TOTOO BA ANG PURGATORYO
Totoo ba ang Purgatoryo?
Ang aral ukol sa purgatoryo ay isa sa nakakatawang aral na itinuturo ng Iglesia Katolika na walang may matibay na batayan sa Banal ng mga Kasulatan.
At paniniwala dito ay isang nakalilito at walang katiyakan na pagsunod dahil hindi mo naman malalaman kung ang yumaon mong mahal sa buhay ay napunta ang kanyang kaluluwa sa purgatoryo at paano mo malalaman kung nanduon nga siya sa purgatoryo ,Paano kung sa langit o Impyerno siya napunta at hindi sa purgatoryo.
Lalabas nito mamumuhunan ka ng pagod sa kakadasal sa kanyang kaluluwa at gagastos ka malaking halaga ng ilang bises na pamisa para maiahon ang kanyang kaluluwa sa purgatoryo sa walang katiyakan.At ilang bises mo siya ipag pamisa sa pari para maiahon ang kanyang kaluluwa sa purgatoryo wala namang na pari pwedi magsabi sayo na ang yumaon mong mahal sa buhay ay naiahon na sa ika isang daan mo na pamisa kaya walang katiyakan kung hanggang kailan siya maiahon duon.Kaya sayang ang pera at pagod mo sa ganitong uri ng paniniwala.
Kaya ang sabi ng Haring si Solomon:
" Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?--- ( Ecclesiastes 6:12 )
Sigi nga pwedi ba sasaysayin ng pari na ang kaluluwa ng mahal mo sa buhay na yumaon ay napunta sa purgatoryo ng ito ay namatay.
Paano niya nalaman napunta ito sa purgatoryo kaya kalukohan ito at ang nakakatawa pa lahat na lang na katoliko pwedi ipag pamisa kahit ang katoliko na namatay na ito ay demonyo ang ugali ng nabubuhay pa ,palaisipan lahat na lang yata ng katoliko napunta sa purgatoryo.
----
Ngayon Ano ba itong tinatawag na Purgatoryo?
Ito ang paliwanag ng Aklat Katoliko na inakda ni Obispo Cirilo Almario :
"Ang Salitang PURGATORYO ay galing sa wikang latin na purgatorium - Lugar ng paglilinis .Ginamit ito ng Simbahang Katolika upang ipahiwatig ang lugal na tinutukoy sa Biblia na siyang kinalalagyan ng mga kaluluwa na may dapat pang pagbayaran o linisin sa kanilang kaluluwa."
---- ( Liwanag at Buhay " Mg aral Katoliko Batay sa Banal na Kasulatan - inakda ni Obispo Cirilo Almario ,p.100- Nihil Obstat :RDO.P Honesto Agustine ,Ssl /Imprematur:Diogracias S.Iniguez Jr.Dd -Bishop of Malolos)
Kaya ayon sa paliwanag ng Iglesia Katolika ang purgatoryo ay isang LUGAR NG PAGLILINIS na kinalalagyan ng mga kaluluwa na may dapat pang pagbayaran o linisin sa kaniyang kaluluwa.
Ito ang sabi ng isang Aklat Katoliko na isinulat ni Fr. Enrique Demond:
“Ang purgatorio ay isang pook na sangagan na kinalalagyan ng mga kaluluwa ng nangamatay sa mahal na grasia ng Dios, datapwa’t hindi pa naka-pagbayad dito sa lupa ng boong pagbabayad sa tapat na katarungan ng Dios dahil sa mga kasalanang munti o dahil sa parusang may hanggan hindi pa ipinatatawad. Ang dinadalita ng mga kaawaawang kaluluwa sa purgatoryo ay ang hindi pagkakita sa Dios at maraming sari-saring hirap at sakit. Wala silang magagawa sa sarili nila upang makaalis sa kanilang kapahamakan. Nguni’t tayong nabubuhay pa dito sa lupa ang makatutulong at makapagbabayad ng kanilang utang sa Dios. Tayo ay makatutulong sa kanila sa paraan ng mga pananalangin, ng mga indulgensiang ipinatutungkol sa kanila, ng mga paglilimos at ng ibang gawang kabanalan, lalong lalo na sa paraan ng sakrifisio ng Santa Misa. Ang mga kaluluwa ay magluluwat sa purgatorio hanggang sa masangag at maging malinis.”
---- ( Siya Ang Inyong Pakinggan, Ang Aral na Katoliko, by Rev. Fr. Enrique Demond, pp. 71-73)
------
At ayon sa aral Katoliko para matulungan mo na mapabilis ang pag-ahon ng mga kaluluwa na nasa purgatoryo kailangan ipagdasal at ipag misa o gumawa ng mga limos o indulhensiya patungkol sa kanila ang mga buhay dahil nakasalalay sa mga buhay ang pag-ahon ng mga patay na nasa purgatoryo.
Kaya kawawa ang mga patay na nasa purgatoryo na walang kamag -anak na nagpapamisa o nagdadasal o gumagawa sa kanila ng indulhensiya dahil hindi sila maiaahon sa purgatoryo dahil ayon sa aral Katoliko walang silang magagawa na makaalis sa purgatoryo maliban matulungan sila ng mga buhay.
" Catholic teaching regarding prayers for the dead is bound up inseparably with the doctrine of Purgatory - The Council of Trent (Sess. XXV)
“That purgatory exists, and that the souls detained therein are helped by the suffrages of the faithful, but especially by the acceptable sacrifice of the altar”
------
Ang tanong pwedi ba gagawa ang buhay para sa kaligtasan ng isang namatay ?
Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:
"Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. -- (Eclesiastes 9:10)
Bakit hindi pwedi gumawa ang buhay sa kaligtasan ng isang namatay :
Dahil hahatulan ang bawat tao ayon sa kanyang sariling mga ginawa at hindi ka hahatuan ayon sa ginawa ng iba sayo !
" Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa. --- ( Mateo 26:27 )
------+
" Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa, -- ( Jeremias 32:19)
------
" At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. --- (Apocalipsis 20:13 )
Kaya kahit araw -araw mo ipagdasal ang kaluluwa ng isang namatay hindi muna ito matutulongan dahil hahatulan siya ayon sa kaniyang sarili mga ginawa at hindi sa ginawa mo para sa kanya.
-----
Ang pamisa ba sa patay nakapagpatawad ng Kasalanan?
" At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: -- ( Hebreo 10:11)
-------
" The sacrifice ( the mass) of the wicked is an abomination; how much more when he brings it with evil intent.-- ( Proverbs 21:27 )
-----
Bakit ano ba ang magaganap pagkatapus ang tao mamatay?
'At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom; --- ( Hebreo 9:27 ) Sa pagkamatay natatapus ang gawa ng tao.-- ( Eclesiastes 9:10) hanggang sa maganap ang paghuhukom na kung saan dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa kahatulan maging ito ay mabuti o maging ito ay masama.(Eclesiastes 12:14 )
------
Kaya hindi totoo ang purgatoryo at hindi rin totoo na pagkamatay ng tao ay agad agad ka na hatolan sa Hukuman ng Diyos kasi kung totoo ito wala ng araw ng paghuhukom bakit pa bubuhayin ang mga patay sa araw ng paghuhukom para hatulan kung nahatulan na ang mga ito.Sino pa ang babalikan ni Kristo kung nahatolan na sila.
Ilan bises ba hahatolan ang mga patay kasi nagtakda ang Diyos ng isang araw na kanyang ipaghuhukom:
"Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. ---- ( Mga Gawa 17:31 )
Sa paniniwala ng Katoliko pagkamatay ng tao hinuhukuman na agad ay nako malabo pa ito tubig canal.
Kaya sa mga Katoliko hindi na darating si Kristo at wala ng araw ng paghuhukom at wala muling pagka buhay ng mga patay dahil sa aral nila pagkamatay ng tao agad agad na hinahatolan.
Pero kung ang mga Banal na Kasulatan ang ating sasanguniin sa pagdating pa ni Kristo magaganap ang paghatol at duon pa malalaman kung saan mapupunta ang mga hahatolan sapagkat ibinigay ng Ama sa anak ang karapatan na makahatol.-( Juan 5:27)
"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay..."Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.--- ( Juan 5:25,28-29)
------
"Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:..."Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: -- ( Mateo 25:31-34,41 )
Sapagkat ang impyernong Apoy inihanda ito ng Diyos sa Diablo at sa kanyang mga anghel lalabas kung may mga tao na ngayon sa Impyerno lalabas na hindi makatarungan ang Diyos kasa nauna pa itinapon ng Diyos ang tao kay Diablo at sa kanyang mga anghel.
------
Humahatol ba ang Diyos agad agad pagkatapus mamatay ang tao?
Ito ang Sagot ng Banal na Kasulatan:
"Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan. -- ( Eclesiastes 8:11)
Ang Hatol at gantimpala ng Dios hinihintay ito sa libingan hanggang sa maganap ang pagkabuhay na mag uli ng mga patay at ang pagbabalik ng Panginoon:
"Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:..." nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.-- (Mga Awit 37:7,9)
-------
Hindi aral ng Bibliya ang purgatoryo dahil hindi naman ito umiiral inimbento lamang ito ng Iglesia Katolika una itong kinatha nuong 1227 A.D sa Konselyo ng Lyon at muli itong pinagtibay sa Konselyo ng Trento nuong 1545 - 63 A.D
At wala ito sa loob ng Bibliya ito ang pag amin ng Aklat Katoliko :
"Where in the Bible is the word ‘Purgatory’ found? The word Purgatory is not found in the Bible;…”
----- ( The Question Box Answers, by Rev. Fr. Bertrand Conway, pp.562)
------
Ang paglilinis ng kaluluwa hindi sa kabilang buhay kundi ngayon habang tayo ay buhay dito sa mundo maglinis tayo ng ating mga kaluluwa sa lahat ng Karumihan ng laman at ng espiritu:
Dito sa mundo ang paglilinis hindi sa purgatoryo
" Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.-- ( 2 Corinto 7:1 )
------
" At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis. -- ( 1 Juan 3:3 )
------
"Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:-- ( Isaias 1:16-19)
Comments
Post a Comment