Pagkain nga ba ang dugo?
Pagkain nga ba ang dugo?
Ano ang sinasabi ng Banal na kasulatan ukol sa dugo at kumakain ng dugo:
ito ang sabi ng Panginoon:
Genesis 9:4 "Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
-----
Bakit ipinagbawal ng Panginoon na kainin ang dugo :
Deuteronomio 12:23-25 "Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
Ipinagbawal ng Panginoon ang pagkain ng dugo sapagkat ang dugo ay siyang buhay at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.
Levitico 17:14 "Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.
-------
Ano ang sasapitin ng mga taong kumakain ng dugo:
Levitico 17:10-11 " At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan. Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.
Ang sabi ng Panginoon ang sinomang Israelita o taga ibang bayan na nakikipamayan na kumakain ng dugo ay itititig ng Panginoon ang kanyang mukha laban sa taong yaon at ititiwalag siya sa Bayan ng Diyos.
-------
Ano inutos ng Panginoon na gawin sa dugo:
Levitico 17:12-13 " Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.
Inutos ito na huwag kainin, bagkus ibuhos at tatabunan ng lupa.
--------
Sa panahong Kristiyano ano ang sinasabi ukol sa dugo:
Hebreo 9:22 " Sa katunayan, itinatakda ng Kautusan na halos lahat ng bagay ay dapat linisin sa pamamagitan ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.
ang sabi sa aklat ng Hebreo ayon sa kautusan halos lahat ng bagay nililinis sa pamamagitan ng dugo at kung walang pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang mga Kristiyano ay tinubos sa pamamagitan ng dugo sa pamamagitan ng dugo ng ating Panginoong Jesu Cristo na kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Mga Gawa 20:28 " Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo.
-------
Efeso 1:7 " Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
-------
Inutos ba na kainin ang dugo sa panahong Kristiyano sa mga taong nagbabalik-loob sa Diyos:
Hindi po!!!
bagkus inuutosan ang sinoman magsilayo sa pagkain ng dugo.
Mga Gawa 15:18- 20 "Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una. Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios; Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.
--------
Kaninong utos ang pangilag sa pagkain ng dugo:
Ito ay utos at minagaling ng Espiritu Santo.
Mga Gawa 15:28-29 "Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
Comments
Post a Comment