ANG KAHAYAGAN NG TATLONG PERSONA NG DIOS


Ang Kamay at ang Kapangyarihan na ipinakilala ng Dios na kasama niya sa pagka Dios :

Ang sabi sa Jeremias 16:21 

⏩ Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang AKING KAMAY AT ANG AKING KAPANGYARIHAN ; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay ang Panginoon . "

Pansinin natin na may pinakilala ang Dios ang sabi ng Dios narito ipakikilala ko sa kanila na paminsang ipakilala ko sa kanila ang aking KAMAY at ang aking KAPANGYARIHAN at kanilang makikilala na aking pangalan ay ang Panginoon:

Alin itong KAMAY na ipinakilala ng Dios?

⏩ "At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo. "-- ( Ezekiel 3:22 )

Ang KAMAY NG PANGINOON ay sumasa kay Propeta Ezekiel ang sabi ng Kamay ng Panginoon sa kanya bumangon ka ,lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo 

Ito palang Kamay ng Panginooon nasasalita at nakikipag usap :

Sino ito?

⏩ "Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay.-- ( Ezekiel 3:24 ) 

Sino ang KAMAY NG PANGINOON ito ang kanyang ESPIRITU o ang ESPIRITU SANTO.

--------

Sino naman ang KAPANGYARIHAN na ipapakilala ng Dios na ang sabi niya AKING KAPANGYARIHAN :

Ito ang sagot ng Biblia:

⏩ "Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios. -- ( 1 Mga Corinto 1:24 )

Si Cristo ang KAPANGYARIHAN NG PANGINON na kanyang pinakilala:

--------

Itong KAMAY at KAPANGYARIHAN ito rin ang kasama ng Panginoon ng tinubos niya ang kanyang Bayang Israel:

⏩ " Ang mga ito nga'y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong DAKILANG KAPANGYARIHAN , at sa pamamagitan ng iyong MALAKAS NA KAMAY. -- ( Nehemias 1:10)

---------

Ang KAMAY ng Panginoon ay Manlilikha:

⏩ "Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng AKING KAMAY, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita. -- ( Isaias 66:2 )

⏩ "Hindi baga ginawa ng AKING KAMAY ang lahat ng mga bagay na ito? -- ( Mga Gawa 7:50)

Ang Sabi ng Panginoon sapagkat lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng AKING KAMAY ang Kamay ng Panginoon ay ang kanyang Banal na Espiritu,:

At ang Espiritu ay manlilikha:

⏩ "Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.-- ( Mga Awit 104:30 )

⏩ "Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. --- ( Job 33:4 )

-----------

Ang Malaking Kapangyarihan at ang Unat na Kamay na kasama ng Panginoon sa paglalang ng langit at lupa:

⏩Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng IYONG MALAKING KAPANGYARIHAN , at sa pamamagitan ng IYONG UNAT NA KAMAY; walang bagay na totoong napakahirap sa iyo: --- ( Jeremias 32:17 ) 

⏩ "Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng AKING DAKILANG KAPANGYARIHAN , at sa pamamagitan ng AKING UNAT NA KAMAY ; at aking ibinigay doon sa minamarapat ko. -- ( Jeremias 27:5 ) 

----------

Kung ang Dakilang Kapangyarihan ay ang Cristo sapagkat siya ang Kapangyarihan ng Dios kung ganon tunay na manlilikha ang Cristo:

⏩ " Christ is the exact likeness of the unseen God. He existed before God made anything at all, and, in fact, Christ himself is the Creator who made everything in heaven and earth, the things we can see and the things we can’t; the spirit world with its kings and kingdoms, its rulers and authorities; all were made by Christ for his own use and glory.--- ( Colossians 1:15-16 TLB )

⏩ "Before anything else existed, there was Christ, with God. He has always been alive and is himself God. He created everything there is—nothing exists that he didn’t make. -- ( John 1:1-3 TLB )

-----------

Ang pagpapakilala ng Panginoong Dios sa kanyang Kapangyarihan na ito ang Cristo na mahahayag sa boung lupa:

⏩ Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipakilala ang KANYANG KAPANGYARIHAN -- ( Mga Awit 106:8 )

⏩ "Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang AKING KAPANGYARIHAN , at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa. -- ( Exodu 9:16 ) 

----------

Kaya hindi mapasusubalian na ang DIOS ay binubo ng TATLONG PERSONA at itong TATLO magkasama na ito buhat sa pasimula kahit sa paglalang:

⏩ Ang Dios ( Ama) 

⏩ Ang kanyang Dakilang Kapangyarihan ( Ang Anak o Panginoon Jesu Cristo) 

⏩ Ang kanyang Malakas na Unat na Kamay ( Ang Banal na Espiritu )

ANG TATLONG PERSONA AY ANG AMA ,ANG ANAK AT ANG BANAL NA ESPIRITU:

⏩ "Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng AMA at ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO: --- ( Mateo 28:19 )

Ang ginamit ay Pangalan "NAME " not "names " sa Greek ito ay "onoma" ( ὄνομα)

Ayon sa mga dalubhasa sa wikang Griego itong :⏩ "Onoma" -- ( : a name, authority, cause )

IISA ang AUTHORITY AT CAUSE ng AMA ,ANAK, AT ANG ESPIRITU BANAL :

"Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. --- ( Juan 14:23 ) " Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? -- ( 1 Corinto 3:16 )


----------

ANG IISANG DIOS NA PAWANG MGA DIOS ANG BAWAT PERSONA :

⏩ "At ang mga filesteo ay nangatatakot ,sapagkat kanilang sinabi ang DIOS ay pumasok sa kampamento.At kanilang sinabi, Sa aba natin! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man."Sa Aba natin! Sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng MAKAPANGYARIHANG MGA DIOS na ito?ito ang MGA DIOS na nanakit sa mga taga Egipto ng sari-saring salot.--- (1 Mga Samuel 4:7-8)

-----------

ANG AMA ANG DIOS NG MGA DIOS ,KAHIT ANG ANAK AT ANG ESPIRITU SANTO AY DINI-DIOS ANG AMA SA KABILA NA SILA AY MGA DIOS RIN.

Mga Awit 136:2
Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

-----------

Deuteronomio 10:17
Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios (Ama) , ay siyang Dios ng mga dios (i.e. ng Anak at Espiritu Santo) , at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.

------

SA TEMPLO NG DIOS ANG ANTI CRISTO AY SASALANSANG AT MAGMAMATAAS LABAN SA "LAHAT " NA TINATAWAG NA DIOS AT SINASAMBA.

PANSININ NATIN ANG SALITANG "LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS AT SINASAMBA SA TEMPLO NG DIOS MAYROONG MGA TINATAWAG NA DIOS O SINASAMBA ITO ANG TINATAWAG NA AMA, ANG TINATAWAG NA ANAK NG DIOS AT ANG TINATATAWAG NA ESPIRITU SANTO ITO ANG TINATAWAG NA DIOS AT SINASAMBA SA LOOB NG TEMPLO NA SA MGA ITO SASALANGSANG AT MAGMAMATAAS LABAN ANG ANTI CRISTO.

2 Tesalonica 2:4 
Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.

ANG TEMPLO NG DIOS AY ANG IGLESIA .( 1 Corinto 3:9,16,Efeso 2:20-22) SA IGLESIA TINATAWAG NA DIOS ANG AMA,ANG ANAK NG DIOS AT ANG ESPIRITU SANTO ITO ANG DIOS NA MAY TATLONG PERSONA NA SINASAMBA SA IGLESIA NG DIOS.

Comments

Popular Posts