NAMAMANA NGA BA ANG KASALANAN


 Namamana nga ba ang Kasalanan?

Ayon sa aral ng Iglesia Katolika ang kasalanan ng unang magulang ay namana ng mga anak samakatuwid baga'y ang kasalanan na ipinagkasala ni Adam.

At ang kasalanan namana ay ang tinatawag nilang " Original sin"

"Original sin may be taken to mean: the sin that Adam committed"

Sa paliwanag ng isang santong Katolko na si Augustino kung ano ang tinatawag na "Original sin " Ito ang kanyang pahayag :

St. Augustine’s statement: 

“The deliberate sin of the First man is the cause of original sin”

----- ( De Nuptiis Et Concupiscentia,II, xxvi, pp.43)

-------

At ayon pa sa aral Katoliko ang Original sin ay namana ng boung sangkatauhan mula kay Adam sa pamamagitan ng kanyang pagsuway sa utos ng Diyos:

" Original Sin is the sin inherited by all humankind from Adam in his disobedience of God’s command not to eat from the fruit of the Tree of Knowledge.

-------

" How did the sin of Adam become the sin of all his descendants? The whole human race is in Adam "as one body of one man"By this "unity of the human race" all men are implicated in Adam's sin..." 

---- ( Catheism of the Catholic Church :Paragraph 7,Number 404 )

-------

Ano ang Katotohanan ukol dito namana nga ba ang kasalanan na ipinagkasala ni Adam?

Una alamin natin ano ang Kasalanan?

"Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan. --- ( 1 Juan 3:4 )

Ayon sa Biblia ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan samakatuwid ito ay pagsuway sa utos ng Diyos.

Ano ba ang utos ng Diyos ng Diyos na sinuway ni Adam:

Ito ang utos na sinuway niya :

" At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.-- ( Genesis 2:16-17)

Inutos ng Diyos kay Adam na huwag siyang kakain ng bunga ng punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at ng masama ito ang sinuway ni Adam sapagkain kumain siya nito at ang kanyang asawa.- ( Genesis 3:6,17 )

Samakatuwid ang pagkain nila ng bunga ng punong kahoy na ipinag bawal ng Diyos na kainin ito ang "Original Sin"

Nakakita naba kayo ng sanggol na pagka panganak niya may nginunguya na siya na bunga ng punog kahoy sa pagkakilala ng mabuti at ng masama sa kanyang bunganga para maging kasalanan ng bagong panganak na sanggol ang kasalanan na hindi niya naman ginawa pero ito ang katuroan sa Iglesia Katolika na ang kasalanan ni adam ay namamana ng isang bagong panganak na sanggol kaya sa kanila kailangan binyagan ang sanggol para mapatawad ang sanggol sa kasalanan namana niya kay adam.

Ito ang pahayag ng Iglesia Katolika kung bakit nila binibinyagan ang sanggol:

"The washing away of original sin is a good and necessary thing. The joining of the infant to the body of Christ, the Church, is a good and necessary thing..."When you explain infant baptism in the context of original sin and sacramental baptism—of being born into a state of original sin and being born again into a state of grace—you make a very powerful argument on behalf of the Church’s teachings in this area."

-----

Ngayon ang ganitong Katuroan ay taliwas sa Banal na Kasulatan sapagkat ang isa sa katangian ng Diyos ay matuwid na Hukom.

"Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. -- ( Mga Awit 7:11 )

At walang kasamaan sa kanya:

"...Sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol. -- ( 2 Mga Cronica 19:7 ) 

Ngayon dahil matuwid na hukom ang Diyos pumapayag ba ang Diyos na ang kasalanan ng Ama ay maging kasalanan ng mga anak.

Ito ang sabi ng Panginoon:

"Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. --- ( Ezekiel 18:20 )

------

"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. -- ( Deuteronomio 24:16 ) 

-------

" Nguni't hindi niya pinatay ang kanilang mga anak, kundi gumawa ng ayon sa nakasulat sa kautusan sa aklat ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, ang mga ama ay hindi mangamamatay ng dahil sa mga anak, ni ang mga anak man ay nangamamatay ng dahil sa ama: kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.-- ( Mga Cronica 25: 4 )

Kaya hindi totoo na ang kasalanan ni Adam ay minana ng kanyang mga mga binhi sapagkat ang Diyos ang nagsabi na ang kaluluwang nagkakasala ay mamatay ang anak ay hindi magdaranas ng kasamaan ng Ama o ang Ama man ay magdaranas ng kasamaan ng anak, ang anak ay hindi papatayin dahil sa kasalanan ng magulang o ang magulang man dahil sa kasalanan ng anak kundi ang bawat tao ay mamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

-----

Ang bawat tao hahatolan ng Diyos ayon sa kaniyang sariling kasalanan na ginawa hindi ka hahatolan ng Diyos sa kasalanan na ginawa ni Adam:

" Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa. --- ( Mateo 26:27 )

-----

" At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. --- (Apocalipsis 20:13 )


-----

" Ngunit Bawat isa ay mamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan..."(Jeremias 31:30) Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa, -- ( Jeremias 32:19 )

------

Ano sabi ng Panginoon:Totoo ba ang Kasalanan ay namamana mula sa magulang:

"At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad na nangagsasabi Rabi ,Sino ang NAGKASALA ang taong ito o ang kaniyang mga magulang upang ipanganak na bulag sumagot si Jesus "HINDI dahil sa ang taong ito'y NAGKASALA ni ang kaniyang mga magulang man kundi upang mahayag sa kaniya ang GAWA ng DIOS.--- (Juan 9:2-3)

-------------

Kaya nga sa Bibliya ang mga sanggol na nasa sinapupunan tinatawag ito na mga walang salang dugo "INNOCENT BLOOD "-- ( Kawikaan 6:17 ) dahil wala pa silang BAHID NG KASALANAN.


----

Taga LANGIT ang mga bata o mga sanggol wala silang minana na kasalanan mula sa kasalanan:

" Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad. Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.--- ( Mateo 19:13-14 ) 

-----

"Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:--- ( Mateo 18:1-5 )

------

Nilikha ng DIYOS ang tao na MATUWID !

Hindi niya nilikha ito na Pinamanahan ng KASALANAN NI ADAM : LAHAT NG SANGGOL NA IPINAPAPANGANAK AY PINAPAGING BANAL NG DIYOS !

"Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.--- (Eclesiastes 7:29)


-------

" Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; ..." --- ( Jeremias 1:4-5 )

--------

Ang nangyari sa tao nung magkasala si ADAM NADAMAY ang kanyang MGA BINHI hindi ng KASALANAN kundi ng EPIKTO NA IDINULOT NG KASALANAN :

At ito ay ang KAMATAYAN at PAGDURUSA NA MAY PAGHIHIRAP lahat ng tao na ipapanganak sa mundo makakaranas nito kaya ang tao nadamay sa epikto na idinulot ng pagsuway ni Adam.

"Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala: .. ."Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa;..." --- ( Roma 5:12,18 )


------

" Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon. -- ( Roma 8:22 )

Ang kasalanan ni ADAM sariling kasalanan niya iyon na ipagsusulit niya sa harap ng Diyos nadamay lang tayo sa naging EPIKTO na Idinulot ng kanyang nagawang kasalanan.

Isinumpa ang lupa at maging ang ikabubuhay ng tao ng mahulog ang unang tao sa pagkakasala :

"At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.-- ( Genesis 3:17-19 )

At sa babae pararamihin ang kanyang kalumbayan at siya ay manganganak ng may kahirapan:

" Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.-- ( Genesis 3:16 )

------

Alin ang namamana sa magulang kasalanan ba?

"Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon. -- ( Kawikaan 19:14 )

Comments

Popular Posts