MARAPAT BA KAY MARIA ANG TITULO NA INA NG DIYOS


 Marapat ba kay Maria ang titulo na Ina ng Diyos?

Kasi kung nasa karapatan ito Maria na tawaging Ina ng Diyos dapat tinawag siya sa loob ng Bibliya na Ina ng Diyos.Pero bakit hindi ito binanggit ng mga Apostol ni Kristo kung talagang tinawag na ina ng Diyos si Maria.

Ngayon pag aralan natin ang usapin ukol dito paano ba itinaas ng Iglesia Katolika si Maria at bakit siya tinawag na ina ng Diyos?



Bakit nga ba tinawag si Maria na ina ng Diyos:

Ito ang ating mababasa sa isang aklat Katoliko na ang pamagat:



"Ang aking Birhen Maria ang Tagapamagitan ,na inihanda ni B. Flores at R. Alejandro sa pahina ,57-60,63 

“Palakasin mo Birhen ko ang aking katawan at kaluluwa sa ikakikilala sa kapangyarihan mong walang hanggan, paglingkuran ka ng tapat at sundin ang iyong mga utos,luwalhatiin ang iyong pangalan at biyaya, ibigin ka nang boong ningas sa aking puso, sambahin ka at tuwinay alalahanin. Sapagkat IKAW ANG DIYOS NG AWA , ang aking pag asa, ang aking tungkod, ang aking lakas at ang buhay.”…."Ang aking mga kapatid at ang kapwa ko tao na iyong mga nilikha. Mahabag ka, Ina ko, dito sa inyo, na nagnanasang ikaw ay sambahin,igalang at purihin nang boong pag-ibig sa lahat ng bagay, sapagka’t Diyos kang maawain at Makapangyarihan sa lahat.”

Dito maliwanag na itinaas ng Iglesia Katolika si Maria sa karangalan bilang diyos ng Awa na maawain at Makapagyarihan sa lahat na dapat sambahin kaya tinawag rin siyang Ina ng Diyos dahil siya ay nasa kalagayan ng pagiging diyos ng Awa.





Bakit naging diyos ng Awa si Maria sa Iglesia Katolika?

Ito paliwanag ng kanilang aklat na isinulat ni Louis de Montfort :

“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin , they mean that the authority which God was pleased to give her is so great that she seems to have the same power as God.
--- (True Devotion to the Blesed Virgin Mary p.17)

Nag bago ng anyo sa pagiging diyos si Maria ayon sa paliwanag ng aklat Katoliko na anopat maging ang Diyos nagpasa ilalim sa kanya.





Gaano ba ka Makapangyarihan sa lahat itong Maria na itinaas ng Iglesia Katolika bilang diyos ng Awa?

"All power is given to thee in Heaven and on earth, so that at the command of Mary all obey even God . . . and thus . . . God has placed the whole Church . . . under the dominion of Mary” --- (The Glories of Mary p. 180-181)

----

“ …. That the length of her power, which she exercises even over God Himself”--- ( True Devotion to the Blesed Virgin Mary, 
p.6 )

-----

“ St. Bernaredine of Siena declares that all obey Mary’s commands, even God Himself” ---(Glories and Virtues of Mary, p. 177)

----

“ I will say plainly that I had rather believed(which is impossible) that there is no God at all, than that Mary is greater than God”--- ( The Book of Catholic Quotations, p.101)

----

"Moreover , if, as I have said ,the Holy Virgin is the Queen and Sovereign of heaven and earth , has she not then as many subjects and slaves as there are creatures ? St. Anselmo ,, St. Bernard , St.Bernadine , St Bonaventure say,… behold all things , and God included , are subject to the Empire of the Virgin.”--- ( True Devotion to the Blessed Virgin Mary p.55)

Itinaas ng Iglesia Katolika si Maria sa kalagayan ng pagiging diyos na higit na makapangyarihan kay sa Diyos na kahit ang Diyos ay nagpapasa ilalim sa kanyang mga utos .Aba ito ay isang maliwanag na pamumusong sa Diyos.Kaya pala ganun na lang ang mataas na debosyon at pagpaparangal ng Iglesia Katolika kay Maria.

Ang pagtaas ng Iglesia Katolika kay Maria sa kalagayan ng pagiging diyos ay tahasang paglabag sa unang utos ng Panginoon na huwag magkaroon ng ibang mga diyos sa harap niya :

"Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.-- ( Exodo 50:3 )

------

Ngayon ipag kumpara natin itong Maria na ipinapakilala ng Iglesia Katolika sa Maria na ipinakilala ng Banal na Kasulatan?

Paano ba ipinakilala ng Banal na Kasulatan si Maria?

"At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng KANYANG ALIPIN . Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.-- ( Lucas 1:46-48 )

Alipin ng Diyos ang pakilala ni Maria sa kanyang sarili hindi siya nagpakilala sa kanyang sarili na mataas siya kay sa Diyos inaari niya ang kanyang sarili na alipin na handang sumunod sa kalooban ng Diyos.

"At sinabi ni Maria, Narito, ANG ALIPIN NG PANGINOON; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.-- ( Lucas 1:38 )

Ipinayo ni Maria ang pagsunod sa mga sinabi ni Hesus.


------

" Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin. -- (Juan 2 :5 )

----

At ang ALIPIN ay hindi dakila sa kanyang Panginoon?

"Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din. -- ( Juan 15:20 )

Ngayon marapat ba na tawagin si Maria na INA NG DIYOS ?

Hindi po !

Sapagkat ang Diyos ay hindi anak ng tao.

"Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa? -- ( Mga Bilang 23:19 )

Ang pinanganak ni Maria ay ang katawang laman o ang katawang tao hindi ang pagka Diyos ng Anak ng Diyos na nasa kalagayang espiritu?

" At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. -- ( Juan 1:14 )

Hindi naman pwedi ipapanganak ng tao ang Diyos na buhat sa walang hanggan ay umiiral na ang pinanganak ni Maria ay ang katawang laman na inihanda ng Diyos sa pamamagitan niya.-- ( Hebreo 10:5 ) 

"Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. -- ( Mga Awit 90:2 )

Kaya nga katawan laman ni Kristo tinawag ito na Anak ng tao :

" Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang ANAK NG TAO ? -- ( Mateo 16:13 )

Kaya mali na tawagin si Maria sa titulo na INA NG DIYOS dahil ang Diyos ay hindi ipinanganak at hindi anak ng tao.

----

Ito ang tawag ni Kristo sa kanyang ina sa laman?

tinawag niya ito na "BABAE "

"At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus:At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalanAt nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak.At sinabi sa kaniya ni Jesus, BABAE, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating.-- ( Juan 2:1-4 )

Na kahulugan nito " sa lalake siya kinuha"

At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y TATAWAGING BABAE ,SAPAGKAT SA LALAKE SIYA KINUHA.--- ( Genesis 2:13 )

-----

Ngayon totoo ba ang Diyos ay nagpapasa ilalim sa kapangyarihan ng tao at si Maria ay mas dakila sa kanya?

Ito ang tugon ng Banal na Kasulatan:

" Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa. 
---- ( Deuteronomio 4:39 )

At walang may nakikilalang iba o malaking bato ang Diyos liban sa kanya:

"Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. -- ( Isaias 44:8 )

“At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka’t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t saling lahi;At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?— (Daniel 4:34 -35 )


-----

Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako’y gagawa, at sinong pipigil? — ( Isaias 43:13 )

-----

Ang Diyos ang naghahari sa langit sa itaas at siya rin ang nagpupuno sa boung lupa at hindi si Maria.

"Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit; ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. -- ( Mga Awit 103:19 )


----


" Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari. -- ( 1 Mga Cronica 16:31 )

-----

Ang Kalooban ng Diyos ang nasusunod sa langit at sa lupa hindi ang kalooban ni Maria?

"Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.-- ( Mateo 6:10 )

----

At hindi kay Maria ibinigay ang kapangyarihan at ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa kundi sa ating Panginoong Hesu Kristo?

"At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. --- ( Mateo 28:19 )


-----

"Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay. --- (Juan 3:35 )

Dakila ang Diyos sa kay Maria o sa sinomang tao?

" Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao. --- ( Job 33:12)

-------

Job 4:17

 " Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?




Comments

Popular Posts