ANG ANTI CRISTO UUPO SA TEMPLO NG DIYOS

 


Ano ang Katangian ng Anti-cristo ayon kay Apostol Pablo ito ay pagkahayag ng taong makasalanam ,ang anak ng kapahamakan na sumasalangsang at nagmamataas labas sa lahat na tinatawag na Diyos o sinasamba ,Ano'pat sya'y nauupo sa TEMPLO NG DIYOS na siya'y nagtayanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Diyos.


2 Mga Taga Tesalonica 2:3 - 4 

" Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios."


-----


Alin ang TEMPLO NG DIYOS na doon nauupo ang anak ng kapahamakan na.nagtatanyag ng kaniyang sarili tulad sa Diyos:


Ito ay ang Iglesia  o ang mga mananampalataya.


1 Mga Taga-Corinto 3:16-17

"Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan."


-----


Ang Papa sa  Iglesia Katolika ang kinatuparan nito siya ay nauupo sa TEMPLO NG DIYOS o Iglesia Katolika at itinatanyag ang kanyang sarili tulad sa Diyos .


Ayon sa isang aklat Katoliko ang santo Papa ay Diyos sa lupa at may mataas na  kapangyarihan sa mga tapat ni Cristo:


"The Pope is as it were God on earth sole sovereign of the faithful of Christ ,chief king of kings having plenitude of power ..."


---- [ Prompta Bibliotheca Canonica ,pp.46 ,Article 2 ,by Rev. Lucius Ferraris ]


------


“  We hold upon the earth the place of God Almighty ” 

---- [Pope Leo XIII Encyclical Letter of June 20, 1894 ]


-------


Ang Titulo na "Most  Holy Father " na ikinapit sa Papa ng Roma ay isang uri ng pamumusong  laban sa Diyos sapagkat ang titulo na ito ay angkop lamang sa Diyos Ama sa Langit:


Ang pagpapatawag ng Papa sa Roma na "Most Holy Father " ay tuwirang pag-agaw sa titulo ng Diyos Ama  bilang " Anang Banal"


 Juan 17:25 

" Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;"


--------


Ang Titulo ng Papa sa Roma na " Most Holy Father" ay pagtataas ng sarili laban sa Diyos sa pagiging Banal 


Ang sabi ng Biblia magiging malinis baga ang taong may kamatayan sa may lalang sa kanya o magigimg banal ba ang tao kay sa Diyos !


Natural Hindi???


Job 4:17

"Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? "


------


Job 15:14-15

" Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin."


Comments

Popular Posts