IMMACULADA CONCEPTION AT COREDEMPTRIX


 Si Maria lang ba ang Immaculada Conception :

Ano nga ba ang Immaculada Conception ito ang patotoo ng aklat Katoliko :

 "... That is what the dogma of the Immaculate Conception confesses, as Pope Pius IX proclaimed in 1854: "The most Blessed Virgin Mary was, from the first moment of her conception, by a singular grace and privilege of almighty God and by virtue of the merits of Jesus Christ, Savior of the human race, preserved immune from all stain of original sin. 

----- ( The Catechism of the Catholic Church: Number 491 )

--------

Ang Immaculada Conception ito ang aral ng Iglesia  Katolika  na si Maria ay hindi nabahiran ng kasalanan minana kay Adam na tinatawag na "original sin" Ang aral na ito ay hindi itinuro ni Kristo o ng kanyang mga Apostol kundi kinatha lamang ito ng papa sa Roma na si Pope Pius IX noong 1854 bilang dogma ng simbahan:

Una naniniwala tayo na lahat ng sanggol na ipinapanganak sa mundo ay walang bahid ng kasalanan dahil hindi  naman totoo na ang kasalanan ni Adam ay namamana ang katunayan si Propeta Jeremias mula pa lang sa tiyan ng kanyang ina pinabanal na ito ng Panginoon :

" Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita;..."-- ( Jeremias 1:4-5 )

Kaya hindi totoo na si Maria lang pinanganak na walang bahid ng kasalanan dahil lahat ng sanggol na pinapanganak ay walang bahid ng kasalanan.

Ngayon si Maria ba nagkasala rin?

Ito ang Sagot ng Biblia:

 "Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala,) ..."-- ( 1 Mga Hari 8:46 )

-----

"Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala. -- (Eclesiastes 7:20) 

Kahit matuwid na na gumagawa ng mabuti ay nagkakasala rin at hindi po exempted si Maria dyan siya bilang tao nagkakamali rin at nagkakasala:

 "Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.--- ( 1 Juan 1:10 )

-----

Kahit karumihan naranasan din ito ni Maria bilang babae: dinatnan din kasi si Maria ng karumalan:

At huwag kang sisiping sa isang babae na ililitaw ang kahubaran niya habang siya'y marumi sa kaniyang karumalan. -- ( Leviticus 18:19 )


------


Job 25:4 


" Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae."


Ang patunay nangangailangan rin si Maria ng Tagapagligtas?

Ito ang sabi ni Maria :

"At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.-- ( Lukas 1:46-47)

Si Maria ay may tagapagligtas at ito ay ang Diyos hindi siya ang tagapagligtas:

Ukol sa Diyos ang pagliligtas:

⏩"Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)- ( Mga Awit 3:8 )

Bakit nangangailangan ng tagapagligtas si Maria ito ang dahilan :

 "Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin..."Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.Abang tao ako! sino ang  MAGLILIGTAS sa akin sa katawan nitong kamatayan?-- ( Roma 7:20,23-24 )

-----

 At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ILILIGTAS  niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. --- ( Mateo 1:21)

Tandaan natin na ang lahat ng nagkakasala ay nangangailangan ng TAGAPAGLIGTAS Kaya mali rin ang aral Katoliko na si Maria ay Co-Redemptrix ( Kasamang Manunubos) dahil hindi TAGAPAGLIGTAS o MANUNUBOS  si Maria siya  ay  tao rin na nangangailangan ng tagapagligtas na magliligtas sa kanya sa kanyang kasalanan.

Bakit nga ba tinawag na Coredemptrix si Maria?

 "The way of salvation is open to none otherwise than through Mary, and since our salvation is in the hands of Mary . . . he who is protected by Mary will be saved, he who is not will be lost”

----- (The Glories of Mary pp. 169-170)

-------

 " Mary is the gate to heaven. “Mary is called…the gate of heaven because no one can enter that blessed kingdom without passing through her."

----- (The Glories of Mary pp. 160)

--------

Ang Panginoong  Diyos ang siyang Manunubos!

 "Ang aming Manunubos, ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel. -- ( Isaias 47:4 )

 " At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos. -- ( Mga Awit 78:35 )

--------

At tayo ay tinubos ni Kristo sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo na kapatawaran ng ating mga kasalanan siya ang Panginoon na manunubos ?

 "Na sa kaniya'y (Cristo) mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,..."Dahil dito ako rin naman, pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal. -- ( Efeso 1:7,15 )

---------

Aral ba ng Iglesia Katolika na si Maria ay Manunubos o Co Redemptrix  ito ang kanilang pag amin sa kanilang aklat:

 "Mary’s role in actively consenting to and cooperating in her Son’s redemptive act makes her Coredemptrix ."

----- ( Theological Foundations II p. 33-37 )

Hindi katuroan ng Biblia na si Maria ay "Coredemptrix " o kasamang manunubos dahil ang manunubos ay ang Panginoon.

Comments

Popular Posts