ANG PAGKA DIOS NI CRISTO


⏩ Ang Pagka- Dios ni Cristo:

Bakit tayo naniniwala na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo kasi may mga pangkating pang -relihiyon na pinagduduhan at hindi naniniwala sa pagka Dios ni Cristo sa kabila na sila man ay nagpapakilala rin na mga Kristiyano at ilan sa mga pangkat na ito ay mga Unitarians ,ang Iglesia na itinayo ni Felix Manalo nuong 1914 na kilala sa tawag na Iglesia ni Cristo ,at maging ang mga Saksi ni Jehova o maging ng mga muslim na itinatanggi nila na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo:

Ngayon Bakit tayo naniniwala na Dios itong Cristo at Ano ang mga katunayan sa kanyang pagka Dios:

Una alamin natin paano ba ipinakilala ng Dios ang kanyang sarili?

Ganito pinakilala ng Dios ang kanyang sarili:

⏩"Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming AMA; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay. -- ( Isaias 64:8 )

Ano ang pagpapakilala ng Dios sa kanyang sarili siya ay AMA.

Pag ang Dios ay AMA natural may ANA ito! Ano ang patunay na may ANAK ang Dios:

⏩ "Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng KANIYANG ANAK kung iyong nalalaman? -- ( Kawikaan 30:4)

Sa Konsepto ng mga Hudyo ay may Anak ang Dios kaya ang sabi ni Agur ...Sino ang sumampa sa langit ,at bumaba ? sinong ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa ?Ano ang kanyang PANGALAN at ano ang PANGALAN ng KANYANG ANAK!

Ano katunayan na may ANAK nga Dios ?

Ito ang sabi ng Dios :
⏩ "Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking Anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. -- ( Mga Awit 2:7 )

Ang tunay na Dios ay may ANAK na kanyang ipinanganak ?

⏩ "Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak?At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.--- ( Hebreo 1:5-6 )

Itong ANAK na pinanganak ng Dios ay sasambahin ng lahat ng mga anghel ng Dios:Ang pasamba ukol sa DIOS pero itong ANAK NG DIOS pinapasamba:

Sino ba ang sinasamba ng mga Anghel ng Dios?

⏩ "At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,-- ( Apocalipsis 7:11 ) 

Ang sinasamba ng mga ANGHEL NG DIOS ay ang DIOS kung ganon Dios itong ANAK dahil pinapasamba ito sa mga anghel ng Dios:

Pinatotohanan ba ng Dios Ama ang pagka Dios ng kanyang Anak na pinanganak:

⏩ "Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi (ng Ama) , Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. -- ( Hebreo 1:8 )

Dios ang Anak na ayon sa pagpapakilala ng Dios Ama tinawag niya na "Oh Dios " ang kanyang Anak .

--------------

Maypag-iral na si Cristo bago itatag ang sanlibutan may kaluwalhatian na siyang tinamo mula Ama dahil siya ang Anak :

⏩ "Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:..."At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.--- ( Juan 17:1,5 )

----------

Sino itong ANAK?

Ito ang tagpo na ipinakilala ng Dios ang kanyang ANAK :

⏩ " At nangyari, samantalang sila'y nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi. At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at sila'y naliliman: at sila'y nangatakot nang sila'y mangapasok sa alapaap.At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang AKING ANAK , ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan. At nang dumating ang tinig, si JESUS ay nasumpungang nagiisa. At sila'y di nagsisiimik, at nang mga araw na yao'y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita.--- ( Lucas 9:33-36 )

SI JESUS ANG ANAK NA IPINAKILALA NG AMA NA SIYA NIYANG HIRANG NA SA KANYA DAPAT TAYO MAKIKINIG :

Siya ang ANAK na sinisinta ng Dios na lubos niyang kinalulugdan.

⏩ "Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya. Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong ANAK , na siya kong lubos na kinalulugdan.-- ( Mateo 3:13-17 ) 

-----------

Paano naman pinakilala ni Cristo ang kanyang sarili sa mga tao:

⏩ "Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang Anak ng Dios? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. --- ( Juan 10:36-37 )

------------

Ano naman ang pagkilala ng kanyang mga alagad kay Cristo :

⏩ "Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo: --- ( 1 Juan 1:3 )

MALIWANAG NA IPINAKILALA NI CRISTO ANG KANYANG SARILI NA SIYA ANG ANAK NG DIOS AT ITO RIN ANG PAGKILALA SA KANYA NG KANYANG MGA ALAGAD :

ANG MAG-AMA NA PINAKILALA NG BIBLIA ,ANG AMA AT ANG KANYANG ANAK NA SI JESU-CRISTO:

Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios (Ama) sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

-------------

Ngayon doon sa tanong bakit tayo naniniwala na Dios ang Cristo?

Eh Kasi Siya ang Anak ng Dios!
Kung Dios ang nanganak natural na ang kanyang Anak ay Dios:

Ano ang patunay na ang Anak niya ay Dios :

⏩ "No one has ever seen God, but the one and only Son, who is himself God and is in closest relationship with the Father, has made him known.-- ( John 1:18 NIV )

Sa Greek ay "Monogenēs Theos" ( Only Beggoten God ) -- " Bukod-tangì ipinanganak na Dios" at ito talaga ang nakasulat sa mga matatandang manuskrito ng Bibliang Griego na tinatawag na mga Codex :

Kaya sa salin ng ESV ay "ONLY GOD " Bukod tangi na Dios"

⏩ " No one has ever seen God; the only God, who is at the Father’s side, he has made him known.--- ( ESV )

-----------

Ang nagsulat ng 1 JOHN 1:18 ay si Apostol.Juan bakit niya nasabi na Dios ang Cristo:

Itaas lang natin ang pagbasa sa pasimula na sulat ni Apostol Juan :

⏩ "Nang pasimula siya ang SALITA , at ang SALITA ay sumasa Dios, at ang SALITA AY DIOS . Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya...."At nagkatawang-tao ang SALITA , at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.-- ( Juan 1:1-3,14 )

Ang sabi ng Apostol na si Juan sa pasimula siya ang SALITA at ang Salita ay sumasa Dios at ang SALITA AY DIOS at ITONG Salita ay nakatawang tao sa bersikulo 14 ,at nakita nila ang KALUWALHATIAN NG BUGTONG NA ANAK NG AMA.

At ito pa ang patotoo ng Apostol na si Juan sa pagka Dios ng Anak:

⏩ "At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. -- ( 1Juan 5:20 ) 

Ang sabi ni Apostol Juan nalalaman natin na naparito ang ANAK NG DIOS at tayo'y binigyan ng pagkaunawa upang ating makilala siya na totoo at tayo'y nasa kaniya na totoo sa makatuwid sa kaniyang ANAK NA SI JESU CRISTO "ITO " na tinutukoy niya ay Anak ng Dios na si JesuCristo "ITO" ANG TUNAY NA DIOS ,at buhay na walang hanggan:

Pinakilala talaga ng Apostol Juan na si Cristo ay Dios :

---------------

Paano naman ipinakilala ni Apostol Tomas ang pagka Dios ng ating Panginoong Jesu Cristo:

⏩ " At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.--- ( Juan 20:26-29)

PANGINOON AT DIOS ANG PAGKILALA NI APOSTOL TOMAS SA CRISTO .

------------

Paano naman ipinakilala ni Apostol Mateo ang pagka Dios ni Cristo :

⏩ "At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios. --- (Mateo 1:22-23)

PINAKILALA NI APOSTOL MATEO NA ANG IPAPANGANAK NA SANGGOL AY ANG DIOS NA SUMASA ATIN .

------------

Paano naman ipinakilala ni Apostol Pedro ang pagka Dios ni Cristo:

Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:--- ( 2 Pedro 1:1 )

PINAKILALA NI APOSTOL PEDRO NA ANG CRISTO AY DIOS AT TAGAPAGLIGTAS.

------------

Paano naman pinakilala ni Apostol Judas Tadeo ang pagka Dios ni Cristo:

⏩At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal, -- ( Judas 1: 14 ) 

ANG SABI NI APOSTOL JUDAS DUMADATING ANG PANGINOON NA KASAMA ANG KANIYANG MGA LAKSALAKSANG BANAL ANG PANGINOON NA TINUTUKOY DITO NI JUDAS AY ANG ATING PANGINOONG JESU CRISTO NA DARATING.

At ang PANGINOON na darating ay siyang Dios!

⏩ "Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.--- ( Mga Awit 100:3 ) 

AT SIYA AY DARATING NA MAY APOY UPANG IGAWAD ANG KANYANG GALIT NA MAY KAPUSUKAN:

⏩ " Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.--- ( Isaias 66:15-16 ) 

-----------

Paano naman ipinakilala ni Apostol Pablo ang pagka Dios ni Cristo:

⚫DIOS NA MALUWALHATI:

⏩"Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.-- ( Roma 9:5 ) 

⚫ DAKILANG DIOS AT TAGAPAGLIGTAS:

⏩ "Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; -- ( Tito 2:13 )

⚫NASA ANYO NG DIOS :

⏩ "Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: --- ( Filipos 2:5-7 ) 

⚫DIOS NA NAHAYAG SA LAMAN :

⏩ At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Ang Dios nahayag sa laman,..." -- ( 1 Timoteo 3:16 KJV )

⚫KAY CRISTO NANANAHAN ANG BOUNG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS SA KAHAYAGAN AYON SA LAMAN:

⏩ "Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,-- ( Colosas 2:9 ) 

⚫OH DIOS :

⏩ "Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. -- ( Hebreo 1:8 )

⏩ "Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; -- ( Hebreo 1:3 )

---------

⚫ Ang Panginoon ,ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta na nagsugo ng mga anghel ay si Jesus:

Apocalipsis 22:6,16
At sinabi niya sa akin, Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali..." Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

------------

Inangkin ba ni Cristo ang pagka Dios!

⏩ "Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay AKO NGA. -- ( Juan 8:58 ) 

Sabi ni Cristo bago ipanganak si Abraham ay "AKO NGA"

Sino itong si "AKO NGA"

⏩ "At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. -- ( Exodo 3:14 )

Verbatim na sinabi ni Jesus ang salitang ito na siya ang Dios ni Abraham ,ang Dios ni Isaac at ang Dios ni Jacob.

⏩ Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay. -- (Mateo 22:32 )

---------

⚫Sinabi ni Cristo na siya ang ALPHA AT ANG OMEGA ang PANGINOONG DIOS :

⏩ "Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. -- ( Apocipsis 1:8 )

⚫ANG MAGTATAGUMPAY KANILANG MAGIGING DIOS ANG CRISTO:

⏩ "At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.-- ( Apocalipsis 21:6-7)

----------

Hinulaan na ni Propeta Isaias na ang ipapanganak na batang lalake ay ang Makapangyarihang Dios na magkakatawang tao:

⏩ "Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. --- ( Isaias 9:6 )

Comments

  1. HINDI KA BA NAGSISINUNGALING o ikaw ay ANTICRISTO. Alam naman natin na iisa lang ang Diyos at iyon ay ang Ama ayon mismo kay Cristo Juan 17:1,3 at ipinakilala ni Cristo na siya ay tao Juan 8:44. Kaya ang mga nagtuturo ng kristo Diyos ay mga sinungaling Juan 8:44.
    Ang ANTICRISTO ay KAAWAY ni Cristo at ng Diyos. Sila ay mga suwail, ibig pantayan ang Diyos at si Cristo. Ang unang lumaban sa Diyos ay si lucifer Isaiah 14:12-17 Maganda, malakas at matalino, perpektong kiruben. MAYABANG, MAPAGMATAAS AT Nasumpungan na suwail at rebelde at ibig makapantay ang Diyos, kaya siya ay itinapon sa lupa at tinawag na DEMONYO, nagpanggap na kristong Diyos at Ama ng mga SINUNGALING Juan 8:44 at NADAYA ang buong sanlibutan. *

    Ang Ama, ang tunay na Diyos ay nakalimutan na. IPINALIT nila ang nagpanggap na kristong Diyos. Ang buong sanlibutan ay NADAYA.

    PAANO MAKIKILALA ANG MGA ANTICRISTO? Sila ay MAPAGMATAAS, MAYABANG, suwail at ibig din pantayan ang Diyos, Tulad din sila ni lucifer. Ang pope ay most holy father, ang pari ay Ama rin ng kaluluwa, ang mga pastor protestante ay mga reverendo, si Quiboloy at soriano na mga MAYABANG ay Diyos daw sila.

    Ang tunay na Cristo ay tao Juan 8:40, 1timotiyo 2:5 Juan 17:1,3. Sugo ng Diyos. MASUNURIN, TAPAT at MAPAGPAKUMBABA. Pinarangalan na anak ng Diyos sa pagkamasunurin, hindi biological son. Pinadakila ng Diyos Filipos 2:9-11 at tagapagmana EFESO 1:20-

    ReplyDelete
  2. Ipinipilit ng mga ANTICRISTO ang kanilang kristong Diyos. Kahit na malinaw ang pahayag ng tunay na Cristo na iisa lang ang Diyos, ang Ama. Juan 17:1, 3 at siya ay sinugo, at ipinakilala niya, na siya ay tao Juan 8:40. Muli ipipilit nila ang pagka Diyos ni Cristo ay litiral na kalagayan, at hindi katangian. Ang pagka Diyos ni Cristo ay KATANGIANG KABANALAN. Ang Diyos ay banal at si Cristo ay banal. Tulad din ng PAGKADEMONYO. Ito ay katangian ng KASAMAAN, HINDI KALAGAYAN. Kung DEMONYO ka ibig sabihin MASAMA ka.
    Ang kristong Diyos ng mga ANTICRISTO ay si Lucifer na nagpapanggap. NAHIGITAN na ni lucifer Isa.14:12-17 ang Diyos, hindi na kinikilala ang Ama ang tunay na Diyos, ang kristong Diyos na ang kanilang Diyos at sinasamba. Kaya PAGDATING ni Cristo at ng Diyos, kayong mga ANTICRISTO NAMAN ang haharap sa hukuman ng Diyos. Makakasama niyo ang nagpanggap na kristong Diyos na si lucifer, sa impyerno upang susunugin kayo magpasawalanghanggan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I cor. 8:6

      1 Corinthians 8:6 sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya.
      𝗜𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻, 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂-𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼, at 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮'𝘆 𝗻𝗶𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆 at 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮'𝘆 𝗻𝗮𝗯𝘂𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼.

      John 1:3
      Sa 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆,
      at 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮.

      Delete

Post a Comment

Popular Posts