PART 2 - MAY TAO NABA SA LANGIT


Ngayon isa isahin natin ang mga talata na ginagamit ng mga Catholic Faith Defenders sa pagsasabi na may tao na sa langit kaya nanalangin sila sa kay Maria at sa iba pang mga Banal na kanilang kinikilala:

Ginagamit nila ang Hebreo 12:23
Basahin natin ang nasabing talata:

⏩ "Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, -- ( Hebreo 12:23 )

Ayon kay Apostol Pablo.may pangkalahatang pulong at Iglesia ng mga panganay na NANGATATALA SA LANGIT at sa Dios na Hukom.ng lahat at mga espiritu ng mga ganap na pinasakdal:

Tama kaya ang unawa nila sa talata na itong mga espiritu ng mga ganap na pinasasakdal ay nasa langit na.

Hindi po!

Maliwanag naman na itong Iglesia ng mga panganay ay ito rin ang pangkalahatang pulong na nangatatala sa langit at sila mga espiritu ng mga taong ganap na pinasaldal ng Panginoon.

Wala sila sa langit kundi ang pangalan nila nangatatala sa langit:

Mayroon ba na talaan ng mga pangalan ng mga taong ganap na langit .

Mayroon po!

Ito ang tinatawag na aklat ng buhay na kung saan isinusulat doon ang pangalan ng lahat ng mga taong ganap na pinasakdal:

⏩"At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. --- ( Apocalipsis 13:8 )

At kung hindi naisulat ang pangalan mo sa aklat ng buhay ay wala kang kaligtasan sapagkat isinusulat doon ang pangalan ng lahat ng matuwid na pinapaging ganap na pinasakdal:

⏩ 'Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.-- ( Mga Awit 69:28 )

Itong mga espiritu ng mga ganap na pinasakdal sa Iglesia ng mga panganay ay nasulat na ang kanilang mga pangalan sa aklat ng buhay sa langit.

Nakatala lang ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay sa langit hindi nangangahulugam na nandoon na itong mga espiritu sa langit .

At sa araw ng paghatol ng Dios bubuksan itong aklat ng buhay at iba pang mga aklat para hatulan ang mga buhay at ang mga patay at kung masusumpungan na hindi nakasulat sa aklat ng buhay ang iyong pangalan ay ibubulid ka sa dagat -dagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan.

⏩ "At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.-- ( Apocalipsis 20:11-15 ) 

--------------





At ayon pa sa mga Defensor Katoliko ipinamamagitan daw sila ng kanilang mga santo at santa sa langit sa harap ng Dios :

At ang ginagamit nila na talata ay ang 1 Timoteo 2:1 na inaaral ng Apostol Pablo sa sulat niya sa kanyang kamanggagawa na si Timoteo na maging manaing ,manalangin , MAMAGITAN ( intercession) at magpasalamat patungkol sa lahat ng mga tao:

⏩ "Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; -- ( 1 Timoteo 2:1 ) 

Ang inaaralan dito ng Apostol Pablo na mamagitan ay ang mga buhay na mga kapatid sa Iglesia na kanilang ipanalangin o ipamagitan sa Dios ang kanilang mga kapwa kapatid na buhay rin.

At Bakit ka naman ipamamagitan ng isang patay na kapatid sa Dios eh patay na nga sila! Ang pwedi mamagitan ay ang mga buhay hindi ang mga patay :

Ano patunay na hindi na magagawa ng isang patay ang mamagitan sa Dios para sa mga buhay :

⏩ "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.-- ( Eclesiastes 9:5-6 )

Hindi na nalalaman ng isang patay ang anomang bagay wala na sipang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw:

--------------




Ginagamit din ng mga Defensor Katoliko itong Santiago 5:16

Basahin natin:

⏩"Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. -- ( Santiago 5:16 )

Dito inaaral ni Apostol Santiago na ang mga magkakapatid sa Iglesia ng Dios ay mangagpahayagan ang isat -isa ng kanilang mga kasalanan at ipanalangin ng isa't isa ang iba dito ang kausap ng Apostol Santiago ay ang mga buhay na mga kapatid hindi ang mga patay na mga kapatid:

Na itong mga buhay na mga kapatid sa Iglesia ay ipanalangin nila ang isat - isa na mga kapwa nila mga kapatid sa Iglesia na mga buhay rin:

Tandaan natin na hindi na tayo kaya ipanalangin ng isang patay at hindi na nila tayo pwedi tulungan ....dahil mga patay na nga!!!

Tayong mga buhay ang inuotusan ng Panginoon na ipanalangin ang ating mga kapwa tao na mga buhay rin :

Bawal ng Dios na tatawag ka o makikipag usap ka sa isang taong matagal ng patay para hingan mo ng tulong ito ay karumaldumal sa ating Panginoong Dios:

⏩ "Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.— ( Deuteronomio 18:10-12 )

-------------




Ano ang panalangin ng mga banal na binabanggit sa Apocalipsis 5:8 

Ito ba ay panalangin ng mga santo at santa na mga nangamatay na ayon sa Iglesia Katolika ay nasa langit na :

Basahin natin ang talata:

⏩ "At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. -- (Apocalipsis 5:8 ) 

Ito Apocalipsis 5:8 ito'y isang pangitain o vision na ipinakita ng Dios kay Apostol Juan na sa kanyang pangitain nakita niya sa langit na apat na nilalang na buhay at dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero na ang bawat isa 'y may alpa ,at mga mangkok na ginto at sa loob ng mankok na ginto na hawak ng dalawangpu't apat na matanda may laman na puno ng kamangyan na siyang mga panalangin ng mga banal .

Kaya ang panalangin ng mga banal nakalagay pala ito sa loob ng mga mangkok na ginto doon sa langit :

Ngayon sino itong mga banal na ito nasa langit naba sila?

⏩ "Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.-- ( Mga Awit 16:3 )

Mga banal ito na nangsa lupa mga buhay pa ito hindi ito mga banal na mga namatay na.

Ngayon saan itong mga banal na na slla'y marilag na mga kinalulugdan ng lubos ng Dios ang sabi ngasa lupa sila :

Ano ang patunay :

⏩ "Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. -- ( Lucas 2:14 ) 

At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya:

Saan sila sa lupa! wala sila sa langit ???

Ngayon Bakit sila kinalulugdan ng Dios ?

Ito ang Sagot :

⏩ "At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya. -- ( Mga Gawa 10:34 -35 ) 

Ang sabi ibinuka ni Apostol Pedro ang kanyang bibig na sinabi tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Duos ng mga tao kundi sa bawat bansa siya na may takot sa kaniya at GUMAGAWA NG KATUWIRAN ,ay KALUGODLUGOD sa kanya.

Bakit nalulugod ang Dios sa kanila? kasi nga gumagawa sila ng mga katuwiran ng Dios o tumutupad sila sa mga utos ng Dios kaya sila kalugodlugod sa Dios ....Ngayon ang mga namatay na nakakagawa o nakakaganap pa ba sila ng mga utos ng Dios!

Hindi na !!!

⏩ "Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. -- ( Eclesiastes 9:10 ) 

Wala ng gawa ,ni katha man ,ni kaalaman man ,ni karunungan man sa SHEOL o LIBINGAN na iyong pinaparuonan.

Kaya itong panalangin ng mga Banal nagmula ito sa mga Banal na nabubuhay pa sa ibabaw ng lupa na gumagawa pa ng katuwiran ng Dios.

Hindi ito ukol sa mga banal na nangamatay na dahil hindi na sila nakakapanalangin o nakakagawa man wala na silang anomang bahagi sa ilalim ng araw.

Purihin ang Dios !

Comments

Popular Posts