MARIA INAKYAT NGA BA SA LANGIT KATAWAN AT KALULUWA
Inakyat nga ba si Maria sa langit katawan at Kaluluwa?
Ito ang nakasulat sa aklat Katoliko na-- Catechism of the Catholic Church ,Number 966
"Finally the Immaculate Virgin, preserved free from all stain of original sin, when the course of her earthly life was finished, was taken up body and soul into heavenly glory, and exalted by the Lord as Queen over all things,.."
Ayon sa kanilang aklat ng mamatay si Maria ay inakyat siya sa langit kaluluwa at katawan at itinaas na Reina sa lahat ng mga bagay
Kaya sa Iglesia Katolika si Maria ay tinawag na Reina ng langit ( Queen of Heaven)
" Pope Pius XII effectively summarized the core reasons Catholic ought to honor Mary with the title of Queen of Heaven "
---- ( Dictionary of Mary. New York: Catholic Book Publishing Co. pp. 283–284 by John Otto )
-----
Ang Reina ng langit na ikinapit ng Iglesia Katolika kay Maria :
Ay pagdakila sa isang diyos-diyusan na tinatawag na REINA NG LANGIT !
"Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy, at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy, at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa, upang igawa ng mga tinapay ang REINA NG LANGIT , at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios, upang kanilang mungkahiin ako sa galit. --- ( Jeremias 7:18)
"Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi, Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin. Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa REINA NG LANGIT, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom. At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa REINA NG LANGIT at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?-- ( Jeremias 44:15-19)
------
Ito ang sabi ng ating Panginoong Hesu Kristo kung sino ang umakyat sa langit :
"At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.-- ( Juan 3:13)
Kaya maliwanag na walang may umakyat sa langit kundi ang nanggaling sa langit samakatuwid ang ANAK NG TAO na nasa langit .
Ngayon Bakit hindi pwedi iakyat sa langit si Maria ng namatay ito ?
"Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.-- ( Filipos 3:20-21 )
Kasi ang pag aakyat sa langit magaganap sa muling pagpaparito ng ating panginoong Hesu Kristo na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa upang maging katulad ng kaniyang kaluwalhatian at ang pag-akyat sa mga banal magaganap ito sa muling pagparito ni Hesus.
"Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.-- ( 1 Tesalonica 4:15-17 )
Kaya magaganap ito sa muling pagkabuhay ng mga patay sa tinatawag PAG-AGAW o RAPTURE sapagkat sabi ng Apostol Pablo tayong mga mangabubuhay na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon ay hindi tayo mangauuna sa kanila sa anomang paraan sa nangamamatay.
"At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako, Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin.-- ( Hebreo 11:39-40 )
Kaya ang pag- akyat sa langit ay sabay-sabay hindi pwedi mauna ang namatay na sa mga nangabubuhay na datnan ng ating Panginoon at magaganap ito tulad ng ipinangako ng Panginoon sa kanyang mga unang alagad sa kanyang pagbabalik o pagparito.
" Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. -- ( Juan 14:2-3 )
-----
Ngayon pwedi ba IAKYAT sa langit si Maria na katawan at kaluluwa KAHIT hindi pa dumating ang muling pagparito ng PANGINOON na kung saan sa panahon na yan BABAGUHIN niya ang ating katawan ng katulad ng kanyang kaluwalhatian?
" Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.-- ( 1 Corinto 15:50)
Ang katawan at kaluluwa ni Maria laman at dugo ito hindi pwedi IAKYAT SI MARIA sa langit dahil ang laman at dugo hindi magmamana ng kaharian ng langit hanggang hindi ito NAPAPALITAN ng katulad sa kaluwalhatian ng PANGINOON.
Ngayon Ano ang NANGYARI kay Maria ng mamatay ito INAKYAT ba siya sa LANGIT na katawan at Kaluluwa?
Ito ang sabi ng Biblia :
At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang espiritu ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya. -- ( Eclesiastes 12:7 )
Ang katawan at kaluluwa ni Maria ng mamatay ito ay NAUWI ito sa ALABOK NG LUPA .( Genesis 3:19) at ang kanyang espiritu bumalik sa Dios na nagbigay nito.
At ang kaluluwa ay didikit sa alabok kasama ng katawan na mauuwi sa alabok:
⏩ "Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. -- ( Mga Awit 119:25 )
Ngayon ang tanong?
Umakyat naba si Maria sa langit katawan at kaluluwa! HINDI pa ang katawan at kaluluwa ni Maria hanggang ngayon ay nanatili sa libingan at naghihintay ng muling pagkabuhay ng mga ganap sa muling pagparito ng Panginoon at duon pa lang magaganap ang pag akyat sa kanya sa langit kasama ng mga ganap.
"At magiging mapalad ka:sapagkat wala silang sukat ikagaganti sa iyo ;sapagkat gagantihan sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap.-- (Lucas 14:14)
Kaya ang paniniwala na inakyat sa langit si Maria na katawan at kaluluwa ito ay kathang isip lamang ng Iglesia Katolika na walang may matibay na batayan sa loob ng Biblia na ikinatha lang ni POPE PIUS XII bilang dogma ng simbahan nuong 1950.
" In 1950, Pope Pius XII defined Mary's Assumption into Heaven as a dogma of Roman Catholicism: "the Immaculate Mother of God, the ever Virgin Mary, having completed the course of her earthly life, was assumed body and soul into heaven."
--- ( Encyclopedia of Catholicism by Frank K. Flinn, J. Gordon Melton pp. 267)
--------
Kung hindi si Maria ang inakyat sa langit sino ang Umakyat ?
"At sinabi mo sa iyong sarili ako'y sasampa sa LANGIT aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituiin ng Dios, at akoy uupo sa bundok ng kapisanan .sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan .ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap akoy magiging gaya ng Kataastaasan.-- (Isaias 14:13-14)
Si LUCEFER o Satanas ang UMAKYAT sa langit siya rin ang nagmamanhik manaog sa langit at lupa -- ( Job 1:7 ) at nag aapparation sa mga deboto niya!
Ito ang sabi ng Panginoon:
"Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa LANGIT at ang kaniyang ULO ay Umaabot hanggang sa mga ALAPAAP gayon may matutunaw siya magpakailanman.na gaya ng kaniyang dumi silang nangakikita sa kaniya ay mangagsasabi nasaan siya.-- (Job 20:6-7)
Comments
Post a Comment