ANG KABOHUAN NG TAO


Paksa: 
Ano ang nangyayari sa tao pag ang tao ay namatay: 


Una alamin natin ano ba ang bumubuo sa pagiging tao? 


Basahin natin: 


"At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.(1 Tesalonica 5:23) 


May tatlong sangkap pala na bumubuo sa pagiging tao ito ang kanyang ESPIRITU. (spirit) ang kanyang KALULUWA (soul) at ang kanyang KATAWAN ( body). 


Ngayon magkakahiwalay ba itong tatlo ang espiritu, kaluluwa at katawan. 


Ang sagot natin dyan ay : 


#opo 


Hebreo 4:12 
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. 


Ngayon kung magkahiwalay itong tatlo ang tanong natin ano itong kaluluwa (soul) at ano naman itong espiritu ng tao (human spirit ) 


Bumalik muna tayo duon sa pasimula kung paano nilalang ng Dios ang tao. 


Ganito ang ating mababasa: 


"At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. (Genesis 2:7) 


Nilalang pala ng Dios ang tao mula sa alabok ng lupa ng anyuan niya ito sa anyo ng tao HININGAHAN niya ang butas ng ilong nito ng HININGA NG BUHAY at ang tao na hiningahan niya ng hininga ng buhay ay naging KALULUWANG MAY BUHAY ( A LIVING SOUL) 


kaya ang KALULUWA (soul) tayo mismo tinatawag tayo na living soul. 


Ngayon ANO naman ang tinatawag na HININGA NG BUHAY na inihinga ng Dios duon sa tao na kanyang ginawa. 


"Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); (Job 27:3) 


Alin ang hininga ng buhay na hininga ng Dios sa mga butas ng ilong ng tao para magkaruon ito ng buhay ito pala ay ang espiritu ng Dios . 


#kaya 


Alabok ng lupa na inanyo sa anyo ng tao 
((((((((Plus)))))) BREATH OF LIFE na ito ang spirit of God = A LIVING SOUL 


Kaya tayo mismo ang "Soul" o kaluluwa. 


Ngayon ANO ang nagyayari sa tao pag ang tao ay namatay??? 


Basa: 


"Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, (Santiago 2:26) 


Pag katawan ng tao ay wala ng espiritu o hininga ng buhay PATAY ito. 


Kaya may kasabihan tayo pag ang tao namatay nalagutan ito ng hininga. 


Ngayon namamatay ba ang KALULUWA o (soul)???? 


Ang sagot : 


#Opo 


Namamatay ang kaluluwa kasama ng katawan. 


"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.(Ezekiel 18:4) 


Dito maliwanag na ang kaluluwa ay namamatay. 


Ngayon saan napupunta ang kaluluwa o ( soul) ng tao pag ang tao ay namamatay. 


Basahin natin: 


"Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.(Mga Awit 119:25) 


Saan napupunta ang kaluluwa ng tao pag ang tao namamatay dumidikit ito sa alabok kasama ng katawan na nauuwi sa alabok. (Genesis 3:19) 


Ngayon bago natin puntahan kung ano ang nangyayari sa espiritu ng tao pagkatapus ang tao ay mamatay. 


Alamin natin muna pwedi ba mahawa ng karumihan ng kasalanan ang espiritu ng tao na bigay ng Dios. 


Ang sagot : 


#Opo? 


Pwedi ihawa ng kaluluwa na nagkakasala ang kanyang ang espiritu. 


Kaya nga ang payo ng Apostol Pablo ay magsipaglinis sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu. 


"Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.(2 Corinto 7:1) 


Kung hindi narurumihan ang espiritu ng tao bakit pa ipapayo ni Apostol Pablo na magsipaglinis sa lahat ng karumihan na nagpaparumi sa katawan at sa espiritu. Ibig sabihin kung narurumihan ng kasalanan ang laman narurumihan din ang espiritu kaya iingatang buo ang espiritu, kaluluwa at katawan na walang kapintasan dahil pwedi magkaroon ng kapintasan sa harap ng Dios ang espiritu, kaluluwa at ang katawan. (1 Tesalonica 5:23) 


Kaya kapag ang espiritu ng tao marumi sa paningin ng Dios hindi ito babalik sa Dios kundi may ibang dako ito na pupuntahan. 


Ang espiritu ng tao na lumabas sa katawan ng tao nagpapalinlang ito sa iri. 


"Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli.Sinong nakakaalam ng espiritu ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa?(Eclesiastes 3:20-21) 


Lumilipad ito???? 


"The years of our life are seventy, or even by reason of strength eighty; yet their span is but toil and trouble; they are soon gone, and we fly away.(Psalms 90:10) 


At may dalawang dako na pwedi puntahan ang espiritu ng tao na duon maghihintay ang mga espiritu hanggang sa maganap ang unang pagkabuhay sa mga patay.(Apocalipsis 20:5-6) 


Ito ay temporary place na paglalagakan ng mga espiritu ng tao. 


Sa sandaling namatay ang tao ihihiwalay sa katawan ng tao ang kanyang espiritu at mayroong mga ANGHEL na tagasundo sa bawat espiritu na itong MGA ANGHEL NA TAGASUNDO ito ang magdadala sa mga espiritu duon sa dako na nararapat sa kanila. 


Basahin natin: 


"At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng #MGA_ANGHEL sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.(Lucas 16:22) 


Mayroon dalawang dako na pagdadalhan sa mga espiritu pag ang isang espiritu ay matuwid dadalhin ito ng mga anghel sa dako na tinatawag na " SINAPUPUNAN NI ABRAHAM " ABRAHAM'S BOSOM"(Luke 16:22) 


Ito rin ang dako na kung tawagin ay KAMAY NG DIOS. 


" At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang espiritu ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.(Eclesiastes 12:7) 


"Into #your_hand I commit my spirit; you have redeemed me, O LORD, faithful God.(Psalms 31:5) 


Dito inilalagay ng Dios ang mga espiritu ng mga taong matutuwid na ang kanilang mga pangalan ay nasulat sa aklat ng buhay.(Apocalipsis 20:15) at duon duon siya aaliwin. (Lucas 16:25) ito ang dako ng mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal.(Hebreo 12:23) 


Ang pangalawang dako na pupuntahan ng espiritu ay ang "HADES" dito dinadala ng mga tagasundong anghel ang mga espiritung suwail o masama. 


"....at namatay naman ang mayaman, at inilibing.At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.(Lucas 16:22-24) 


Dito sa dako ng Hades makakalasap ang bawat espiritung suwail ng parusa sa nag aalab na apoy ito ay dako ng pagdurusa. 


Tinatawag rin itong HADES na BILANGGUAN NG MGA ESPIRITU. (SPIRITS IN PRESON) 


"Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:(1 Pedro 3:19-20) 


Itong bilangguan ng mga espiritu dito inilagay ng Dios ang mga suwail na anghel na hindi nangaingatan ang kanilang mga sariling pamunuan kundi iniwan nila ang kanilang sariling tahanan at duon magapos sila sa tanikalang walang hanggan.(Judas 1:6) at sumanib sa katawan ng tao.(Mateo 12:43-45) at nag-asawa ng mga anak na babae ng mga tao at naging mga higante ang kanilang mga naging supling. (Genesis 6:1-4) 


Sa pagitan ng HADES at ng ABRAHAM'S BOSOM ay may malaking bangin na nakalagay anopat ang mga nasa HaDES ay hindi pwedi makakatawid sa "ABRAHAM'S BOSOM at mga nasa ABRAHAM'S BOSOM hindi makakatawid sa HADES. (Lucas 16:26). 


Ngayon anoman ang nangyayari sa Kaluluwa na dumikit sa alabok mayroon ba itong kamalayan na malaman niya ang nangyayari sa kanyang paligid. 


Basa: 


"Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.(Eclesiastes 9:10) 


Kaya pag ang kaluluwa namatay nahihinto ang lahat kamalayan niya ang kanyang gawa ang kanyang katha ni kanyang karunungan at kaalaman.at duon tatahimik sila sa libingan. (Mga Awit 31:17)at ang kanilang alaala ay hihiwalay sa lupa.( Awit 34:16,Job 18:17).kaya ang mga kaluluwang nasa libingan na o sa sheol wala na itong kamalayan sa mga nangyayari sa ilalim ng araw. 


"Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.(Eclesiastes 9:5-6) 


Kahit ang kanyang isip ay mawawala. 


"His spirit departs, he returns to the earth; In that very day his thoughts perish.(Psalms 146:4) 


At hindi totoo na ang kaluluwa ng isang patay ay bumabalik o umuuwi pa sa kanilang bahay tulad ng paniniwala ng mga Katoliko na nakiki-fiesta pa ito sa mga buhay sa fiesta ng mga patay o Undas. 


"Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.(Job 7:9-10) 


Ngayon ano estado ng isang patay? 


"Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.(Job 14:12) 


Ang Estado ng patay ito ay nasa mahimbing na pagkakatulog na hindi mo namamalayan ang mga nagaganap sa iyong paligid ibig sabihin wala kang kamalayan sa estado na ito. 


"Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog. (Juan 11:11) 


Gaya ng kamatayan ni Lazaro na ayon sa Panginioon si Lazaro ay natutulog lang. 


Ngayon darating ang panahon na magaganap ang unang pagkabuhay ng mga patay.(Apocalipsis 20:5-6) sa araw na yon kukunin ng Panginoon ang mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal duon sa ABRAHAM'S BOSOM at ibabalik niya ito sa katawan ng mga taong ganap na pinasakdal na na ang katawan at kaluluwa ay nauwi sa alabok at muli silang mabubuo at papapasukin ng Panginoon sa kanilang mga ilong ang kanilang mga espiritu at muli silang mangabubuhay. 


"Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam.Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto.At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila.Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay. Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.(Ezekiel 37:1-10) 


Dahil naibalik na ng Panginoon ang espiritu o hininga ng buhay sa kanila mayroong TAGA GISING sa kanila at pag narinig nila ang TINIG ng TAGA GISING sila ay magsisibangon 


At ang Taga gising ay si Cristo ang Anak ng Dios. 


"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay. (Juan 5:25) 


Ngunit ito ay isa ng maluwalhating katawan ukol sa langit na hindi nasisira. (1 Corinto 15:49-55) katulad ng katawan ng kaluwalhatian ni cristo. (Filipos 3:20-21) 


Ganito rin ang magaganap sa muling pagkabuhay ng mga taong masasama na mula duon sa mga alabok at mga natitirang buto ay muli itong mabubuo at lalagyan sila ng litid at babalutin sila ng laman at tatakpan sila ng balat at muli ilalagay sa kanila ng Dios ang hininga o espiritu kukunin Dios ang espiritu ng taong masasama na ikinulong sa Hades at muli nya itong ilalagay sa taong patay at muli silang mabubuhay. 


Itong mga masasamang tao bubuhayin ito sa pagkabuhay na mag uli sa paghatol. (Juan 5:29) o walang hanggang pagkapahamak. (Daniel 12:2) 


Sa madaling salita bukod sa katawan at kaluluwa.(Mateo 10:28) kasamang mapapahamak ang kanyang espiritu na itatapun sa dagatdagatang apoy o impyerno.(Apocalipsis 20:13-15) o apoy na walang hanggan. (Mateo 18:8) na duon hindi namamatay ang kanilang uod at hindi namamatay ang apoy (Marcos 9:47-49) na usok ng paghihirap ay nagpapaiilanglang magpakailanman (Apocalipsis 14:10-11) at ang makapal na usok nito ay nagdudulot ng kadiliman at duon silay gagapusin at duon nga ang pagtangis at pangangalit ng mga ngipin. (Mateo 22:13) sa nagliliyab na asupre. (Apocalipsis 19:20) 


Kaya mali ang paniniwala na ang espiritu ng taong masasama ay hindi mapapahamak bagkus mapapahamak ito sa apoy na walang hanggan kasama ng kanyang katawan at kaluluwa. 


Comments

Popular Posts