Anong Kasamaan ang naidudulot sa pagsamba sa mga imahen o mga larawang inanyuan ?
Anong Kasamaan ang naidudulot sa pagsamba sa mga imahen o mga larawang inanyuan ?
Bakit hindi marapat na sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng mga imahen o mga larawang inanyuan.
Juan 4:24 TLAB
" Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."
Ayon sa Biblia hinahanap ng Diyos na ang mga mananamba sa kanya ay mananamba sa espiritu at sa katotohanan sapagkat ang Diyos ay espiritu.
-------
Ang espiritu ay walang laman o buto o walang materyal na kaanyuan.
Lucas 24:39 FSV
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at aking mga paa. Ako ito. Hipuin ninyo ako at masdan; sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, at nakikita ninyong mayroon ako ng mga ito."
-------
Ang Katotohanan ay ang salita ng Diyos o ang mga utos ng Diyos.
2 Samuel 7:28 ADB
"At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod"
Mga Awit 119 :160 , 172 ADB
" Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man."..."Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. "
------
Ano ang mga utos ng Diyos tungkol sa paggawa ng imahen at mga larawang inanyuan:
Exodo 20:4 -6 ADB
"Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos."
Bakit hindi pumapayag ang Diyos na igawa siya ng mga imahen o ng mga larawang inanyuan.
Isaias 42:8 "ABTAG1978
"Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan."
------
Ano ang katangian ng isang imahen o mga larawang inanyuan:
Mga Awit 115: 4 - 7 ADB
" Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy; Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala. "
-------
Marapat ba na ang maging kaisipan natin tungkol sa Diyos na siya ay itulad sa mga imahen o sa mga larawang inanyuan.
Mga Gawa 17:29 ADB
" Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao"
-------
Ano ang babala ng Diyos sa pagsamba ng mga tao sa mga lmahen at mga larawang inanyuan.
Roma 1:21-23 ADB
" Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang."
-------
Nakapagliligaw ba ang pagsamba na inuukol ng mga tao sa mga larawang inanyuan o imahen.
Habacuc 2:18-19 ADB
"Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.
-------
Ano ang sasapitin ng mga taong mananamba sa mga imahen o sa mga larawang inanyuan na tinatawag sa Biblia na mga diyusdyusan:
1 Corinto 6:9-11 ADB
" Hindi nʼyo ba alam na hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang masasama? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang mga imoral, sumasamba sa dios-diosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae, magnanakaw, sakim, lasenggo, mapanlait, at mandarambong. "
--------
Ikapapahamak ng tao ang pagsamba sa mga imahen o larawang inanyuan. Ang sinomang sumasamba sa mga ito ay hindi magmamana ng Kaharian ng langit ,kundi sila ay itatapon sa dagatdagatang apoy ng impyerno.
Apocalipsis 21:8 ABTAG1978
"Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan."
Sa Iglesia Katolika Romana matatagpuam ang pagsamba sa mga imahen o sa mga Larawang inanyuan, sinamba nila ang mga nilalang kay sa Lumalang sinamba nila ang lmahen ng tao gaya ng imahen ni Maria at ng mga tinatawag nilang mga santo.
Deuteronomio 4:15-17 ADB
" Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,"
----------
Ang pagsamba sa nilalang ay makikita natin sa mga Aral Katoliko.Itinuro ng Iglesia Katolika sa kanilang mga Novena ang pagsamba sa tao gaya ng pagsamba kay Antonio De Padua at kay Ramon Donato:
" Sambahin at igalang din naman siya ng ibang mga tao at sa pagkilala sa ganitong biyaya ang ibang mga tao ,niloob ng Diyos na maging sariwa ang kanyang dila at hindi nabulok hanggang ngayon ,pinangyari din sa kanya bilang ganti ang mataas na pagkilala sa kanya sa kalagayan ng Diyos..." " Saksi ang lahat sa hindi mabilang na kanyang tinulungann higit ang mga taga-Padua na pinakamahal ng santo ngunit ang syudad na ito ay higit man sa ibang syudad sa buong mundo ay pinahintulutan sa paggalang at sa pagdebosyon sa pagsamba kay san Antonuo De Padua "
Hiligaynon:
"pagsimba kag pagatahuron man sia sang iiban nga mga tawo kag sa pagpakilala sa sini nga grasya ang iban nga mga tao ginboot sang Diyos nga maglab-as ang iya dila kag wala madunot tubtub karon gintugot man sa iya nga balus sang iya mataas nga pagkilala sa pagkahimtang sang Diyos...."" Saksi ang lahat sa hindi mabilang na kanyang tinulungann higit ang mga taga-Padua na pinakamahal ng santo ngunit syudad na ito ay higit man sa t ibang syudad sa buong mundo pinahintulutan sa paggalang at sa pagdebosyon sa pagsamba kay san Antonuo De Padua "
------ ( Novena sa Kaluwalhatian at Himala ni San Antonio De Padua pp. 24 ,26-27 ,Impreamatur ni Bishop Don Anselmo Avancenia)
------
Sa isang Novena itinuro nila na sambahin si Ramon Nonato :
" O 'Maluwalhati at Mahabagin na Santo Senior Ramon Nonato " O Ang Mapagmahal ' sa kanyang mga deboto kahit ako ang pinaka-maliit sa iyong mga deboto nandito ako sa iyong harapan at sumasamba sayo."
Hiligaynon:
"O' Mahmayaon kag maluloy-on nga santos senior nga San Ramon Nonato "O mahigugmaon sang imo nga deboto biskan ako labing kubos sa imong mga deboto yari ako naga atubang kag nagasimba man sa imo."
----- ( Novena kay San Ramon Nonato ,pp. 1, IInayus ni --- Milagros Perfecto Sanchez,, Imprematur ni Bishop Don Anselmo Avanceña)
--------
Maging ang pagsamba sa Imahen o larawan ng Nustra Senora de Salvacion:
"Ngayong araw na ito lamang ang papalitan ng ibang araw "O ang 'laging Sumasaklolo na siyang tunay na Berhin Maria KI NUESTRA SEÑORA DE SALVACION marami tunay na ibat -ibang lugar na sinasamba ang iyong banal na larawan."
Hiligaynon :
" Sini nga adlaw amo lamang ang paga-ilisan sang iban nga adlaw O 'matinabangon nga matuod nga Berhen ki Maria Nustra de salvation madamo kag nagka saisari nga matuod nga lugar nga gina simbahan sa imo santos nga larawan"
----- ( Novena ki Nustra Senora de Salvacion ,pp.3 ,Isinulat ni Mariano Perfecto)
-------
Ito ay Babala ni Apostol Pablo ukol sa mga lalake sa pakikipagtalik sa mga babae na hindii nila asawa.
Ngunit may espiritwal din itong kahulugan sa paghipo sa mga diyosdiyosan .
Iniutos na mabuti sa lalake na huwag humipo sa babae:
1 Mga Taga Corinto 7:1
" At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae. "
Alin ang babae na mabuti na huwag hipuin :
Deuteronomio 4:16
" Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, "
Kaugalian sa Iglesia Katolika ang paghipo sa mga larawang inanyuam na ilan sa mga ito nasa anyo ng babae.
Ibinabala ni Apostol Pablo na huwag humipo sa mga ito sapagkat ito ay bagay na marumi :
2 Mga Taga Corinto 6:17
"Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,"
Comments
Post a Comment