ANG PAGKA PERSONA NG ESPIRITU SANTO
Ang pagka Persona ng Espiritu Santo at ang pagka Dios
Ano nga ba ang Espiritu Santo !
Kasi may mga pangkating pang relihiyon na hindi nila pinaniniwalaan na ang Espiritu Santo ay isang persona ,at dahil hindi sila naniniwala sa pagiging persona nito itinatanggi nila na ang Espiritu Santo ay Dios.
Sa Mga Saksi ni Jehova ang Espiritu Santo ay isa lamang enerhiya o kapangyarihan ngayon aalamin natin kung totoo ba ang kanilang paniniwala sa Espiritu Santo:
Ano mga patunay na Espiritu Santo ay isang persona?
Juan 14:26
Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
Itong Mangaaliw o Espiritu Santo sa Greek ito ay "paraklĆ©tos" ( ĻĪ±ĻĪ¬ĪŗĪ»Ī·ĻĪæĻ) parĆ”, "from close-beside"-- kalĆ©Å, "make a call" sa Hebreo tinatawag itong Espiritu Santo na "Ruach ha-kodesh " ( ×Ø×× ×ק××ש)
Pansinin na itong Espiritu Santo ginamitan siya ng personal pronoun na "SIYA " o " HE " or "HIM"
Grammatically speaking " HE " is a masculine person-- Kaya persona ang Espiritu Santo kasi may kakayahan ito na magturo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ni Jesus at magpatotoo.
John 14:26 KJV
But the Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in My name, HE will teach you all things, and bring to your remembrance all things that I said to you.
John 15:26
But when the Helper comes, whom I shall send to you from the Father, the Spirit of truth who proceeds from the Father, HE will testify of Me.
------
Dahil persona ang Espiritu Santo mayroon itong pakiramdam o imosyon.
⚫ Nakakaramdam ang Espiritu Santo ng Pighati at kapanglawan :
Efeso 4:30
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.
Isaias 63:10
Nguni't sila'y nanganghimagsik, at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
⚫Nagsasalita ang Espiritu Santo:
2 Samuel 23:2
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
Mga Gawa 8:29
At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.
⚫Ang Espiritu Santo ay may isip at nakakasaliksik maging ng malalim na bagay ng Dios.
Roma 8:6
Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
Roma 8:27
At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
1 Corinto 2:10
Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.
⚫Ang Espiritu Santo ay may kamalayan at nakapag uutos at nakapagtuturo:
Mga Gawa 13:2
.At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.
Lucas 12:12
Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.
⚫Ang Espiritu Santo ay may kakayahang mag desisyon :
Mga Gawa 15:28
Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
⚫Ang Espiritu Santo ay nagpaparusa sa mga umaalipusta sa kanya:
Hebreo 10:29
Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
⚫ Ang Espiritu Santo ay nakakapamamagitan ng ating mga pananalangin:
Roma 8:26
At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita.
⚫Ang Espiritu Santo ay nakikipagpunyagi:
Genesis 6:3
At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
⚫Ang Espiritu Santo ay nakapagpatotoo sa mga anak ng Dios at kay Cristo :
Roma 8:16
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
Juan 15:26
Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
⚫Ang Espiritu Santo ay nagkakaloob ng mga kaloob ukol sa espiritu :
1 Corinto 12:11
Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.
⚫Ang Espiritu Santo ay binabanal ang mga anak ng Dios :
Roma 15:16
Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
⚫Luluwalhatiin ng Espiritu Santo ang Anak :
Juan 16:14
Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.
------------
Kaya maliwanag na pinapakilala sa Biblia na ang Espiritu Santo ay isang persona at taglay din ng Espiritu Santo ang katangian ng persona ito ay taliwas sa paniniwala ng mga saksi ni jehova na ang Espiritu Santo sa kanila ay isa lamang enerhiya o lakas na walang kamalayan at imosyon.
⏩ Ang Katotohanan ang Espiritu Santo ay may kapangyarihan hindi siya ang kapangyarihan may taglay itong kapangyarihan:
Roma 15:13
Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Mikas 3:8
Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan.
----------
⏩ Ang Espiritu Santo ay manlalalang at katangian ng Dios ang pagiging manlalalang:
Job 33:4
Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. -
-----------
⏩ Ang Espiritu Santo ay Panginoon:
2 Mga Corinto 3:17
Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.
⏩ At ang Panginoon ay siyang Dios :
Mga Awit 100:3
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
Tinawag ni Apostol Pedro na Panginoon ang Espiritu Santo na nagsalita sa kanya ?
Mga Gawa 10:9 - 15 ,19 "Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim; At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa; At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi..." At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu Santo, Narito, hinahanap ka ng tatlong tao
-------
⏩ Ang Kapusungan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran na kasalanan :
Mateo 12:31-32
Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
----------
⏩NAGSASALITA ANG ESPIRITU SANTO NA TINUKSO SIYA NG BAYANG ISRAEL SA ILANG !
Hebreo 3:7-11
Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
⏩ANG TINUKSO NG BAYANG ISRAEL SA ILANG AY ANG DIOS:
Mga Awit 106:13-14
Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo: Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
---
Mga Awit 95:7-11
Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang:Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko.Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan:Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
ANG ESPIRITU SANTO NA TINUKSO NG BAYANG ISRAEL SA ILANG AY ANG DIOS !
--------
⏩ KASAMA ANG ESPIRITU SANTO SA TINATAWAG NA KADIOSAN ( GODHEAD )
Mateo 28:19
"Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng AMA at ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO.
---------
Ngayon duon sa katuwiran ng mga saksi ni Jehova na ang Espiritu Santo ay isa lamang lakas at kapangyarihan
Bakit ?
Pag lakas ba o Kapangyarihan hindi na pwedi maging persona
Ang Panginoon nating Dios ay isang LAKAS o KALAKASAN !
Mga Awit 28:7
"Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.
Si Cristo tinawag na Kapangyarihan at Karunungan ng Dios!
Pero sino ang magsabi na itong Cristo na kapangyatihan at karunungan ng Dios ay hindi isang persona:
"Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios. -- ( 1 Mga Corinto 1:24 )
Kaya mali na sabihin na hindi persona ang Espiritu Santo:
Bagamat Gumagamit ka ng mga talata ng bibliya, hindi naman tugma ang iyong paliwanag, di ba mas Maganda Kung bibliya rin ang mag paliwanag, hindi yung ating kuro.
ReplyDeleteIsipin mo na ang Diyos ispiritu santo ay gawa lang ng catholic council sa Constantinopla taong 381 AD. At nabuo ang aral na Trinidad. Wala na ang mga apostol. Kaya hindi ito biblical, aral ng ANTICRISTO.
INC KA NU ALANGAN NAMAN ANG MAG INTERPRET AY ANG ANGHEL MO NA MAY ANGSOD NA YONG NATUTUNAN SA BIBLIA AY PANG ELEMENTARY LANG
ReplyDelete