PANANALANGIN SA MGA ANGHEL
Ang Iglesia Katolika ay hindi lamang sa mga banal na tao na namatay nanalangin kundi nanalangin din sila sa mga anghel kaya mayroon pagdarasal at debosyon na inuukol ang mga Katoliko sa mga Anghel nandyan ang pananalangin na inuukol kay san Miguel Arkanghel at sa iba pang mga anghel:
Pananalangin kay Miguel Arkanghel:
"The Prayer to Saint Michael usually refers to one specific Catholic prayer to Michael the Archangel. --- ( Ephemerides Liturgicae : V. LXIX, page, 54–60 )
-------
Ngayon ang ganito ba na paniniwala ay kasang ayon sa Banal na Kasulatan ,ang mga lingkod ba ng Diyos ay nanalangin sa mga anghel :
Pananalangin sa anghel:
"Angel of God" is a Roman Catholic traditional prayer for the intercession of the guardian angel, often taught to young children as the first prayer learned. It serves as a reminder of God's love, and by enjoining the guardian angel to support the child in a loving way, the prayer echoes God's abiding love.
--- ( Fox, Robert J. (2004). Prayer Book for Young Catholics. p. 102 )
------
Kanino ba dapat mananalangin
Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:
⏩ Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. -- ( Filipos 4:6 )
Kanino tayo mananalangin maliwanag ang utos sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilalanatin ating mga kahilingan sa DIOS !
Sa Dios nauukol ang lahat ng pananalangin hindi inutos na iukol natin ito sa isang anghel
Kaya wala tayong may mababasa sa Biblia na apostol ni Cristo na nanalangin sa mga anghel at walang Propeta ng Diyos sa lumang tipan na sumangguni ng kanyang panalangin sa mga anghel dahil ang pananalangin ay inuukol sa Diyos at hindi sa anghel:
👉 Ang pananalangin sa anghel ay isang uri ng pakikipagsanggunian sa masamang espiritu sapagkat ang anghel ay isang espiritu:
At may uri ng anghel na masamang uri ng espiritu :ang pananalangin sa kanila ay pagmumungkahi sa galit ng Diyos:
⏩ "At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit. -- ( 2 Mga Hari 21:6 ).
Ngayon bukod sa pananalangin sa mga anghel mayroon pang debosyon ang mga Katoliko sa mga anghel:Ito ang pagsamba sa mga anghel:
Ayon kay Apostol Pablo:
⏩ "Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman, -- ( Colosas 2:18 )
Ang sabi ni Apostol Pablo ang sinoman ay huwag manakawan ng ganting pala sa inyo sa pamamagitan ng pagpapakababa ito ang tinatawag na penance at Vow of Poverty na ginagawa sa Iglesia Katolika at pagsamba sa mga anghel na isang uri ng pagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan kaniyang akala na nauukol sa laman.
Ngayon pumapayag ba ang mga anghel ng Diyos na sila ay sambahin:
Ito ang sagot :
⏩ "At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.-- ( Apocalipsis 22:8-9 )
Maliwang sa akto na sasambahin ni Juan ang anghel sinabi ng anghel kay Apostol Juan huwag mong gawin iyan sapagkat ako ay kapuwa mo alipin sumamba ka sa DIOS.
Ang tunay na anghel ng Dios ang itinuturo nila na sambahin ay ang DIOS hindi ang mga kagaya nila.
Kung may anghel na nagpapasamba ito ay hindi anghel ng Diyos kundi anghel ni satanas sapagkat si satanas man ay isang uri ng anghel na kerubin na nagnanasa na siya ay sambahin:
⏩ Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.-- ( Mateo 4:8-10 )
Comments
Post a Comment