Ano nga ba ang panalangin ng mga Banal panalangin nga ba ito ng mga namatay na mga banal sa Iglesia Katolika?
Ano nga ba ang panalangin ng mga Banal panalangin nga ba ito ng mga namatay na mga banal sa Iglesia Katolika?
Ayon sa mga Defensor Katoliko ang panalangin daw ng mga Banal ay panalangin ng mga namatay na mga santo at santa na ayon sa kanila nasa mga langit na namamagitan sa panalangin ng mga buhay.
At ang ginagamit nila mga talata ay itong nasa Apocalipsis 8:4 at ang nasa Apocalipsis 5:8
Apocalipsis 8:4 "At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.
-------
Apocalipsis 5:8 " At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
-------
Eh Kung ang panalangin ng mga banal ay panalangin ng mga namatay na mga santo at mga santa sa Iglesia ng Katolika na nasa mga langit na, bakit pa sila mananalangin, kausapin na lang nila ng personal ang Diyos dahil nasa langit naman sila.
non-sense pa na manalangin pa sila sa Diyos kung nasa piling na sila mismo ng Diyos sa mga langit pansinin ang mangkok na ginto nagpapailanlang sa kamay ng mga anghel na puno ng mga kamangyan na siyang panalangin ng mga banal.
Saan magmumula ang mga kamangyan ng mga panalangin ng mga banal?
magmumula ito sa bawat dako ng lupa na paghahandogan ng mga banal ng kamangyan ng mga panalangin:
Malakias 1:15 " Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
------
Ang inutosan manalangin ay ang mga buhay na mga banal hindi ang mga patay:
1 Tesalonica 5:16-18 " Lagi kayong magalak. Manalangin kayong walang patid. Magpasalamat kayo patungkol sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.
Filipos 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.”
---------
At sila ay nangasa lupa:
Mga Awit 16:3 " Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
--------
Ito ang mga banal sa loob ng Iglesia na mga buhay .
1 Corinto 14:33 " sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesya ng mga banal,
--------
Dahil ang mga patay ay hindi na nakapamamagitan ng mga panalangin ng mga buhay sa Diyos dahil wala na silang anomang bahagi pa magpakailan man sa anomang bahagi na nagawa sa ilalim ng araw.
Mga Awit 115:17 " Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;--
------
Eclesiastes 9:5-6 "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.--
Comments
Post a Comment