SI PEDRO NGA BA ANG BATO NA TAYUAN NG IGLESIA


Si San Pedro nga ba ang Bato na pinagtayuan ng Iglesia sa Mateo 16:18 

Ayon kasi sa aral ng Iglesia Katolika si Pedro ang bato na pinagtayuan ng Iglesia ito ang patotoo sa kanilang aklat katesismo:

 "Simon Peter holds the first place in the college of the Twelve; Jesus entrusted a unique mission to him. Through a revelation from the Father, Peter had confessed: "You are the Christ, the Son of the living God." Our Lord then declared to him: "You are Peter, and on this rock I will build my Church, and the gates of Hades will not prevail against it." Christ, the "living Stone," thus assures his Church, built on Peter, of victory over the powers of death. Because of the faith he confessed Peter will remain the unshakable rock of the Church. His mission will be to keep this faith from every lapse and to strengthen his brothers in it." 

----- (Catechism of the Catholic Church, par. 552)

-----

Basahin natin ang talata ng Mateo 16:18

 "At sinabi ko naman sa iyo na ikaw ay Pedro .at sa ibabaw ng BATONG ITO ay itatayo ko ang ang aking IGLESIA ;at ang mga pintuan ng hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."

Greek Bible:

 "Kag O de soi legO" hoti su ei PETROS kai epi tautE tE PETRA oikodomEsO mou ten ekklesian kai pulai handou ou katischusousin autEs."

Pansinin natin sa Greek ang ginamit kay Pedro ay PETROS at ang BATO na pinagtayuan ng IGLESIA ay "PETRA" 

Sa Griego ang "Petros " ay isang maliit na BATO ( STONE )  at pag ginamit naman ang PETRA tumutukoy ito sa MALAKING BATO (HUGE ROCK)

 Derived from the Greek Πετρος (PETROS ) meaning "stone"."a piece of stone ; a stone; a single stone; movable, insecure, shifting, or roll­ing."

 The word rock is PETRA, which means "a rock; a cliff; a projecting rock; mother rock; huge mass; solid formation; fixed; immovable; enduring."

-----

Ito ang patunay isang maliit na bato ang kahulugan ng petros ( Peter was a stone not a ROCK ) 

 ""And he brought him to Jesus and when Jesus beheld him ,he said;Thou art Simon the son of Jona thou shall be called cephas ,which is by interpretation ,A STONE.--- (John 1:42 KJV)

Ang sabi ng ating Panginoong Hesu Kristo itatayo niya ang IGLESIA sa ibabaw ng batong ITO?

BATONG "ITO" ( THIS ) rock !

 "Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi igiba ninyo ang templong "ITO",at aking itatayo sa tatlong araw.--- (Juan 2:19)

Ang Templong "ITO" na tinutukoy ng Panginoong Jesu Cristo ay ang kanyang sarili.Ginamit niya salitang "ITO " para tukuyin ang kanyang sarili.

 "Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan. -- ( Juan 2:21)

-------

Ang "ROCK " titulo kasi ito ng Diyos ikinakapit ito sa Diyos :

For who is God besides the LORD? And who is THE ROCK except our God?--- ( Psalms 18:31) 

 "...You are my witnessses .Is there any God besides me ?No,there is no other ROCK;I know not one.--- (Isaiah 44:8 NIV)

Ang pagiging ROCK ay lapat kay Kristo dahil si KRISTO ay Diyos !

"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.-- ( 1 Juan 5:20 )

----

Ano ang sabi ng Panginoon:

 "Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang naniniwala ay hindi magmamadali-- ( Isaias 28:16 ) 

Bakit?

"At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.-- ( Isaias 8:14 )

Sino ito?

"Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya kaniya ay hindi mapapahiya.Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok;At, Batong katitisuran, at bato na pangbuwal; Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: na dito rin naman sila itinalaga,-- (1 Pedro 2:5-8 )

Sino ang bato na itinakwil na isang batong panulok ?Ang ating Panginoong Jesu Kristo siya  batong itinakwil na inilagay ng Diyos na isang batong panulok at hindi si Pedro:

"Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.-- ( Mga Gawa 4:10-12)

--------

 "Ayon sa biyaya ng Dios tulad sa matalinomg tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan ;at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito ,ngunit iningatan ng bawat tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.sapagkat sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan ,kundi ang nalagay na ,ito'y si Cristo Jesus.---(1 Corinto  3:10-11)

" Na mga itinayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta na si Cristo Jesus din ang PANGULONG BATO sa PANULOK.--- (Efeso 2:20) 

Kaya si KRISTO ang BATO kung saan ang Iglesia ay ITINAYO sa ibabaw nito Dito makikita natin na Hindi si Pedro ang tinutukoy na bato kung saan itinayo ang iglesia kundi si Cristo si Cristo ang bato na matibay na pinagsasaligan ng bahay.(Mateo 7:24-25) na ang natayo kay Cristo ay hindi makikilos.( 1 Corinto  15:57-58,Kawikaan 10:30) na naguugat na nangatatayo sa kanya.(Colosas 2:7) na ang bawat  nakatayo sa kanya ay hindi matitikman ang kamatayan.(Markus 9:1)

--------

" At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo. -- ( 1 Corinto 10:4 )

--------

At hindi totoo na naging unshakable rock of the Church si Pedro?

Dahil maraming pagkakataon na natinag rin ang panampalataya ni Apostol Pedro bilang tao na may kahinaan:

" Nang hulihin ang Panginoon makatlong ulit na itinatwa ni Pedro ang Panginoon dahil sa takot at kakulangan panampalataya.-- ( Mateo 26:69-75) 

 Sinalansang ni Apostol Pablo si Pedro dahil natinag ito at natakot kaya hindi siya nakalakad  ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio.-- ( Galacia 2:11-14)

Natisod rin sa panampalataya sa Panginoon  si Apostol Pedro.-- ( Mateo 16:22-23)

 Nag back slide pa nga si Pedro at bumalik sa pagiging mangingisda ng mamatay ang Panginoon:- ( Juan 21:1-17)

Comments

Popular Posts