SOLA SCRIPTURA ANG BAYAN NG DIYOS
Sola Scriptura ba ang Bayan ng Diyos?
Ngayon paano natin natitiyak na ang Bayan ng Diyos ng una ay isang Bayan na sumusunod sa mga utos na ipinasulat ng Diyos sa kanyang mga propeta:
Ano ba Sola Scriptura:
Ito ay isang uri ng paniniwala na ang dapat sundin o paniwalaan ng isang taong naglilingkod sa Diyos ay mga bagay na ipinasulat ng Diyos sa Banal na mga Kasulatan na kanyang inutos na isinulat ng kanyang mga propeta na kinasihan:
Kaya tinatawag din sila na mga "Believers" ng "Bible alone " sapagkat naniniwala sila na tanging Biblia lang ang dapat maging saligan ng pagsunod at paniniwala ng isang taong naglilingkod sa Diyos.
Una ang Bayang Israel paano ba nila sinusunod ang mga utos ng Diyos saan sila bumabatay ng kanilang pagsunod:
Ganito nila sinusunod ang utos ng Diyos:
⏩ "Kung anong bagay ang iniuutos ko sa inyo ,ay siya mong isasagawa ,huwag mong dagdagan ,ni babawasan.--- (Deuteronomio 12:32)
Ngayon ano ang masama kung dinadagdagan mo ang utos ng Diyos na kaniyang inuutos:
⏩ "Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.-- ( Kawikaan 30:5-6)
Ang nagdadagdag ng salita ng Diyos na iniutos ng Diyos ay isang sinungaling at ang sinungaling ay anak ng diablo:
⏩ "Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito. -- (Juan 8:44 )
Ngayon paano isinagawa ng Bayang Israel ang mga utos ng Diyos?
Sola scriptura ba sila!
⏩"At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel. At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag,Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito; At upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala, ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan.." ( Deuteronomio 31:9 -13 )
Ano sinusunod ng Bayang Israel na utos ito ay ang mga utos na ipinasulat ng Diyos na nakasulat sa aklat ng Kautusan na binabasa sa kanila:
---------
Kaya Sola Scriptura ang Bayang Israel:
⏩ "At silay nagsibasa sa aklat ,sa kautusan ng Dios ,na maliwanag at kanilang ibinigay ang kahulugan na anopa't kanilang nabatid ang binasa.--- (Nehemias 8:8)
--------
Ano ang kasamaan kung hindi nakabatay ang paglilingkod sa Diyos sa hindi nakasulat sa aklat ng Panginoon:
⏩ "Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo ako sa Panginoon, at silang naiwan sa Israel, at sa Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi iningatan ng ating mga magulang ang salita ng Panginoon, upang gawin ayon sa lahat na nasusulat sa aklat na ito. -- ( 2 Mga Hari 34:21 )
Ang pagiinit ng galit ng Panginoon ay laban sa kanyang Bayan na hindi iningatan ang salita ng Panginoon sa aklat ayon sa nasusulat sa Aklat:
--------
Kaya ang Payo ng Diyos sa kanyang Bayan:
⏩ "Ang Aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig,kundi iyong pagbubulayan araw at gabi upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito sapagkat kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad ,at kung magkagayo'y magtamo ka ng mabuting kawakasan.--- (Josue 1:8)
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang Bayang Israel ay sola scriptura ano man ang kanilang sinusunod nakasalig ito sa nakasulat sa aklat ng Panginoon ayon sa lahat na nakasulat :
----------
At ayon sa nakasulat sa aklat ng Panginoon ang itinuturo nila :
⏩ "At silay nangagturo sa Juda na may AKLAT NG KAUTUSAN NG PANGINOON at silay nagsiyaon sa palibot ng lahat ng bayan ng Juda at nagtuturo sa gitna ng bayan.---(2 Mga Cronica 17:9 )
------
Ngayon dako naman tayo sa panahong Kristiyano o sa panahon ng mga tagasunod ng Mesiyas :
Sola Scriptura din ba ang mga Kristiyano:
Ganito ang sabi ng Apostol Pablo:
⏩ "Sapagkat anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin upang sa pamamagitan ng ng pagtitiis at pagaliw ng MGA KASULATAN ay magkaroon tayo ng pag-asa.--- (Roma 15:4)
Ang sabi ng Apostol Pablo anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin kaya pala ito naisulat para matutunan ng Kristiyano :
Dito pinapakita ng Apostol Pablo na dapat ang isang Kristiyano ay matututo kung ano ang nakasulat kung ganon itinuturo ng Apostol Pablo na dapat sola scriptura din ang mga Kristiyano upang ang sinoman ay huwag magpalalo:
⏩ "Ang mga bagay ngang ito mga kapatid ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo ,upang sa amin mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na NANGASUSULAT upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.--- (1 Corinto 4:6 )
-------
1 Corinthians 4:6
Expanded Bible
" Brothers and sisters, I have used Apollos and myself as examples so you could learn through us the meaning of the saying, “·Follow only [ Do not go beyond] ·what is written in the Scriptures [or what I have already written to you; what is written].” Then you will not ·be more proud of one person than another [or arrogantly support one person over another]. "
---------
Bakit kailangan nakasulat sa Banal na Kasulatan ang dapat maging panampalataya ng isang Kristiyano:
⏩ "At mula sa pagkasanggol iyong nalalaman ang MGA BANAL NA KASULATAN na makapagdudunong sa inyo sa IKALILIGTAS sa pamamagitan ng panampalataya kay Cristo Jesus .at lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapakikinabangan din naman sa pagtuturo ,sa pagsaway sa nasa katuwiran upang ang tao ng Dios ay maging sakdal tinuruang lubos sa lahat ng gawang mabuti.---(2 Timoteo .3:15-17)
Dahil ang mga Banal na Kasulatan ay nakapagdudunong sa mga Kristiyano sa ikaliligtas sa pamamagitan ng panampalataya kay Cristo Jesus na ang lahat ng mga Kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapakikinabangan sa pagtuturo ,sa pagsaway sa nasa katuwiran upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal sa lahat ng gawang mabuti.
Bakit sa ikaliligtas ang mga Banal na Kasulatan?
⏩ "Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.-- ( Juan 20:31 )
Sapagkat ang nakasulat sapat ito para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang isang sumasampalataya.
⏩ "Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; AT NAGSISAMPALATAYA SILA SA KASULATAN ,AT SA SALITANG SINABI NI JESUS.-- ( Juan 2:22 )
Itong mga SALITA na sinabi ni Jesus isinulat ito ng kanyang mga ALAGAD.-- ( Juan 20:31 ) at paano isinulat :
⏩ "Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo: At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.-- ( 1 Juan 1:1-4)
Kaya ang mga Kristiyano ay mga taong Sola Scriptura ibinabatay nila ang kanilang paniniwala sa nakasulat sa mga Banal na Kasulatan:
Ganito ang sabi ng Panginoon:
⏩ "Inyong saliksikin sa AKLAT NG PANGINOON at iyong basahin ,kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang walang mangangailangan ng kaniyang kasama sapagkat iniutos ng aking bibig ,at pinisan sila ng kaniyang espiritu.----(Isaias 34:16)
At ito ang ginawa ng mga unang Kristiyano:
⏩ "At pagdakay pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea na dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga judio .ngayon lalong naging marangal ang mga ito kay sa mga taga tesalonica sapagkat tinanggap nila ang buong pagsisikap ,at sinisiyasat sa araw -araw ang mga Kasulatan ,kung tunay nga mga bagay na ito .(Mga Gawa 17:10-11)
Kaya ang paniniwala at pagsunod ng mga Kristiyano nakabatay ito sa nakasulat sa Mga Banal na Kasulatan at hindi sa tradisyon ng mga matatanda :
Ano sabi ng ating Panginoon sa mga nagbabatay ng kanilang paniniwala sa tradisyon at hindi sa NAKASULAT sa mga Banal na Kasulatan:
⏩ "At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong TRADISYON..."Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong TRADISYON.Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi;Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.-- ( Mateo 15:3,6-9 )
⏩ "Nilisan ninyo ang utos ng Dios at inyong pinanghahawakan ang tradisyon ng mga tao.At sinabi niya sa kanila Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios ,upang mangaganap ninyo ang inyong mga tradisyon.-- ( Marcos 7:8-9 )
---------
⏩ "Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa TRADISYON NG MGA TAO, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo: --- ( Colosas 2:8 )
Kaya ang matutunan mo sa TRADISYON ay mga utos ng mga tao at hindi utos ng Diyos sa pagsunod nito ay winawalang kabuluhan mo ang mga salita ng Diyos at ang iyong PAGSAMBA ay walang kabuluhan.
Kaya ang mga Kristiyano ay hindi tagasunod ng tradidyon ng mga tao kundi tagasunod sila ayon sa NAKASULAT sa mga Banal na Kasulatan samadaling sabi SOLA SCRIPTURA sila:
⏩ "Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. -- ( Mga Gawa 5:29 )
-----------
Ngayon may mga palusot na ginagawa ang mga Defensor Katoliko ayon sa kanila marami daw ginawa ang ating Panginoong Jesus na hindi naisulat na ayon kay Apostol Juan ma kung susulating isa -isa ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatan:
Basahin natin:
At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.-- ( Juan 21:25)
Hindi ito tungkol sa tradisyon dahil ang lahat ng ginawa ni Jesus dito sa lupa na may kinalaman sa pagrerelihiyon at paglilingkod ay naisulat :
Ayon kay San Lukas gumawa siya ng kasaysayan tungkol sa LAHAT NA PINASIMULANG GINAWA AT ITINURO NI JESUS:
⏩ Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,-- ( Mga Gawa 1:1 )
Paano ginawa ni San Lukas ang kasaysayan tungkol sa lahat pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus:
⏩ Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; --- ( Lukas 1:2-3 )
Ayon sa pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula ng una alinsunod sa ipinatalos nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga MINISTRO NG SALITA samakatuwid mga Apostol ay kanyang isinulat sunodsunod ang kasaysayan ng lahat ng ginawa at itinuro ni JESUS na naganap sa gitna ng kanyang mga alagad:
⏩ "Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,-- ( Lukas 1:1 )
----------
Ano ang ibat - ibang bagay na ginawa ni Jesus na kung susulatin isat isat ay kahit ang sanlibutan ay hindi magkasya ang mga aklat na susulatan:
Ito ang MGA GINAWA ni JESUS sa ETERNITY dahil si Jesus ay ETERNITY.
Paano mo isusulat ang lahat ng ginawa ni Jesus sa ETERNITY !
⏩ "Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.-- ( Mikas 5:2 )
Ang pinagbuhatan ni Jesus ay mula ng una mula ng walang hanggan kaya paano mo isulat ang ginawa niya mula ng una bago niya nilikha ang sansinukob nasa siping na siya ng Ama buhat sa pasimula kasama na siya ng Diyos buhat sa walang hanggan -
⏩Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita.--- (Juan 1:1-2 MBB)
na gaya ng matalinong manggagawa at siya ang ligaya ng Ama sa araw -araw.
⏩Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya-- ( Kawikaan 8:30)
Kaya ang tinutukoy na ginawa ni Jesus sa JOHN 21:25 na kung susulatin mo isat -isa kahit ang sanlibutan ay hindi magkasya sa mga aklat na susulatan ay ang ginawa ni JESUS sa Eternity !
-----------
At karamihan sa mga tradisyon na pinaniniwalaan sa Iglesia Katolika ay hindi nakaugat sa ginawa ni Jesus o sa ginawa ng kanyang mga Apostol.
Manapa ang mga tradisyon na ito ay daang o libong mga taon na namatay ang mga apostol at umakyat si JESUS sa langit bago ito kinatha halimbawa ang pagrorosaryo at pagsuot ng scapular hindi mo pwedi gamitin na tradisyon ito na ginawa ni jesus sa John 21:25 dahil hindi talaga ginawa ni Jesus yan kaya hindi yan aaplay ! kahit sabihin mupa na tradisyon yang pagiikot niyo ng rebulto ng itim na Nazareno hindi yan kasama sa ginawa ni Jesus sa John 21:25 "
Kaya maraming tradisyon ang Iglesia Katolika na kinatha na hindi talaga nakaugat kay Jesus o sa kanyang mga Apostol.
------------
At lalong hindi NAKASALIG ang paniniwala ng mga Kristiyano sa Dogma ng mga Konselyo na nagsusumakit maitayo ang sarili kanilang katuwiran o MGA BATAS :
⏩ "Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.---(Roma 10:2-3)
⏩ "Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan,.."(Roma 1:25)
---------
Ang mga DOGMA na nabubuo sa Konselyo ng Roma ay pawang payo ng masama at hindi payo na mula sa Diyos:
⏩ Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa PAYO NG MASAMA , ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. -- ( Mga Awit 1:1 )
⏩Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ANG PAYO NG MASAMA ay malayo sa akin. -- ( Job 21:16 )
Comments
Post a Comment