mga piping diosdiosan na nagtuturo sa tao ng kabulaanan kaya pagsamba sa kanila ay pagka ligaw sa pagsamba sa tunay na Diyos. 

--------
 
Bakit walang pakinabang ang pagtitiwala sa kanila? 


“Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.– ( Mga Awit 115:4-8 ) 


—— 


“Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman? Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila’y mangatatakot, sila’y mangahihiyang magkakasama.Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya’y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya’y hindi umiinom ng tubig, at pata.Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya’y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao’y kinakandili ng ulan.Kung magkagayo’y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy:At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios.Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka’t ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako’y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?Siya’y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?— ( Isaias 44:10-20 ) 


—– 

 
Ngayon nakakapagligtas ba itong mga imahen at mga rebulto na gawa sa pilak at ginto sa araw ng paghuhukom? 


Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan: 
“Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka’t wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. — ( Zefanias 1:18 ) 


——- 

 
Bakit hindi marapat sambahin ang mga imahen at mga rebulto? 


“Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. — ( Isaias 42:8 ) 


Maliwanag na hindi ibibigay ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan gaya ng mga imahen o ng mga rebulto. 


Ngayon Ano ba marapat maging pananaw ng lingkod ng Diyos sa pagkilala sa Diyos? 


Ito ang ating mababasa : 


“Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. —
( Mga Gawa 17:29 ) 


——- 

 
Ngayon may utos ba na gawan natin ng imahen o rebulto ang Diyos ? 


“Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka’t wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa: At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.— ( Deuteronomio 4:15-19 ) 


Mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos na gawan mo siya ng larawan o rebulto na kawangis ng anomang larawan na kahawagig ng lalake o babae ,na kahawig ng anomang hayop sa lupa o kahawig ng anomang ibon na may pakpak o kahawig ng anomang anomang bagay na umuusad sa lupa o kahawig ng anomang isda na nasa ilalim ng tubig sa lupa huwag ka maglingkod o magpatirapa man sa mga ito sapagkat ang Panginoon nating Diyos ay mapanibughuing Diyos. 


“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;– ( Exodus 20:4 – 5 ) 


“Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka’t ako ang Panginoon ninyong Dios. — ( Leviticus 26:1 ) 


——— 
 
Ano ang sasapitin ng mga taong sumasamba sa larawang inanyuan gaya ng mga imahen at mga rebulto? 


“At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.– ( Galacia 5:19-21 ) 


Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. — ( Apocalipsis 21:8 ) 


Hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos ang mga tao na sumasamba sa diosdiosan kundi ang kanilang bahagi ay ang dagatdagatang nsgniningas sa apog at asupre na siyang ikalawang kamatayan kaya dagatdagatang nagniningas na apoy ang sasapitin ng mga taong sumasamba sa mga imahen at mga rebulto. 


Kaya hindi maikakaila na pagsamba sa mga imahen ang ginagawa ng mga Katoliko at ito ay karumaldumal sa harap ng ating Panginoong Diyos na ipagkatiwala mo ang iyong pag asa sa isang larawan inanyuan na gawa sa pilak at ginto o sa bato at kahoy at ito ay anyo ng Idolatriya !


Purihin ang Diyos !

Comments

Popular Posts