ANG HIMALA SA MGA IMAHEN AT REBULTO


Sapat ba na maniwala tayo sa mga imahen at mga rebulto dahil ito ay naghihimala at nagbibigay ng mga mabuting pagpapala sa isang mananamba ?

Kasi ito ang Karamihan sa dahilan ng mga kababayan nating mga Katoliko kaya hindi nila maiwan ang pagsamba sa mga imahen at rebulto dahil nakakaranas sila ng paghihimala ng mga imahen at nararanasan nila sa pag iingat nila nito sinuswerte ang kanilang buhay dahil pinagpapala sila.

Sa panahon ng Propetang si Jeremias ganito ang sabi ng mga tao sa kaniya tungkol sa pagpapala na naranasan nila sa kanilang pagsamba sa imahen ng Reina ng langit.

Ang sabi nila kay Propeta Jeremias....hindi ka namin didinggin. Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa REINA NG LANGIT, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom...Diba ito rin ang karamihan sa nararanasan ng mga kababayan natin mga Katoliko na sa pagdalangin nila sa mga imahen at mga rebulto nakakaranas sila ng blessing at swerte .

--------

⏩"Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi, Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin. Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa REINA NG LANGIT, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom. At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa REINA NG LANGIT at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?-- ( Jeremias 44:15-19)

-----------

Kaya nga nahihirapan sila itakwil ang kanilang mga rebulto at mga imahen dahil pinagpapala sila kung dumadalangin sila sa mga harap nito.

At ang sabi pa ng iba nagmimilagro pa daw ang mga imahen sa kanila mayroon lumuluha ng dugo at iba gumagalaw at kung ano- anong mga himala at mga dakilang tanda:

⏩"At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang GUMAWA NG LARAWAN NG HAYOP na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay. At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa LARAWAN NG HAYOP , upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.-- (Apocalipsis 13:13-15)





Ang larawan ng Immaculate Heart of Mary na sinaksak ng tabak ang puso ay ang larawan ng hayop na nasugatan ng tabak sa Apocalipsis 13:14 
Mga Awit 37:15
Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali.

Itong LARAWAN NG HAYOP gagawa ito ng dakilang tanda ano'pat nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao natupad ito sa Fatima Portugal:



⏩ The Miracle of the Sun (Portuguese: milagre do sol), also known as the Miracle of Fátima, was an event that is reported to have occurred on 13 October 1917, attended by a large crowd who had gathered in Fátima, Portugal,Newspapers published testimony from people who said that they had witnessed extraordinary solar activity, such as the Sun appearing to "dance" or zig-zag in the sky, careen towards the Earth, or emit multicolored light and radiant colors. According to these reports, the event lasted approximately ten minutes. 

----------

Kaya hindi rin sapat na maniwala tayo sa mga himala kung naghihimala man ang mga imahen o rebulto na ito dahil nagagawa rin ito ng demonyo:

⏩ "Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. -- (Mateo 24:24 ) 

Kahit pa ang kanilang dakilang mga tanda at kababalaghan na kanilang ginawa ay mangyari na kanyang pagsalitaan ka na sumunod sa ibang dios na hindi mo nakikilala.

⏩ "Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan, At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila;-- ( Deuteronomio 13:1-2 ) 

Huwag mong dinggin sapagkat sinusubok ka ng Panginoon mong Diyos upang maalaman niya kung iniibig ninyo siya ng boung puso at kaluluwa:

⏩ "Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.--- ( Deuteronomio 13:3 )

-----------

Bakit hindi natin dinggin sapagkat ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni satanas na may may boung kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan:

⏩ "Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.--- ( 2 Tesalonica 2:9-10)

------------

Ang larawang inanyuan na tagapagturo ng mga kasinungalingan:


⏩ " Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.-- ( Habacuc 2:18-19)

----------

Ano ang sabi ng Panginoon sa mga tao na nag aakala na lahat ng mga pagpapala na dumating sa kanila ay bigay ng mga imahen at mga rebulto na kanilang dinadalanginan:

⏩ "Sapagka't hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo, at ng alak, at ng langis, at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto, na kanilang ginamit kay Baal.Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran.At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.--- ( Hosea 2:8-10)

----------



⏩ "Hindi dapat ikabalisa o ikainggit ng lingkod ng Diyos ang kasaganaan at pag yaman ng mga sumasamba sa Imahen: 

Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan..."huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.--- ( Mga Awit 37:1,7)

Comments

Popular Posts