MAY TAO NABA SA LANGIT
Saan napupunta ang espiritu ng taong namatay at totoo ba na may taong banal na sa langit :
Una alamin natin ano ba ang espiritu ng tao?
⏩ " At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. -- ( Genesis 2:7)
Nang nilalang ng Panginoong Dios anv tao nilalang niya ito mula sa alabokng lupa at pagkatapus ianyo ang tao mula sa alabok ng lupa hiiningahan niya ang butas ng ilong ng tao ng HININGA NG BUHAY at ang tao ay naging kaluluwang may buhay
Samakatuwid ang ESPIRITU NG TAO ay ang hininga ng buhay na hininga ng Panginoon sa butas ng kanyang ilong kaya ang tao ay naging kaluluwang may buhay o kaluluwang may espiritu.
Ngayon itong espiritu na siyang hininga ng buhay na nasa loob ng tao nilalang ba ito ng Dios:
Basa:
⏩"Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng espiritu sa loob ng tao: --- ( Zacarias 12:1 )
Kaya itong espiritu ng tao na inilagay ng Dios sa loob ng tao nilalang din ng Dios:
Ngayon may espiritu ba ang tao ?
⏩ "Nguni't may espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa. -- ( Job 32:8)
Kaya may espiritu ang bawat tao na nilalang ng Dios walang tao na walang espiritu kaya lahat ng mga tao ay may espiritu.
Ngayon ano itong tinatawag na espiritu ng tao?
⏩ "(Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); -- ( Job 27:3 )
Itong espiritu na nilalang ng Dios sa loob ng tao tinatawag din itong "espiritu ng Dios " bukod ito at iba sa Espiritu ng Dios o Banal na Espiritu.-- Kaya tinawag ito na " espiritu ng Dios " nagmula ito sa Dios , at ang Dios ang lumalang nito.--- parang salita na "TAO NG DIOS " ginagamit ito para pantukoy sa isang bagay na pag aari ng Dios ,ganun din ginamit sa espiritu ng tao ang salitang "espiritu ng Dios" para tukuyin na itong espiritu ng tao ay nagmula sa Dios o pag aari ng Dios.
Ngayon ang sabi ng lingkod ng Dios na si Job ...ang aking buhay ay buo sa akin at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong na tumutukoy sa hininga ng buhay na nasa mga butas ng kanyang ilong.
Ano nagaganap sa sandali na ang tao ay namatay?
Ito ang sabi ng Biblia :
⏩ "Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay NALALAGUTAN NG HININGA, at saan nandoon siya? -- ( Job 14:10 )
Nalalagot o nababatid sa kanya ang hininga ng buhay na ito ang espiritu na nasa mga butas ng kanyang ilong :
Pag umalis na sa ating katawan ang espiritu na siyang hininga ng buhay duon na makakaranas ang tao ng kamatayan.
⏩ " Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay. -- ( Santiago 2:27 )
Kaya patay ang katawan na walang espiritu nagaganap ito sa oras na nabatid ang HININGA NG BUHAY ,umaalis ang espiritu sa ating katawan:
Ngayon ang nangyayari sa espiritu na umaalis sa ating katawan?
⏩ "Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli. Sinong nakakaalam ng espiritu ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa? -- ( Eclesiastes 3:20-21 )
Ang sabi ni Solomon lahat nagsisiyaon sa isang dako lahat ay buhat sa alabok at ang lahat nangauuwi sa alabok uli ang sabi niya pa sino ang nakakaalam ng espiritu ng tao kung ito'y nagpapaiilanglang.
Bakit nagpapailanglang ang espiritu ng tao pagkatapus ito umalis sa katawan saan ito napupunta?
⏩ " At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang espiritu ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya. -- ( Eclesiastes 12:7 )
Ang nagaganap sa pagkamatay ng tao ang kanyang katawang lupa ay nauuwi sa alabok ng lupa at ang espiritu ay nababalik sa Dios na nagbigay nito.
---------
Tandaan natin ang espiritu na bigay ng Dios sa tao pwedi ito sasama kung ang tao ay magpapakasama at magpapakarumi:
Kaya ang sabi ng Apostol Pablo:
⏩ "Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios. -- ( 2 Corinto 7:1 )
Pansinin natin may dalawang uri sa ating pagkatao ang dapat malinis ito ang karumihan sa laman at ang karumihan ng espiritu kaya naihahawa ng karumihan ng laman ang ating espiritu kaya ito ay nagiging marumi.
pag ang ating laman naihahawa niya na ating espiritu sa karumihan tumatalikod na rin sa Dios ang ating espiritu.
⏩ " Na tinatalikdan mo ng iyong espiritu ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. -- ( Job 15:13 )
Kaya mayroong espiritu ng tao na hindi pwedi bumalik sa Diyos na nagbigay nito sapagkat ito ay marumi sa paningin ng Dios ,at ang ganitong uri ng espiritu ay ang espiritu ng taong masama na nagpakasama na inihawa ng kasamaan ng kanyang laman ang espiritu nito .
-------------
Ngayon saan napupunta ang dalawang uri ng espiritu na siyang espiritu ng taong matuwid at ang espiritu ng taong masama ang budhi?
Sa Biblia mayroon dalawang dako na doon inilalagay ang mga espiritu ng tao na namatay na itinuro ng ating Panginoong Jesu Cristo :
Una ay ang dako na paglalagakan ng mga espiritu ng mga taong matutuwid o mga banal na namatay:
Tinatawag ito na "Abraham Bossom " o Sinapupunan ni Abraham: sa Greek ang ginamit ay " kolpon Abraam "
Sa sandali na namamatay ang tao humihiwalay ang ating espiritu sa ating katawan at mayroon anghel na susundo at kukuha ng ating espiritu:
⏩ " At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham:.." ( Lucas 16:22 )
Kaya ang espiritu ng pulubi na si Lazaro dinala sa dako na kung tawagin ay SINAPUPUNAN NI ABRAHAM.
Ano ba dako na tinatawag na Sinapupunan ni Abraham na doon dinala ang espiritu ni Lazaro?
Ito ang dako na kung saan doon inaaliw ang mga espiritu ng mga taong matutuwid at banal:
⏩ "....at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini... " ( Lucas 16:25 )
Ito rin ang dako ng mga espiritu na nagbabalik sa Dios na sinabi sa Eclesiastes 12:7 tinatawag ang dako na ito na Abraham Bossom:
--------------
Ngayon saan naman napupunta ang mga espiritu ng mga taong masasama na namatay?
Napupunta naman sila sa dako na kung tawagin sa Biblia na "Hades" o "Hade " ( ᾅδῃ) dito dinala ang hangal na mayaman :
⏩ "....at namatay naman ang mayaman, at inilibing. At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.-- ( Lucas 16:22-23 )
Dako ito ng pagdurusa !!!! na sa dako na ito nagdurusa na ang mga espiritu ng mga taong masasama:
Sa dako na ito parang sinusunog na sila tandaan natin hindi pa ito ang dagatdagatang apoy sapagkat sa dako na ito nagdurusa na sila sa alab ng paghihirap sa matinding init:
⏩ " At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.-- ( Lucas 16:24-25 )
-------------
At sa pagitan ng dalawang dako na ito mayroon BANGIN nanaghihiwalay sa dako ng Sinapupunan ni Abraham sa dako ng tinatawag na Hades na ang nasa hades hindi makaparoon sa dako na sinapupunan ni Abraham at ang nasa sinapupunan ni Abraham hindi makaparoon sa dako na tinatawag na Hades:
⏩ "At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. -- ( Lucas 16:26 )
-----------
Ang dako na tinatawag Hades tinatawag rin ito na kulungan ng mga espiritung suwail:
Ito ang dako na pinuntahan ng ating Panginoon Jesu Cristo ng siya ay pinatay sa laman umahon siya sa libingan at nangaral sa mga espiritu na nasa bilangguan:
⏩ "Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe..." --- ( 1Pedro 3:19-20 )
------------
Ang dalawang dako na ito ay ISANG TEMPORARY PLACE sa mga espiritu na naghihintay sa araw ng pagkabuhay na mag uli ng mga patay na kung saan ang mga espiritu ng tao o HININGA NG BUHAY na inilagak sa mga dako na ito ay palalabasin para ibalik sa kanilang katawan sa araw ng pagkabuhay ng mga patay para sa paghatol na gagawin ng Dios :
⏩ "Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ANG HINGA SA INYO, at kayo'y mangabubuhay. At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto. At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila. Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay. Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.--( Ezekiel 37:1-10 )
----------------
Ngayon ang sunod natin na tanong may mga tao naba sa langit ?
Kasi ang sabi ng mga Katoliko naroon na sa langit ang kanilang mga santo at santa at si Maria na ipinagdadasal daw sila sa Dios? Kaya ang sabi nila ang mga santo at mga santa na ito na kina-canonized ng kanilang simbahan ay pwedi mamagitan sa kanila dahil nasa langit na daw sila kung mananalangin ka sa mga ito?
Gaano ito ka totoo?
Una hindi totoo na may tao na sa langit ? Sino ang nagsabi :
Ang Panginoon na alam niya ang lahat ng bagay:
⏩ "Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa. -- ( Juan 21:17 )
Ano ang sabi ng Panginoon Jesu Cristo :
⏩ " At walang tao umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit. -- ( Juan 3:13 )
Ang tinutukoy dito ng ating Panginoon na langit ay ang ikatlong langit na kinalalagyan ng paraiso: Ang sabi niya walang tao umakyat sa langit kundi ang galing sa langit sa makatuwid ang ang Anak ng tao na nasa langit .
In John 3:13 KJV "And no man hath ascended up to heaven, but he that came down from heaven, even the Son of man which is in heaven.
Maliwanag nga yan na wala ngang taong may nakaakyat sa langit ito ang sabi ng Panginoon na bumaba mula sa langit.( Juan 6:38 )
---------------
Ngayon ang tanong natin bakit wala pang tao sa langit at kailan magkakaroon ng tao sa langit ?
Kailan nga ba ! Ito ang sabi ng Panginoon:
⏩ " Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon-- ( Juan 14:2-3 )
Ang sabi ng ating Panginoon Jesu Cristo sa bahay ng aking Ama doon sa langit ay maraming tahanan sinasabi ko sa inyo sa kanyang mga alagad na kung ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan at kung akoy pumaroon na at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan ay muling paparito ako at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili upang kung saan ako naroroon ,kayo naman ay dumoon.
Kaya ang pag akyat sa langit magaganap sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu Cristo at sa pagkabuhay ng mga patay.
Lukas 14:14 "At magiging mapalad ka:sapagkat wala silang sukat ikagaganti sa iyo ;sapagkat gagantihan sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap.--
paano sila gagantihan kung hindi pa magaganap ang pagkabuhay sa mga patay.
-----------
Ngayon ano ang magaganap sa pagbabalik ng ating Panginoon Jesu Cristo?
Ito ang sabi ng Apostol Pablo:
⏩ "Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.--- ( Filipos 3:20-21 )
Ang sabi sa pagbabalik ng ating Panginoon Jesu Cristo ito ang magbabago ng ating katawan pagkamababa upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian.
Paano ito mangyayar?
Ito ang sabi niya sa magyayari :
⏩ " Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin, Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.--- ( 1 Corinto 15:51-52 )
Ang sabi niya isinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga na sa pagdating ng Panginoon hindi tayong lahat ay mangatutulog o mamatay ngunit tayong lahat ay babaguhin sa isang sandali sa isang kisap -mata sa huling pagtunog ng pakakak sapagkat tutunog ang pakakak at ang mga patay ay mangabubuhay na muli na walang kasiraan ,at tayo'y babaguhin.
Kaya sa pagbabalik ng ating Panginoon Jesu Cristo ay bubuhayin ang mga patay at papalitan ng walang kasiraan at tayo'y babaguhin.
Ano ang patunay na sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu Cristo ay bubuhayin ang mga patay:
⏩ "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay...."At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao. Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.-- ( Juan 5:25,27-29)
Kaya maling mali ang paniniwalang katoliko na pagkamatay mo hahatulan kana agad at dadalhin sa paraiso at ibubulid na agad sa dagat dagatang apoy ang nasa Biblia sa pagbabalik ng ating Panginoon Jesu Cristo bubuhayin ang mga patay at ang lahat ng nangasa libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig at magsisilabas ang mga nagsigawa ng mabuti sa pagkabuhay na mag uli sa buhay ito ang mga mapalad na nakasama sa tinatawag na unang pagka buhay.- (Apocalipsis 20:6 ) at ang mga nagsisigawa ng masama ay sa pagkabuhay na mag uli sa paghatol duon pa lang sila ibubulid sa dagat dagatang apoy.
------------
At ito ay magaganap sa pag-agaw o Rapture tinatawag din ito unang pagkabuhay doon pa lang magkakaroon ng mga tao sa langit.
Ano ang patunay na natin na doon pa lang sa unang pagkabuhay magkakaroon ng tao sa langit ?
⏩ "Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.--- ( 1Tesalonica 4:15-17 )
Ang sabi ng Apostol Pablo tayong mga nabubuhay na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog o sa mga patay sapagkat ang Panginoon ay bababang mula sa langit na may isang sigaw ,may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Dios at ang mga nangamamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay namaguli kung magkagayon tayong mga nangabubuhay na natitira ay aagawin kasama nila sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa hangin at sa ganito sasa Panginoon tayo magpakailanman.
Sabay sabay pala ang ating pag akyat sa langit sa anomang paraaan ay hindi tayong mangauuna sa mga patay kahit matagal na silang mga patay hindi tayo mangauuna sa kanila at hindi rin sila mangauuna sa atin upang sila ay huwag maging sakdal ng bukod sa atin.Kaya hindi pa nila kinamtan ang lupain pinangako ng Diyos sa makatuwid sa langit:
⏩ "Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa. Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili. At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik. Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan...."At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako, Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin.-- ( Hebreo 11:13-16,39-40)
-------------
Ang patunay sabaysabay na magmamana at papasukin sa Kaharian ng langit ang mga banal at sabaysabay rin na ibubulid sa dagat dagatang apoy ng impyerno ang mga taong masasama kasama ang diablo at kanyang mga anghel:
⏩ " Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:...." Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:-- ( Mateo 25:31-34,41 )
Kaya taliwas ang aral ng Iglesia Katolika sa katotohanan na nasa loob ng Biblia.
-------------
Ngayon ang tanong natin totoo ba na pagkamatay ng tao ay agad agad na ito hinahatulan at pinaparusahan ?
Ito ang sagot :
⏩ "Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa. --- ( Eclesiastes 3:17 )
Ang sabi ng Biblia hahatulan ng Dios ang matuwid at masama sapagkat may panahon sa bawat panukala kaya hindi niya ito isinasagawa agad- agad ang paghatol ng Dios may panahon ukol dito.
⏩ "Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan. -- ( Eclesiastes 8:11 )
Nagtakda ang Dios ng isang araw na kanyang ipaghuhukom:
⏩ "Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. --- ( Mga Gawa 17:31 )
Sa Iglesia Katolika araw araw humahatol ang Dios kasi sa paniniwala nila pag ang tao namamatay agad ito hinahatulan ng gantimpala at parusa.
---------------
Ano ang kalagayan ng isang patay sa libingan?
Ano ang nangyayari sa isang patay may kamalayan ba ang patay sa mga nangyayari sa ilalim ng araw:
⏩ "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.-- ( Eclesiastes 9:5-6 )
--------
Ano ang patunay na wala ng kamalayan sa isang patay :
⏩ "Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? -- ( Mga Awit 6:5 )
--------
Kahit ang pagpuri sa Diyos ay hindi na ito nagagawa ng isang patay!
⏩ "Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;-- ( Mga Awit 115:17 )
Kaya sa tanong pwedi ba na ipamagitan ng isang patay ang mga buhay sa Panginoon:Maliwanag na hindi na nila tayo pwedi ipamagitan dahil kahit ang pagpuri sa Panginoon ay hindi na ito nagagawa ng isang patay!
⏩"Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan..."Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.-- ( Isaias 38:10-11,18-19 )
Kaya hindi totoo na pwedi tayo ipamagitan ng mga patay na santo o santa sa Diyos!
Ang paniniwala na ang mga patay nabuhay na at nasa mga langit na ito ay mga sinsay na katuruan ni Hemeneo at Feleto:
⏩ At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba. --- ( 2 Timoteo 2:17-18 )
-----------
Ito ang kalagayan ng libingan sa isang taong namatay pwedi ba marinig ng patay ang panalangin mo sa kanya :
Ito ang sabi ng Biblia:
⏩"Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.-- ( Job 3:17-19.)
-------------
Ngayon baka itanong nila kung wala pang tao sa langit bakit sinabi ng Biblia na si Elias ay inakyat sa langit ?
Basahin natin ang talata:
⏩ " At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo. --- ( 2 Mga Hari 2:11 )
Binanggit dito na sumampa si Elias sa langit sa pamamagitan ng ipoipo.
sa Biblia may tatlong uri ng langit ang paraiso ay nasa ikatlong langit tiyak natin na ang langit na sinampahan ni Elias ay hindi langit na kung saan naroon ang paraiso dahil hindi pwedi isampa si Elias sa langit na iyon dahil laman at dugo si Elias
At ang laman at dugo hindi magmamana ng Kaharian ng Dios sa ikatlong langit :kung titignan natin katawang panlupa pa taglay ni Elias ng isampa siya sa langit hindi ito maluwalhating katawan kaya hindi langit na kung saan naroon ang Kaharian ng Dios ang sinampahan ni Elias:
⏩ "Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. --- (1 Corinto 15:50 )
----------
Si Propeta Enoc ganun din hindi rin natin mabasa na isinampa siya sa langit na kung saan nandoon ang Kaharian ng Dios ayon sa ulat si Enoc ay inilipat siya upang huwag siyang makakita ng kamatayan gaya ni Propeta Elias
⏩ " Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:---( Hebreo 11:5 )
Ngayon ang tanong saan dinala si Enoc at Propeta Elias?
Hindi natin alam !
Malawak naman ang sansinukob kung saan man sila dinala ng Dios na bahagi ng sansinukob ang Dios ang nakakaalam isa lang tiyak ang sabi ng Panginoon na wala sinoman ang may nakaakyat sa langit kundi ang bumaba samakatuwid ang anak ng tao na tinutukoy niya ang kanyang sarili.- (Juan 3:13) kaya wala pa si Enoc at si Propeta Elias sa langit kung saan nanduon ang Kaharian ng Dios:
Ngayon ayon kay Apostol Juan hinulaan niya na may lilitaw na dalawang saksi at itong dalawang saksi ay papatayin tandaan natin si Enoc at Elias hanggang ngayon ay hindi pa nakaranas ng kamatayan at ayon sa mga dalubhasa sa kasulatan ang dalawang saksi na ito ay si Enoc at si Propeta Elias:-- (Apocalipsis 11:1-13)
Kaya makakaranas rin ng kamatayan si Enoc at Propeta Elias patunay ito na hindi pa sila nakakapasok sa paraiso kasi hindi pa nila taglay ang maluwalhating katawan na hindi namamatay .
---------
Nasa langit naba si Maria at ang mga banal na namatay?
⏩ "Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.-- ( Mga Awit 16:3 )
Nasa lupa pa sila at nasa libingan!
Ang Halimbawa nito ay ang Banal na si David :
⏩" Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,...,"Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.-- ( Mga Gawa 2:34,29)
Banal ba ang patriarkang si David ito ang sabi ni David?
⏩ "Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. -- ( Mga Awit 86:2)
Alam natin na matagal ng namatay si Haring David ng isulat ito ng evangelistang si Lucas pero isinaysay ni Lucas na si David ay hindi inakyat sa langit o wala pa sa langit.
Ito ang patunay hindi agad - agad inaakyat sa langit ang mga banal sapagkat ang panahon ay hindi pa dumarating nanatili sila nasa libingan hanggang ngayon natutulog kasama ng ating mga magulang na nauna at matagal ng namatay.
2 Mga Hari 20:21
At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Comments
Post a Comment