MAY TAO NABA NA PINAPARUSAHAN SA NGAYON SA IMPYERNO

 








May Tao naba na pinaparusahan sa ngayon sa  Impyerno?


Ang pagpaparusa sa Impyerno ay magaganap sa araw ng paghuhukom.


sa ngayon wala pang tao na pinaparusahan sa impyerno.


Kasi amg impyerno ay inihanda ng Diyos sa kay satanas at sa kanyang mga anghel.


sa ngayon malaya pa na gumagala si satanas at ang kanyang mga anghel sapagkat hindi pa sila itinapon o na parusahan sa apoy ng impyerno.


Kaya wala pang tao sa impyerno.


Mateo 25: 31 -33 , 41 "  Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing...." Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: "


Kaya mali ang paniniwala ng mga Katoliko na may tao na sa ngayon na pinaparusahan sa impyerno.


Hindi pa nagaganap ang pagpaparusa sa mga tao at sa mga anghel ni satanas hanggang hindi pa nagaganap ang kapanahunan sa  paghahatol sa kanila.


Mateo 8:28-29 " At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon. At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?


-------


Ngayon.ang tanong pwedi ba mamagitan ang mga santo o santa para maligtas ang kaluluwa ng isang patay?


Hindi po!


Si Abraham ay isang santo, propeta at lingkod ng Diyos pero kahit si Abraham ay hindi nailigtas sa apoy ang kaluluwa ng mayaman na namatay. 


Kasi wala sa kapangyarihan ni Abraham ang magligtas ng mga kaluluwa sa apoy 


Tulad ng sinabi ni Abraham sa mayaman:


Lucas 16:24-26 

 " At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan."At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. --


Kung gayon si Maria at ang mga santo at santa  ng Katoliko ay walang kakayahan na mamagitan at magligtas ng kaluluwa ng mga patay sa apoy dahil si amang Abraham mismo hindi nagawa ito sa mayamang hangal na nasa pagdurusa ng apoy.


------


Walang Indulhensiya na pwedi ibayad sa gawang masama ng isang masama sa libingan:


Job  21:30-33

"Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?  Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa? Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan. Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang."


Comments

Popular Posts