ANG PAGKA- DIOS AT ILAN ANG DIOS


Ang Pagka -Dios at Ilan ang Dios:

Ang unang tanong natin ano ba ang Dios ?

Basahin :

⏩ "Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. -- ( Mga Awit 95:6 ) 

Ano ang tinatawag na Dios ito ang May-lalang siya ang lumalang ng lahat ng mga bagay nakikita at ng mga bagay na hindi nakikita at siya ang lumalang sa atin:

⏩ "Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo. --- ( Nehemiah 9:6 )

--------

Siya ang lumalang ng langit at ng lupa at ang lahat ng nasa mga yaon:

⏩ "At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon: -- ( Mga Gawa 14:15 )

----------

Ngayon ang sunod na tanong sino itong lumalang at sino ang kasama niya sa kanyang paglalang:

Ito ang sabi ng Dios na lumalang:

⏩ "At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. --- ( Genesis 1:26 )

Ang sabi ng Dios lalangin NATIN ang tao sa ATING larawan ,ayon sa ating wangis kaya ito'ng Dios na lumalang may KA-NATIN na kawangis at kalarawan niya sa pagiging manlalalang.

Sino itong ka- natin ng Diyos sa pagiging manlalang niya?

⏩ "Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.--- ( Genesis 1:1-2 ) 

Ang sabi sa pasimula nilalang ng Dios ang mga langit at ang lupa ,at ang lupa ay walang anyo at laman.at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman at ang ESPIRITU NG DIOS ay sumasa ibabaw ng tubig .

Nang lumalang ang Dios ng mga langit at lupa kasama niya at nandoon na itong Espiritu ng Dios :

Ano ang ginagawa ng Espiritu ng Dios sa paglalang ng Dios:

⏩ "Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.-- ( Mga Awit 104:30 ) 

-------

⏩ " Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; ..." --- ( Job 26:13 )

Kaya ang Espiritu ng Dios ay kasama na kamanlalang ng Dios:

Ano ang patunay manlalang ang Espiritu ng Dios o ang Espiritu Santo:

⏩ "Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. --- ( Job 33:4 )

--------

Sino itong Dios na lumalang na may kasama na kamanlalang niya sa paglalang:

⏩ "Wala baga tayong lahat na isang Ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin?..." -- ( Malakias 2:10 ) 

Ang Ama ang isang Dios na lumalang sa atin at buhat sa kanya ang lahat ng bagay:

⏩ "Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya;..." -- ( 1 Mga Corinto 8:6 )

-----------

Ngayon bukod sa Espiritu ng Dios na kamanlalang ng Ama sa paglalang sino pa ang kanyang kasama niya sa paglalang:

⏩ "Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang ANAK kung iyong nalalaman?--- ( Kawikaan 30:4 )

May Anak ang Ama :

At ito ang saksing tapat ng lumalang ang Dios na naroon na siya at kasama:

Apocalipsis 3:14
At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:

Ngayon Ano ang patunay na kasama ng Ama ang kanyang Anak sa paglalang:

⏩ "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang SALITA ay sumasa Dios, at ang SALITA ay Dios.Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya...." At nagkatawang-tao ang SALITA, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. --- ( Juan 1:1-3 ,14 )

Ang sabi ng Apostol Juan sa pasimula siya ang VERBO o ANG SALITA ang salita ay sumasa Dios ,at ang SALITA AY DIOS at lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan.niya at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya at nagkatawang tao ang Salita at tumahan sa gitna natin at nakita namin ang kaluwalhatian gaya ng bugtong ng Ama na puspos ng biyaya at katotohanan:

Ano ang patunay na ang SALITA o Bugtong na Anak ng Ama ay manlalalang:

⏩ "Sa pamamagitan ng SALITA NG PANGINOON ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. --- ( Mga Awit 33:6 )

Ang SALITA ay isinusugo ito ng Dios sa lupa:

⏩ "Sinugo niya ang kaniyang SALITA , at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak. -- ( Mga Awit 107:20 )

Ang SALITA ay ang Bugtong na Anak ng Dios na kasamang manlalang ng Ama at Espiritu Santo:

⏩ "Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:-- ( Hebreo 1:8-10 )

------

⏩ " Christ is the exact likeness of the unseen God. He existed before God made anything at all, and, in fact, Christ himself is the Creator who made everything in heaven and earth, the things we can see and the things we can’t; the spirit world with its kings and kingdoms, its rulers and authorities; all were made by Christ for his own use and glory.--- ( Colossians 1:15-16 TLB ) 

-------

Sa Orihinal na salita sa Hebreong Biblia ang ginamit ay "Mga Manlalalang "

"Creators"

⏩ "Remember now thy Creators in the days of thy youth--( Ecclesiastes 12:1 Literal Hebrew) 

"Makers"

⏩ "Let Israel rejoice in their Makers let the people of Zion be glad in their King.-- ( Psalms 149:2 Literal Hebrew)

Kaya sa pagiging manlalang makikita natin ang AMA ,at ang kanyang SALITA o ang kanyang ANAK ,at ang BANAL NA ESPIRITU NG DIOS.At ito nga ay pinatunayan ng Biblia na ang tatlo na ito ang bumubuo sa pagiging manlalang na Dios

⏩ "Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: --- ( Mateo 28:19 )

------

Ang Sunod natin na tanong Ilan ang Dios na marapat sambahin at paglingkuran?

Ilan nga ba ang Dios !

⏩ "Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa. --- ( Galacia 3:20)

Sa Hebreo ang salitang "Iisa " ( one ) ay "echad"⏩ "Sh'ma Yisrael Adonai Eloheinu Adonai Ecḥad: " --- ( Deuteronomio 6:4) na ibig sabihin ay "ONE " 

Ano ba ang "Echad " ( echadh - אחד) 

Ayon sa mga dalubhasa sa wikang Hebreo ang "echad " --- It speaks of a compound unity,a composite one.

"Isa sa ATIN"-- ( Genesis 3:22 ) sa Talata na ito may Kausap ang Dios na ka--ATIN niya na sila ay IISA .-- "Ako at ang Ama ay Iisa- ( Juan 10:30) ito ay compound unity.

Dahil "compound unity " ang ibig sabihin ng "echad " --- It means God is One in Essence, Three in Person.

Joshua said to the people, "You are not able to serve the LORD. for the holy Ones ARE ; HE is a jealous God ..."--- ( Joshua 24:19 Literal Hebrew word for word translation )

⏩"ARE "
present indicative plural and 2nd person singular of be.

In the Hebrew text it is, "for the Holy Ones [are] he": which may serve to illustrate and confirm the TRIUNE GOD of, persons in the unity of the divine Essence, or of the three divine holy Persons, holy Father, holy Son, holy Spirit, as the one God.

⏩ And one cried unto another, and said, HOLY , HOLY , HOLY , is the Lord of hosts: the whole earth is full of his glory.-- ( Isaiah 6:3 ) 

⏩ The Father is HOLY - ( John 17:11 )
⏩ The Son is HOLY -- ( John 10:36 ,Luke 1:35, Mark 1:24 ) 
⏩ The Holy Spirit -- ( John 14:26 )
Iisa sila sa larawan at wangis sa pagiging Dios.-- ( Genesis 1:26 ) 

-----------

Sa pagiging iisang Dios :

♎ Ang Ama ay Dios:

⏩ Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:..."At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay..." -- ( Juan 17:1,3 )

♎ Ang Anak ay Dios :

⏩ ' At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.-- ( 1 Juan 5:20) 

⏩ "Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. -- ( Hebreo 1:8 ) 

♎ Ang Banal na Espiritu ay Dios:

⏩ "Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay. Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila. At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.--- ( Ezekiel 3:24-27 )

⏩ "Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios. --- ( Mga Gawa 5:3-4)

Hebreo 3:7-11
Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

Ang Dios na tumatahan sa templo ay ang Espiritu ng Dios kaya tinawag na templo ng Dios:

1 Mga Corinto 3:16
Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?

♎ Ang Ama ay Dios ,ang Anak ay Dios ,at ang Espiritu Santo ay Dios ngunit sila ay iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat :

⏩ " At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. -- ( 1 Corinto 12:6 ) 

----------

Sa pagiging iisang Panginoon:

♎ Panginoon ang Ama:

⏩ "Nang oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.-- ( Lucas 10:21 )

Isaias 63:16
Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.

♎ Panginoon ang Anak:

⏩ "Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.--- ( Filipos 2:10-11 )

1 Mga Corinto 1:2
Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

♎ Panginoon ang Espiritu Santo:

⏩ "Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. --- ( 2 Corinto 3:17 ) 

♎ Ang Ama Panginoon ,ang Anak ay Panginoon at ang Espiritu Santo ay Panginoon ngunit sila'y iisang Panginoon:

⏩ "At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.-- ( 1 Mga Corinto 12:5 ) 

♎ Ang Panginoon ay siyang Dios!

⏩ "Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. -- (Mga Awit 100:3 ) 

-----------

Maging sa Katangian ng pagiging espiritu ay iisa sila :

♎ Ang Ama ay espiritu:

⏩ "Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.-- ( Juan 4:23-24 ) 

♎ Ang Anak ay espiritu :

⏩ "At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama. -- ( Galacia 4:6 )

1 Corinto 15:45
Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.

♎ Ang Espiritu Santo ay espiritu :

⏩ "Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi. -- ( Juan 14:26 )


♎ Ang Ama ay espiritu ,ang anak ay espiritu at ang Banal na Espiritu ay espiritu iisa ang kalagayan nila sa pagiging espiritu :

⏩ "Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.-- ( 1 Mga Corinto 12:4 ) 

------------

1. SA PAGIGING MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT( OMNIPOTENT )

☑️AMA:

2 Mga Taga-Corinto 6:18
Ako ang magiging Ama ninyo, at kayo'y magiging mga anak ko,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

☑️ANAK:

Pahayag 1:8
“Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Read also Mat. 24:30 )

1 Timoteo 6:14-16 
Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo: Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon; Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.

☑️ESPIRITU SANTO:

Mga Taga-Roma 15:13
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

SEE: NAKITA NATIN NA ANG AMA, ANAK, AT ESPIRITU NA MGA PERSONA NG IISANG DIOS AY MAY TAGLAY NA KAPWA KAPANGYARIHAN NA MAKIKITA LAMANG SA IISANG TUNAY NA DIOS.

Pahayag 16:7
At narinig ko mula sa dambana ang ganitong pananalita, “Oo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!”

⏩ 2. SA PAGIGING OMNIPRESENT O NASA LAHAT NG DAKO SABI NGA "GOD IS EVERYWHERE".

☑️AMA:

Jeremias 23:23
“Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang.

☑️ANAK:

Mateo 18:20
Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Mateo 28:20
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

☑️ESPIRITU SANTO:

Mga Awit 139:7-8
Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas?Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;

SEE: MALIWANAG NA ANG AMA,ANAK AT ESPIRITU AY NASA LAHAT NG DAKO, KAPWA NAKA PAGMAMALAS NG KAPANGYARIHAN AT KAKAYAHAN NG BAWAT PERSONA NG IISANG DIOS AT NANGANGAHULUGAN LAMANG NA DIOS LANG ANG MAKAKAGAWA NG GANITO.

Mga Kawikaan 15:3
Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.

⏩ 3. SA PAGIGING OMNISCIENT O NALALAMAN ANG LAHAT NG BAGAY.

☑️AMA:

Mateo 6:8
Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.

☑️ANAK:

Juan 16:30
Ngayon alam na po naming alam ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin pa kayo ninuman. Dahil dito, naniniwala po kami na kayo'y mula sa Diyos.”

Juan 21:17
Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?”Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?”At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.”Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.

☑️ESPIRITU SANTO:

1 Mga Taga-Corinto 2:10-11
Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos.Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos.

SEE: DITO NAKITA NATIN NA ANG TATLONG PERSONA NG DIOS AY KAPWA MAY KAPANGYARIHAN NA MAKAALAM NG LAHAT NG BAGAY DAHIL ITO KATANGIAN LAMANG NG ISANG DIOS.

1 Juan 3:20
sakali mang tayo'y usigin nito. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi, at alam niya ang lahat ng bagay.

⏩4. ANG IISANG DIOS NA MAY TATLONG PERSONA AY MAY PANTAY NA KAKAYAHAN.

☑️ A. ANG AMA BILANG MANLILIKHA:

Deuteronomio 32:6
O mga mangmang at hangal na tao, ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha, at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa?

☑️B. ANG ANAK BILANG MANLILIKHA:

Juan 5:19
Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak,

Mga Awit 33:6
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.

Mga Taga-Colosas 1:16
Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.

☑️C. ANG ESPIRITU SANTO BILANG MANLILIKHA:

Job 33:4
Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin, buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.

SEE: ANG TATLONG PERSONA AY KAPWA MAY KAKAYAHAN SILA SA PAGLIKHA AT AYON SA BIBLIA DIOS LAMANG ANG MANLILIKHA.

Mga Taga-Efeso 3:9
At magpaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay.

⏩6. ANG IISANG DIOS AY SINASAMBA

☑️A. ANG AMA AY SINASAMBA:

Juan 4:23
Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama.

☑️B. ANG ANAK AY SINASAMBA:

Hebreo 1:5-6 
Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak?At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.

Juan 9:38
“Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.

Mateo 2:2
Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”

Mateo 28:9
Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya.

Sasambahin ang Anak katulad ng pagsamba na inuukol sa Ama?

Juan 5:23
Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.

☑️C. ANG ESPIRITU SANTO AY SINAMBA.

Juan 4:24
Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Filipos 3:3
Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:

Isaias 30:1
Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan:

SEE : ANG ISANG DIOS AY SINASAMBA, MALIWANAG NA NAKITA NATIN NA ANG AMA ,ANAK AT ESPIRITU SANTO AY DAPAT SAMBAHIN SAPAGKAT DIOS LAMANG ANG DAPAT SAMBAHIN.

Mateo 4:10
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Exodo 34:14
Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

------------

ANG TATLONG PERSONA AY KAPWA DINALANGINAN:

1. Ang Ama :

Mateo 6 :9 
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. 

2.Ang Anak :

Mga Gawa 7:59-60
At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.

Juan 14:13-14
At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.

3. Ang Espiritu Santo:

Judas 1:20
Nguni't kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo,

-----------

⏩ 7. ANG AMA ,ANAK AT ESPIRITU SANTO AY KAPWA WALANG HANGGAN O ETERNAL.

☑️A. ANG AMA AY WALANG HANGGAN.

Mga Awit 90:2 
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Juan 17:5
Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.

☑️B. ANG ANAK AY WALANG HANGGAN.

Hebreo 13:8
Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.

Mikas 5:2 
Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. 

1 Juan 5:20
At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

Mga Hebreo 7:24
Ngunit si Jesus ay buháy magpakailanman, kaya't walang katapusan ang kanyang pagkapari.

☑️C. ANG ESPIRITU SANTO AY WALANG HANGGAN.

Mga Hebreo 9:14
Higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buháy.

SEE: ANG AMA,ANAK,ESPIRITU SANTO AY WALANG HANGGAN AT DIOS LAMANG ANG WALANG HANGGAN AYON SA BIBLIA.

Habacuc 1:12
Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.

Genesis 21:33
At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan.

⏩ 8. ANG AMA,ANAK AT ESPIRITU AY MAY PAREHONG KALWALHATIAN.

☑️ A. ANG AMA AT ANAK AY MAY PANTAY NA KALUWALHATIAN

Juan 17:1
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

☑️ B. ANG ESPIRITU AY MAY KALUWALHATIAN.

I Pedro 4:14
Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

-----------

⏩ Ang iisang Dios na may tatlong persona ay nakita din ng mga Propeta ng Dios sa kapahayagan sa kanila ng Dios sa pamamagitan ng nga pangitain at panaginip.

Nagpahayag rin ito kay Propeta Isaias:

♎ Ang AMA:

Isaias 64:8
Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming AMA ; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.

♎Ang ANAK:

Isaias 9:6
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang BATA, sa atin ay ibinigay ang isang ANAK na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang DIOS, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

♎Ang ESPIRITU:

Isaias 11:2
At ang ESPIRITU NG PANGINOON ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Isaias 63:14
Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.

ANG PANGINOONG DIOS (AMA), AT ANG ESPIRITU, ANG KANILANG SINUGO (ANAK) NAHAYAG KAY PROPETA ISAIAS ANG TATLONG PERSONA:

Isaias 48:16 
Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu. 

SEE: Nahayag kay propeta Isaias ang Ama.Anak at Espiritu Santo:

--------

Nahayag din ito kay Haring David :

♎ Ama:

Mga Awit 68:5 
Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao, ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.

Mga Awit 89:26
Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.

♎ Ang Anak:

Mga Awit 2:7-9,12
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok...."Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

♎ Ang Espiritu Santo:

Mga Awit 143:10
Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran.

2 Mga Cronica 15:1
At ang Espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:

2 Mga Hari 2:16
At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo

SEE:NAGPAHAYAG DIN KAY HARING ANG AMA ,ANAK AT BANAL NA ESPIRITU :

♎ ANG DALAWANG PANGINOON NI HARING DAVID :

Mga Awit 110:1 
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

♎ SI CRISTO TINAWAG NI DAVID NA PANGINOON:

Mateo 22:42-45
Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?

----------

ANG AMA ,ANAK AT BANAL NA ESPIRITU AY NAGPAHAYAG NA NOONG ITAYO ANG TORE NI BABEL :

Genesis 11:5-8
At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. HALIKAYOY !TAYO'Y BUMABA diyan din ay ATING guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.

---------

DALAWANG PANGINOON:

Nagpaulan ang PANGINOON sa Sodoma at Gomorra ng Azufre at apoy MULA SA PANGINOON NA BUHAT SA LANGIT .

Genesis 19:24 
Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

----------

♎Maging ang ating Panginoong Jesus ay tahasan ng ipinakilala ang ang iisang Dios na may tatlong persona.

1 .Una nuong siya ay Binautismuhan

Mateo 3:16-17
Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.
At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

SEE: dito maliwanag na nahayag ang tatlo, sa verse 17 nagsalita ang AMA , verse 16 si Jesus (ANG ANAK) na binautismuhan at sa verse 16 ay nakita din ni Jesus ang ESPIRITU.

2 .Bago umakyat si Jesus sa langit ginamit niya yung tatlo na AUTHORITY sa Bautismo.

Mateo 28:18-19
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng AMA , at ng ANAK , at ng ESPIRITU Santo.

---------

♎Nuong nangaral na ang mga alagad ipinangaral din nila ang TATLO.

⏩Ang AMA at ANAK:

Mga Taga-Efeso 1:3
Purihin ang Diyos at AMA ng ating Panginoong Jesu Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.

2 Mga Corinto 11:31
Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.

1 Juan 2:22
Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.

⏩ Ang ANAK:

Mga Taga-Filipos 2:6-8
Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.

⏩ Ang ESPIRITU:

Genesis 6:3
At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.

Mga Gawa 2:4
At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

SEE: Maging ang mga apostol itinuturo ang TATLO persona ng Dios:

Dagdag na Talata; sa pag iral ng TATLONG PERSONA NG DIOS NA AMA,ANAK AT BANAL NA ESPIRITU.

2 Mga Taga-Corinto 13:13
Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Jesu-Cristo ( ng Anak) at ang pag-ibig ng Diyos (Ama) at ang pakikisama ng Espiritu Santo.

1 Mga Corinto 6:11
At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo ( ng Anak), at sa Espiritu ng ating Dios (Ama ).

⏩Susuguin ng AMA ,ang Mangaaliw o ang ESPIRITU SANTO ,Susuguin sa pangalan ng ANAK.

Juan 14:26 
Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan ( ng Anak ) , siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

---

Juan 15:26
Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin ( sa Anak ) :

---

Efeso 4:30,32 
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos...."At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios (Ama ) kay Cristo ( ang Anak ) .

----

Efeso 1:17
Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo ( ang Anak ), ng Ama ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

---

Mga Gawa 1:4 
At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ( Espirito Santo) ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin ( sa Anak) :

---

Mga Gawa 2:33
Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios ( ang Anak ) , at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.

--

Mga Gawa 10:38
Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret ( ang Anak ) , kung paanong siya'y pinahiran ng Dios (Ama) ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios. -

--

Efeso 2:18
Sapagka't sa pamamagitan niya ( ang Anak ) tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama. 

--

1 Pedro 1:2 
Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo ( Ang Anak ) : Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.

--

1 Juan 4:13-14 
Dito'y nakikilala natin na tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan.

---------

Ang Dios ba ay Persona?

Opo! 

Ang Dios ay tunay na persona at may tatlong persona sa iisang Dios:

Job 13:8 KJV 
Will ye accept his person? will ye contend for God?

---

Hebrew 1:3 KJV 
Who being the brightness of his glory, and the express image of his person, and upholding all things by the word of his power, when he had by himself purged our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high:

Comments

  1. Anh dabi mo tatlonh persona ang Dios .TANONG KO? saan talata mabsbasa na Si cristo ay Dios at ang espirito ay Dios gaya ng pagpapakilala ni cristo sa kanyang sarilili na siya ay tao sa Juan 8-40 gayon din ang espirito paano niya ipinakilala na siya ay DiosDios ,gaya nh pagpapakilala ng tunay at nagiisang Dios sa kanyang pangalan sa lsa. 42-8 at lsa .44-8.O kaya magbigay ka ngang mga talata na ang mga apostol ni cristo ay tinawag siyang Dios .Maging ang kanysng ama walang mababasa na sinabi niya itong si cristo ay Dios kundi anak siya ng Dios at anak din siya ng tao pinapatunayan niya mismo ang kanyang sarili kung Dios si cristo basahin mo ang Juan 20-17 sa talata bang yan kung Dios siyasiya, bakit may tinatawag Pa siyanh Dios at ama .Kaya ang tutong yan na tatlong persona ang Dios ay labag sa turo ng biblia at ni cristo lalonh lalo na sa Dios mismo exodo 20-3 Huwag kang magkakaroon ng ibang Dios sa harap ko, nagkamsli ba ang Dios noongnoong isulat niya sa kanyang sampong utos ang utos na yan? Kasalanan ang magdagdag at magbawas DA nakasulat sa aklat ng Dios bro. Apo .22+18-19 kaya mahabag ka sa sarili Mo bro lalo na mga pinapangaralan mo ,ikaw rin kadama ka sa mga mandaraya at nadadaya .

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts