SI MARIA BA ANG BABAE SA APOCALIPSIS 12
Sino ang babae sa Apocalipsis 12 si Maria nga ba ito?
Bakit hindi tayo naniniwala na ito ay si Maria una dahil hindi ito literal na babae :
Ang babae sa Apocalipsis 12 nakita sa langit at nararamtan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
Kung literal na babae ito paano mararamtan ng araw pwedi muba damitan si Maria ng araw ang araw ay mas malaki pa sa ating mundo at itong babae na nakita ni San Juan nasa ilalim ng kanyang paa ang buwan at siya ay nagdadalang tao ibig sabihin buntis kung si Maria ito at ang ipinagbubuntis niya ay ang sanggol na si Jesus wala tayong may mababasa sa loob ng Biblia na ang literal na Maria ay nagbuntis at nanganak sa itaas ng buwan kaya hindi akma kay Maria itong babae sa Apocalipsis 12
"At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin; At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.-- ( Apocalipsis 12:1-2 )
Kaya malabo na ito ay si Maria dahil hindi nga literal na babae ito na tulad ni Maria kundi ito ay symbolical na babae .
-------
Ang Babae na nakita ni San Juan may putong na labindalawang bituin ang kanyang ulo, nararamtan ng araw at sa ilalim ng kanyang paa ang buwan ang labingdalawang bituin na putong ng babae ay ang labingdalawang tribo ng israel ito rin ang nakita ni Jose sa kanyang panaginip.
Genesis 37:9 " At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.
Ngayon Sino ito ?
" Ngayo’y bakit ka sumisigaw ng malakas? Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam? Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka’t ngayo’y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway. At ngayo’y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion.-- ( Mikas 4:9-11 )
Sino ang babae na nagdamdam sa paghihirap sa panganganak ito ay ang anak na babae ng Sion at ang anak na babae ng Sion ay ang Jerusalem o ang Bansang Israel.
"Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso,..." -- ( Zephanias 3:14 )
--------
Itinulad kasi ang "Israel" sa babae na ikinasal sa Panginoon o asawa ng Panginoon:
"Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. -- ( Jeremias 31:32 )
"At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.-- (Hosea 2:19-20)
---------
Pansinin natin na itong babae sa Apocalipsis 12 ang kanyang ulo ay may putong na labingdalawang bituin na kumakatawan sa labingdalawang angkan ng mga anak ni Israel kaya hindi ito si Maria ito ay ang Israel:
" Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel: -- ( Apocalipsis 21:12)
--------
"Na kanyang Binhi ay magiging parang mga Bituin sa langit .( Genesis 15:5 )
Ito ay pangako ng Diyos kay Abraham na sinabi At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi."
Ngayon ang babae sa Apocalipsis 12 nararamtan ng araw at sa ilalim ng kanyang mga paa ay ang buwan ano ang kahulugan nito sa Israel :
Ito ang sagot :
"Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)-- ( Mga Awit 89:35-37 )
Ang kanyang binhi ay mananatili magpakailanman at ang luklukan ng Israel ay magiging parang araw sa harap ng Panginoon at matatatag magpakailanman na parang buwan na tapat na saksi sa langit :
Ayon kay Apostol Pablo si Abraham nagkaroon ng dalawang anak ito ay si Isaac at si Ismael ang isa sa anak ni Abraham ay anak niya sa isang babaing alipin at ito ay si Ismael at ang isa ay anak niya sa babaing malaya samakatuwid sa kanyang asawang si Sara ang anak ni Abraham sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako at anak ni abraham sa babaing alipin ay ipinanganak ayon sa laman ito Sinai sa Arabia na nasa pagkaalipin kasama ng kanyang mga anak.
At ang sabi pa ni Apostol Pablo mayroon anak si Abraham sa babaing malaya sa pamamagitan ng pangako ang Jerusalem sa itaas ay malaya na siyang INA natin:
"Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa'y sa aliping babae, at ang isa'y sa babaing malaya. Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako. Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar. Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.-- ( Galacia 4:22-26)
Sino ang INA natin na ito ang Jerusalem sa itaas na malaya ito ay ang ANAK na babae ng Sion na siyang Israel ang Iglesia ng mga panganay:
Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,-- ( Hebreo 12:22-23)
Sino ang panganay o Iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit! Ito ang Israel ang Iglesia ng mga panganay na tinawag ang ANAK NA BABAE NG SION.
"At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay: -- ( Exodus 4:22)
Ang Anak na babae ng Sion na siyang Israel na siya rin ang Iglesia ng mga panganay ay ang babae sa Apocalipsis 12 na nagdadalang tao at nanganak ng isang anak na lalake na may paghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa:
"At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. -- ( Apocalipsis 12:5 )
Sino itong anak na lalake na ipinanganak ng anak na babae ng Sion?
Ito ay ang IGLESIA ang Iglesia ay Katawan ni Cristo kaya itinulad ang IGLESIA sa Anak na lalake :
-------
"At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;..."-- ( Colosas 1:18) Ang Iglesia ay binigyan ng karapatan maging anak na lalake.( Juan 1:12 )
Ang iglesia ang pinanganak sa itaas na ipinganak sa tubig at espiritu ?
Juan 3:3
"Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y IPANGANAK SA ITAAS (genneithei anothen) , ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios."
"genneithei anothen" sa Greek na ang kahulugan ay “Born from above” ( pinanganak sa itaas ) kaya nakita ni San Juan na ang babae ay nanganak ng kanyang anak na lalake sa itaas ng langit.
Ang Iglesia ay lalake sa paninindigan pagdating sa panampalataya?
"Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas.-- ( 1Corinto 16:13 )
At ang Iglesia ay maghahari sapagkat ang kanyang ulo ay isang hari samakatuwid baga'y ang Cristong Hari ang paghahari ng Cristo ay paghahari ng Iglesia:
"Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan: -- ( 1 Pedro 2:9 )
Ang Iglesia ay maghaharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon:
"Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.-- ( Apocalipsis 20:6 )
At ang anak na lalake o Iglesia ay inagaw na dinala hanggang sa Diyos at hanggang sa kanyang luklukan.
At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus: -- ( Efeso 2:6)
Kailan ang pag agaw?
Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.-- ( 1 Tesalonica 4:14-18)
--------
Ang patunay na ang ipinanganak ng babae na anak na lalake ay ang Iglesia ito rin ang binhi ng babae na babaka o makikidigma ang dragon at ang binhi ay ang nalabi o ang Iglesia na nagsisitupad ng mga utos ng Diyos at may patotoo ni Jesus:
"At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus: -- ( Apocalipsis 12:17)
-------
Mula ng ipanganak ng babae ang batang lalake na maghahari inaabangan na ito ng dragon para lamunin:
"At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.-- ( Apocalipsis 12:4)
Ito rin ang karanasan ng Kaharian ng Diyos o ng Iglesia na nagbabata ng karahasan at pinipilit kinukuha ng mga taong mararahas:
"At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas-- ( Mateo 11:12 )
Conclusion: Ang Babae sa Apocalipsis 12 ay ang Anak na babae ng Sion ang Israel ito ang nanganak ng isang anak na lalake na siyang Iglesia sa wangis ni Cristo na ulo ng Iglesia na kanyang katawan.
Ang ISRAEL na bayan ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Cristo ay nanganak ng ANAK NA LALAKE samakatuwid ang Iglesia.
---------
Inagaw ang babae at dinala sa ILANG?
Apocalipsis 12:14 " At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
Ang babae na dinala sa ilang mula sa harap ng ahas ay ang Bayang israel ng ilabas sila sa Egipto ito rin ang iglesia sa ilang na inakay ni propeta Moses:
Mga Gawa 7:38 TLAB
"Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin
Comments
Post a Comment