PAGSAMBA SA MGA RELIKYA AT SA KRUS


Pagsamba sa relikya at sa Krus inutos ba ng Diyos ?

"To venerate the relics of the saints is a profession of belief in several doctrines of the Catholic faith:


Ano nga ba ang relikya:

Relic-a part of a deceased holy person's body or belongings kept as an object of reverence.

Pinapasamba sa Iglesia Katolika ang mga relikya ng mga santo :

Ito ang patotoo ng kanilang aklat :

“Is the worship of the saints confined to their persons?”No ;it extends also to thier relics and IMAGES.”

—-- (A Catechism of Christian Doctrine :#3,p.87,Q. 13 )

Ang pagsamba sa mga santo ay tumatagos ito sa pagsamba sa kanilang mga relikya kung ang relics ng isang santo ay isang arinola sasambahin ng mga Katoliko ang arinola at kung ito ay kabaong sasamba sila sa isang kabaong na relikya ng isang santo:

Ganito ka weirdo ang aral ng Iglesia Katolika sa pagsamba sa mga relikya ng mga santo:

Ang mga relikya na iniingatan sa Iglesia Katolika para sa pagsamba ng mga katoliko:

 The head of St. Catherine of Siena was placed in a reliquary in the Basilica of St. Dominic in Siena, where it can still be venerated today, along with her thumb. Her body remains in Rome, her foot is venerated in Venice.From the Shroud of Turin, or the finger of St. Thomas, to the miraculous blood of St. Januarius, or the brain of St. John Bosco, the Catholic Church keeps and venerates many curious but nevertheless holy artifacts, known as relics, from Jesus and the saints.

Paano pinaparangalan ng mga Katoliko ang mga relikya ng mga banal :

Mateo 23:29  "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,




Ano ang sabi ng Biblia ukol dito:

Kawikaan 20:25 " Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, BANAL NGA, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata. -- 

Ano ang sabi ng Panginoon :

Lucas 16:15"At sinabi niya sa kanila ,kayo ang nagsisiaring ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao ;datapuwat nakikilala ng Dios ang inyong puso ,sapagkat ang DINADAKILA ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Panginoon.-

------

Deuteronomio 7:26 "At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon :iyong lubos na kapootan at iyong lubos na kasuklaman sapagkat itinalagang bagay.---

------

Jeremias  8:1-2 "Sa panahong yaon ,sabi ng Panginoon ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari,sa juda at mga buto ng kanyang mga prinsipe ,at ng mga buto ng mga SASERDOTE ,at ng mga buto ng mga PROPETA ,at ang mga buto ng mga nanahan sa jerusalem,mula sa kanilang mga libingan .at kanilang ikakalat sa liwanag ng araw at ng buwan ,at ng lahat na kanilang inibig ,at kanilang pinaglingkuran at siya nilang sinundan ,at siyang kanilang hinanap at siyang kanilang SINAMBA ,hindi mangapipisan o mangalilibing man siya 'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.-- 

-------

Ano ang ginawa ng lingkod ng Diyo sa sa mga relikya na mga buto ng mga pari?

Pinasunog ito hindi sinamba:

2 Chronicav34:5  " At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem. -

----

Ano ang sabi ng Apostol Pablo sa mga sumasamba sa relikya:

Roma 1:25 " Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.---

----

2 Mga Hari 17:14-15 "Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios. At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.-- 

----

Makapagliligtas ba itong mga relikya ng mga santo sa araw ng paghuhukom?

Zephanias 1:18 " Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. -- 

Si Cristo ang inilagay na pinagsasaligan hindi dapat nakasalig ang tiwala ng tao sa isang relikya ng mga santo na ginto ,pilak ,mahalagang bato ,kahoy o tuyong dayami.

1 Corinto 3:11-13 " Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus.Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami; Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon. 

-------



Ang KAHOY NA KRUS na sinasamba sa Iglesia Katolika:

Veneration of the Cross. Many Roman Catholic churches practice a devotion known as the Veneration of the Cross on Good Friday.

Ito ang sabi ng kanilang aklat :


Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito Sinasamba kita,” 

----- ( Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 , 82 )

------

Pagsamba sa Kahoy:

Hosea 4:12 "My people consult a WOODEN IDOL, and a diviner's rod speaks to them. A spirit of prostitution leads them astray; they are unfaithful to their God.--

Pagsamba sa Krus na gawa sa kahoy at bato !


Deuteronomio 28:64  "At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato. --- 

----

  Jeremias 10:3-4 " Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos.-- 

----

Isaias 44:14-15 "Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. -- 

--------



Sinasamba ng Iglesia Katolika ang krus na kinasangkapan ng mga kaaway para patayin ang Kristo?

Mateo 27:22-23" Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus. At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.-- 

Kung pinatay kaya si Kristo sa selya elektrika gagawa din kaya ang Iglesia Katolika ng larawan na kamukha ng selya Elektrika at luluhuran at sasambahin.

------




INCA CHACANA CROSS

Ang pagsamba sa krus ay hango sa pagsambang pagano ang mga pagano sa Egipto gumagamit ng krus tinatawag nila itong " ANKH CROSS " at mga paganong INCA sa sinaunang Amerika ay gumagamit rin ng krus na tinatawag na CHACANA CROSS" na mga ito ay SIMBOLO ng kanilang mga dios .




"The ancient pagans Egyptian hieroglyphic symbol of life -- the ankh, a tau cross surmounted by a loop and known as crux ansata -- was adopted and extensively used on Coptic Christian monuments." 

---- (The New Encyclopedia Britannica, 15th edition, 1995, volume 3, page 753)

---------


 
 EGYPTIAN ANKH CROSS

" From the most remote antiquity the cross was venerated in Egypt and Syria; it was held in equal honour by the Buddhists of the East; and, what is still more extraordinary, when the Spaniards first visited America, the well-known sign was found among the objects of worship in the idol temples of Anahuac. It is also remarkable that, about the commencement of our era, the pagans were wont to make the sign of a cross upon the forehead in the celebration of some of their sacred mysteries.”

---- ( The Ancient Church by W. D. Killen, page 316)



 
 Krus ni Tammuz -


" frankly calls the cross "this Pagan symbol ... the Tau, the sign of the cross, the indisputable sign of Tammuz, the false Messiah ... the mystic Tau of the Cladeans (Babylonians) and Egyptians - the true original form of the letter T the initial of the name of Tammuz ... the Babylonian cross was the recognized emblem of Tammuz." 

----- ( The Two Babylons, by Rev.Alexander Hislop , pp. 197-205 )


Comments

Popular Posts