REBULTO AT IMAHEN NG KATOLIKO PASADO SA PAGIGING DIOSDIOSAN


 REBULTO AT IMAHEN NG KATOLIKO PASADO SA PAGIGING DIOSDIOSAN

Pasado ba sa Pagiging Diosdiosan ang mga rebulto at Imahen ng Iglesia Katolika?

Ito ngayon ang ating pagusapan sa awa at tulong ng Dios hindi lingid sa ating mga kababayan na ang iglesia katolika ay may iiniingatan na mga larawang inanyuan na kung saan may marubdob silang pagpapahalaga sa mga ito.Bakit natin nasasabi na ang paglilingkod at mataas na debosyon ng iglesia katolika sa mga Imahen at mga rebulto na kumakatawan sa kanilang tinatawag na "mga santo" ay isang anyo ng pagsamba sa diosdiosan .

Una Inaamin mismo ng Iglesia katolika na ang mga katoliko ay pinapasamba sa mga tinatawag nilang mga santo o santa.

"What is SAINT?"A saint ...is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful..."Is the WORSHIP OF THE SAINTS confined to thier persons?""No ,it extends also to their RELICS and IMAGES"---- ( A Catchism of Christian Doctrine: #3 ,p.86- 87, Q. 10,13)

Ano daw ang mga santo?
ito ang mga tao na nasa langit na at ipinapakilala sila para sa isang pangmadla pagsamba ng mga tapat na katoliko at ang pagsamba sa kanila hindi lamang nauukol sa kanilang pagka tao kundi dumudugtong din ang pagsamba sa kanila sa kanilang mga relikya ito ang mga kagamitan na ginamit ng mga santo nung buhay pa sila sa lupa at maging sa kanilang mga imahen.

Ngayon alam na natin na pinasasamba ang "mga santo "sa iglesia katolika ?

Ang tanung natin sino ba ang marapat na sambahin?

Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:

" Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. -- ( Mga Awit 95:6 )

Sino ang dapat sambahin maliwanag ang sagot ng Banal na kasulatan tayo ay sasamba sa Panginoon na may lalang sa atin.

Ano ang patunay na Panginoon tayo dapat sumamba at siya lamang ang ating paglingkuran ito ang patotoo ng ating Panginoon:

"Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus,Humayo ka satanas :sapagkat nasusulat sa PANGINOON mong DIOS sasamba ka,at siya Lamang ang iyong PAGLINGKURAN.(Mateo 4:10 )

Kaya sa Diyos tayo dapat sasamba at hindi sa mga santo o kay Maria o sa mga imahen o mga rebulto nila.

Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan ukol sa pagsamba sa nilalang?

"Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang..." Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.--- (Roma 1:21-23)

Ano ang ginawa ng Iglesia Katolika pinalitan nila ang Katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa lumalang pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira .Kaya larawan ng tao na nasisira ang sinamba at pinaglingkuran ng Iglesia Katolika at inutos na sambahin sa isang pangmadlang pagsamba.

"Naguunat ang aluwagi ng isang pising panukat kaniyang tinandaan ng lapis ,kaniyang INANYUAN sa pamamagitan ng katam,at kaniyang tinandaan ng mga kompas at INAANYUAN ng ayon sa ANYO NG TAO ayon sa KAGANDAHAN ng TAO ,upang tumahan sa bahay.--- (Isaias 44:13)

------

"Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak na aking ibinigay sa iyo at ginawa mo sa iyo ng mga LARAWAN NG MGA TAO ,at iyong ipinagpatututot.---- (Ezekiel 16:17)

-----

Diba totoo naman ito na pinupugay at pinaparangalan sa loob ng simbahang Katoliko para sa isang pang madlang pagsamba ay ang mga larawan ng mga tao na tinatawag nilang mga santo o santa o di kaya larawan ni Maria.

Ngayon anong uri ng larawan ng tao ito ang kanilang sinamba at pinaglingkuran?

Basa:

"Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,--- ( Deuteronomio 4:16 )

Anong uri ng larawan ng tao ! Aba larawang inanyuan na kahawig ng lalake at babae ,tignan niyo ano mga imahen o rebulto ang ating makikita sa loob ng Simbahang Katoliko diba mga larawan ng tao na nasisira na tinatawag nilang mga santo at mga santa at imahen ni Maria .

--------

Ang tanong?
Mga diyos ba itong mga santo at santa na sinasamba sa Iglesia Katolika ?

"Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios: -- ( Galacia 4:8 )

Hindi naman pala mga dios sa katutubo ang mga ito pero pinasasamba ng Iglesia Katolika sa mga tapat na katoliko.

Gaano ba ito karami?

"Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda. --- ( Jeremias 2:28 )

Ayon kay Propeta Jeremias ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang dami ng kanilang mga dios kaya hindi nakapagtataka na sa bawat bayan o nasa bawat bansa may patron na santa o santo na inilalagay ang Iglesia Katolika.

Dito lang sa pilipinas halos lahat ng bayan may patron na santo at santa na ipinagdiriwang ang kanilang mga kapistahan.

----------

Ngayon Ano ang pagkahahalintulad ng mga diosdiosan ng mga pagano sa mga imahen at mga rebulto ng Iglesia Katolika?

Una ang isang diosdiosan ay isang larawang inanyuan:

"Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.--- ( Isaias 42:8 )

Ang mga Imahen at rebulto ba ng Iglesia Katolika larawang inanyuan aba pasuk na pasuk ang mga ito sa diosdiosan.

----------

Ang mga diosdiosan ay larawang inanyuan na gawa ng kamay at katalinuhan ng tao :

"Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.-- ( Mga Awit 115:4 )

Ang tanong ang mga imahen at mga rebulto ng Iglesia Katolika gawa ba ng mga kamay ng tao siguro payag kayo gawa nga ang mga ito ng mga kamay ng tao kaya pasok na pasok sa pagiging diosdiosan.

-------------

Ang isang diosdiosan ay isang larawang inanyuan na niyuyukuran at pinaglilingkuran:

"Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; --- ( Exudo 20:5 )

Ang ang Imahen o ang mga rebulto ba ng Iglesia Katolika niyuyukuran at pinaglilingkuran pasok na pasok ito sa pagiging diosdiosan makikita naman natin na ang mga katoliko ay yumuyukod at naglilingkod sa kanilang mga imahen at mga rebulto.

At ang pagyukod ay isang anyo ng pagsamba:

"Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at MAGSIYUKOD magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. -- ( Mga Awit 95:6 )

Ayon sa aklat Katoliko na isinulat ng paring Katoliko na ang pamagat "Catesismo" ni Padre Luis De Amezquita:

“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito Sinasamba kita,” 
--- ( Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 , 82 )

At ayon pa sa isang aklat Katoliko!

"Paint an image according to the pattern you see, with the signature: "Jesus, I trust in You". I desire that this image be venerated, first in your chapel, and then throughout the world. I promise that the soul that will vene worship this image will not perish."

--- ( Divine Mercy in my Soul- Diary - Sr. Faustina, Notebook 1, items 47 and 48)

-------------

Ang isang diosdiosan ito ay larawang inanyuan na dinadalanginan :

"At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. --- (Isaias 44:17)

Oh diba humaharap ang isang Katoliko sa harap ng imahen o rebulto at dinadalanginan niya ito pasok na pasok sa pagiging diosdiosan.

-----------

Ang diosdiosan ay larawang inanyuan na ginagayakan o binibihisan:

"Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol."Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos.."Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang.May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.--- ( Jeremias 10:3-4,8-9 )

Diba binibihisan at ginagayakan ang mga imahen at ang mga rebulto sa Iglesia Katolika pasok pa rin sa pagiging diosdiosan.

--------------

Ang diosdiosan larawang inanyuan na pinapasan:

"Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.--- ( Jeremias 10:5 )

Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan. -- ( Isaias 46:7 )

Diba Pinapasan at pinuproprosisyon ang mga Imahen at rebulto sa Iglesia Katolika pasok pa rin sa pagiging diosdiosan.

-------------

Ang isang diosdiosan ay larawang inanyuan na may bibig hindi nagsasalita ,may tainga nhunit hindi nangakakarinig ,mayroon pang ilong pero hindi nangakakaamoy ,mayroon silang kamay pero hindi sila nangakakatangan ,may mga paa mayroon sila ngunit hindi nangakalalakad:

"Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.--- ( Mga Awit 115:5-7)

Ganito rin ba ang mga imahen at rebulto ng Iglesia Katolika kaya pasok sa pagiging diosdiosan .

-------------

Ang diosdiosan ay larawang inanyuan na yari sa pilak,ginto ,tanso ,bakal ,kahoy at bato:

Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati. --- ( Daniel 5:23 )

Ang mga imahen at mga rebulto ba ng mga katoliko yari din ba sa pilak at ginto ,tanso ,bakal ,kahoy at bato pasok na pasok sa pagiging diosdiosan

-------/------

Ngayon Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan sa mga imahen at rebulto na sinasamba ng Iglesia Katolika :

Natutuwa ba ang Diyos sa ginagawa nila!

"Sapagkat minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako,at kinilos nila siya sa panibugho at kanilang mga larawang inanyuan.( Mga Awit 78:58 )

Sumpain ang mga taong gumagawa ng inahen at rebulto para ito ay sambahin at paglingkuran:

" Sumpain ang taong gumagawa ng LARAWANG Inanyuan o binubo bagay na karumaldumal sa Panginoon ,na gawa ng mga kamay ng manggagawa ,at inilalagay sa dakong lihim..."---- (Deuteronomio 27:15)

Comments

Popular Posts