ANG PAGKAKATAWANG TAO NG ANAK NG DIOS ANG DIOS NAHAYAG SA LAMAN.




Ang pagkakatawang tao ng Anak ng Dios ang Dios nahayag sa laman:

⏩ Ano ang patunay na ang Anak ng Dios ay nagkatawang tao?

Juan 1:1-3,14 
Nang pasimula siya ang SALITA , at ang SALITA ay sumasa Dios, at ang SALITA AY DIOS. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya...."At nagkatawang-tao ang SALITA , at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.-

Si Cristo sa pasimula ay ang Salita at ang Salita ay sumasa Dios o kasama ng Dios (Ama ) at ang Salita ay Dios ,at itong SALITA ay nagkatawang- tao at tumahan sa gitna natin at nakita natin ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama:

---------

⏩Ngayon ang saan galing itong bugtong na Anak ng Ama na nagkatawang tao?

Juan 6:38 
"Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. "

Ang bugtong na Anak ng Ama ay bumaba mula sa langit upang gawin ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kanya sa makatuwid siya ay nagmula sa langit at bumaba sa lupa.

Bakit kailangan bumaba ng Anak sa lupa!

⏩ "Sa langit ang sabi ng Panginoon sinong susuguin ko at sinong yayaon sa ganang AMIN?

Isaias 6:8 
" At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. "

---

⏩ Nakapag sugo ba ang Panginoon?

Isaias 48:16
"Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu. "

-----

⏩At isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan:

1Juan 4:14
At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan.

------------

⏩ Ang Dios ay bumaba sa lupa at yayapak sa mataas na dako ng lupa:

Mikas 1:3 
Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.

------------

⏩ Ngayon ano ang ginawa ng Panginoon na bumaba sa lupa para maisagawa ng pagkakatawang tao?

Lucas 1:26-28
Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal,ANG PANGINOON AY SUMASA IYO.

Ang Panginoon ay sumasa kay Maria o papasa loob ng sinapupunan o bahay bata ni Maria at sa ganito magagawa niya ang pagkakatawang tao:

⏩ Sino itong Panginoon na sumasa kay Maria?

Isaias 40:3 
Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.

Ang sabi ni Propeta Isaias ihanda ninyo sa ilang ang daan ng PANGINOON pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating DIOS Kaya itong Panginoon na inihanda na hinulaan ni Propeta Isaias ay ang ating Dios ito ang Panginoon na sumasa kay Maria kinasangkapan niya si Maria para magawa niya ang pagkakatawang tao at maipag buntis ng isang dalaga :

Mateo 3:3 
Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang DAAN NG PANGINOON, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.-

-----------

⏩Ano ang patunay na ang ipinagbuntis ni Maria ay ang Panginoon na nagkatawang tao?

Isaias 7:14
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. 

⏩Ano ba ibig sabihin ng Emmanuel?

Mateo 1:22-23
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios. 

Ang Emmanuel na kung liliwanagin ay sumasa atin ang Dios :

⏩Ano ang patunay na Dios nga itong ipapanganak ng isang dalaga?

Isaias 9:6 
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

----------



⏩ Ang Dios nahayag sa laman:

1 Timoteo 3:16 KJV 
At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Ang Dios nahayag sa laman,..."

At nuon pa man alam na ito ng mga lingkod ng Dios na ang Dios ay mahahayag sa laman ang sabi ng lingkod ng Dios na si Job ay ganito:

Job 19:26 
At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman:

At itong pahayag ni Job na na makikita niya ang Dios sa kanyang laman natupad ito at sa kanila nagmula ang Cristo ayon sa laman na siya lalo sa lahat DIOS NA MALUWALHATI:

Roma 9:5 
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.--

⏩ Naganyong alipin ,na nakitulad sa mga tao:

Filipos 2:5-7
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: -

⏩ Nagpakababa sa kanyang sarili at nasumpungan sa anyong tao:

Filipos 2:8
At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili,..."

------------

Colosas 2:9 
"Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman.

Kaya ang nananahan sa loob ng katawang laman ay ang Dios o ang Anak ng Dios na nasa kalagayang espiritu sa kahayagan ayon sa laman.

Kaya ang laman na nakita ng mga Apostol ni Cristo nung nakasama nila ang Panginoon sa lupa tabing lang ito para ikubli ang Dios na nasa loob ng katawang laman.

Hebreo 10:20
Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;

----------

⏩ Dios na Naparitong nasa laman kanyang isinuot ang katawang laman para masumpungan sa anyo ng tao:

1 Juan 4:2
Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:

-----------

⏩ Ang Panginoon ay paparito sa kanyang Templo!

"Narito aking sinusugo ang aking sugo ,at siya'y maghahanda ng daan sa harap ko ,at ang Panginoon na inyong hinahanap ay bilang paparoon sa kanyang TEMPLO..."-- ( Malakias 3:1 )

Natupad ang hula na ito na paparoon ang Panginoon sa kanyang templo!

"Ang tinig ng isang sumisigaw ,ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon ,pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. Bawa't libis ay mataas ,at bawa't bundok at burol ay mabababa :at ang mga bakobako ay matutuwid ,at ang hindi pantay na dako ay mapapatag, At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag at makikitang magkakasama ng lahat na tao ,sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.-- ( Isaias 40:3-5 )

⏩ Ang Panginoon ay nasa kanyang Banal na Templo:

Mga Awit 11:4 
Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ..." --

Ang Panginoon ba ang TEMPLO !

Hindi ???

Nasa loob siya ng kanyang BANAL NA TEMPLO !

Habacuc 2:20
Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya. 

⏩ Alin ang TEMPLO na tinutukoy ng Panginoon na nandoon siya ?

Juan 2 :19-21
Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw. Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw? Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Ang Tinutukoy ng Panginoon na TEMPLO na nandoon siya ay ang kanyang KATAWANG LAMAN sa loob nung KATAWANG LAMAN duon nananahan ang DIOS sa kalagayang espiritu sapagkat ang Dios ay espiritu.

Mateo 23:21 NLT 
At kapag sumumpa ka 'sa Templo,' sinumpa mo ito at ng Diyos, na naninirahan dito.--

Ang katawang laman ang TEMPLO at sa loob ng katawan ay nananahan ang Dios sa makatuwid ang Anak ng Dios.

Ang katawang laman ang TEMPLO na pinasukan ng Dios:

Ezekiel 44:2
At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.

Kaya ganito ang sabi ng Panginoon:

" Gagawa ako ng isang tipan sa kanila. Ito ay tipan ng kapayapaan at mamamalagi magpakailanman. Pagpapalain ko sila at pararamihin. Itatayo ko sa kalagitnaan nila ang aking TEMPLO. Ako'y maninirahang kasama nila magpakailanman. Ako ang magiging Diyos nila, sila'y magiging bayan ko.--- ( Ezekiel 37:26-27 Magandang Balita Biblia )

---------

Hebreo 10:5
Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;

Kaya ang katawang laman na pinatay ng mga sundalong romano at ipinako sa cruz ay ang TEMPLO! nagiba nila ang TEMPLO ngunit hindi nila maaring mapatay ang Dios na tumatahan sa loob nito katulad ng templo na itinayo ni Haring Solomon nawasak ito ngunit nanatiling buhay ang Dios na minsan tumahan sa loob nito.

Ang katawang laman ni Cristo ay itinulad sa Templo na kung saan ang Anak ng Dios na nasa kalagayang espiritu ay nanahan sa loob nito na Dios nahayag sa laman.

----------

⏩ Sa pagkakatawang tao ng Anak ng Dios natupad ang kanyang pangako na siya ay makikipag usap sa tao na bibig sa bibig at ang anyo ng Panginoon ay kanilang makikita:

Mga Bilang 12:8
Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita:..."

⏩ At nahayag sa tao ang Salita ng buhay na kanilang nakita ang kanyang anyo at narinig at nahipo:

At kanilang sinabi?

1 Juan 1:1-2 
Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);

Comments

  1. Ipinipilit ng mga ANTICRISTO ang kanilang kristong Diyos. Kahit na malinaw ang pahayag ng tunay na Cristo na iisa lang ang Diyos, ang Ama. Juan 17:1, 3 at siya ay sinugo, at ipinakilala niya, na siya ay tao Juan 8:40. Muli ipipilit nila ang pagka Diyos ni Cristo ay litiral na kalagayan, at hindi katangian. Ang pagka Diyos ni Cristo ay KATANGIANG KABANALAN. Ang Diyos ay banal at si Cristo ay banal. Tulad din ng PAGKADEMONYO. Ito ay katangian ng KASAMAAN, HINDI KALAGAYAN. Kung DEMONYO ka ibig sabihin MASAMA ka.
    Ang kristong Diyos ng mga ANTICRISTO ay si Lucifer na nagpapanggap. NAHIGITAN na ni lucifer Isa.14:12-17 ang Diyos, hindi na kinikilala ang Ama ang tunay na Diyos, ang kristong Diyos na ang kanilang Diyos at sinasamba. Kaya PAGDATING ni Cristo at ng Diyos, kayong mga ANTICRISTO NAMAN ang haharap sa hukuman ng Diyos. Makakasama niyo ang nagpanggap na kristong Diyos na si lucifer, sa impyerno upang susunugin kayo magpasawalanghanggan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts